“Mr. Gadingan, Why?”
Salubong sakin ng instructor ko sa
Elem.Stats., wala kasi ako sa klase nung umaga. Nagka-stiif neck ako at parang
may malalagot na lastiko sa leeg ko. At sinambit ko nga ang aking kadahilanan. Masakit pa nga rin kaya.
“Dahan-dahan, first time ko
kaya.”
Lahat ng kilos ko parang nasa buwan. Bawat
paglingos ko kasama kong ipinapaling ang katawan ko. Minsan napapabgla ako,
nakakalimutan ko kasi na masakit nga pala. Unang beses ko pa lang magka-garne
kaya bagito pa ko sa pag-ha-handle ng ganitong kalagayn. Aray much talaga.
‘Kailangan mo ng panyo?”
Tanong sakin ni Kuya Joey. Kung iniisip mo
kung bakit pumasok ito sa eksena at anong kaugnayan nito sa leeg ko, sinasabi
ko sayo agad na walang rektang ugnayan. Hintayin mo kasi yung buid-up ng
anekdota. Alalahanin mo na patience is a virtue. Balakan natin yung tanong
sakin. Ay teka, sino nga bas i Kuya Joey? Isang volunteer mula sa Maynila,
naglilingkod siya ngayon sa Kubo. Balik ulit tayo sa tanong niya, pinulot ko kasi
yung nakakalat na panyo. Kulay ng bughaw na langit at mukhang babae ang
may-ari. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang talentong kumilatis kung malinis
ba, anong kasarian ng may-ari, at kung mapapakinabangan
ko ba ang panyo mula sa 5 metrong distansya. May koneksiyon talaga e.
“Hindi naman kuya.”
Simpleng sagot k okay Kuya Joey. Kasi
hindi ko naman talaga kailangan. Meron akong dala nung araw na ‘yon. Hello?!
Andami ko kayang panyo (70% ng mga panyo ko napulot ko lang din.) Ayon! Anchakeet pa rin pagkayuko ko para
sa panyo.
“Ate, libre pong babasahin”
Sabi ko sa isang estudyanteng nag-iisa at
may hawak na hand-outs. Alangan pakong abutan siya nung una kasi akala ko
nagrerebyu. Gasino ba naman ang 3 segundong abala para tumanggap ng pulyeto?
Tinanggap naman niya. Nakita ko si Kuya Joey na may kapanayam na 2 lalaki,
lumapit ako at naki-upo. Matapos ang kanilang panayam at magiliw na pagtugon,
pinasya nan i Kuya na umuwi kami ng Kubo mga 20 metro mula sa kinatatayuan
naming noon. Habang naglalakad kami pa-uwi sinabi k okay Kuya na umiiyak si Ate
at hindi ako ang may gawa.
“Pano po yung panyo nyo?”
Tanong ni Ate habang pinupunsan ang
pumapatak na luha. Habang kausap siya ni Kuya Joey kasabay ng luha niya ang
lurok ng ulan. Ganito ba nakakasenti ang
ulan para sayo Ate? Tanon ko sa sarili. Hindi man niya sinabi ang kaniyang
problema siguro masyadong personal, e nakatagpo naman siya ng totoong
Kapayapaan. Oks na din.
“Sayo na yung panyo. Ok lang.”
Hindi naman kasi talaga ako ang may
kailangan ng panyo. Marami sa’tin may stiff-neck. Nakapaling lang tayo sa
sari-sarili nating problemang marahil hindi pa sapat para maki-iyak satin ang
langit. Lingon-lingon din pag may time nang makita natin na may mas masakit pa
ang dinadala kesa satin.
No comments:
Post a Comment