Ayoko ng sales.
Meron nga akong sanaysay-series tungkol sa salesmen na minsang nakapanayam ko. Seyls 1, 2, at ito nga ang pangatlo.
Ayoko ng sales. Alam ko hindi bahagi ng pagkatao ko ang mangumbinsi, mambola, at magbenta ng produkto sa kliyente. Ang mga salesman rin ang madalas nakakaranas ng rejections.
Ayoko ng sales.
Ilang ako kapag nilalapitan ng mga sale staff sa mall, gaya ng marami satin. Pakiramdam natin ay pinaghihinalaan nila tayong shoplifter. Mahirap din nga kasing masalisihan sila, bawas pa iyon sa karampot nilang sinusweldo. Pero yung pag-a-assist kasi ay bilin daw sa kanila at parte lang ng kanilang trabaho.
Gayunman, ayoko pa rin ng sales staff kapag nagmo-malling.
Pero, nito lang ay nagpadala ako ng Resume sa isang anime-merchandise-chain sa bansa, may pagka-otaku rin kasi ako. At isa pa, marami kang matututunan sa mga salesman at pagse-sales.
Ayoko ng sales. Pero nito lang Pebrero ay nagtimpla ang Fortress (grupo ng mga kabataan) ng dishwashing liquid para makaipon ng pondo para sa mga pupuntahang summer camps. At siyempre, kailangan naming maibenta ang mga ito sa halagang 15 at 20. Pwede mo pang patungan ng kaunti para mas makaipon. Dagdag kasi ang kikitain sa mga savings account mula sa mga baon nila.
Tinulungan kami ng church. Marami ang nagbenta sa kani-kanilang lugar. Pinangunahan din ng aming Pastor (na siya ang may ideya ng nasabing microbusiness) ang pagbebenta ng mga produkto. Sa kagustuhang maka-ipon, at makapagpadala ng mga delegado sa camp, ay sinuyod niya ang mga simba-simbahan sa bayan. Bisita-iglesia.
Nakailang ulit rin ng timpla at benta. Timpla at benta. Habang lumalapit ang unang summer camp. Kayanaman, napagpasyahan na ni Pastor na maglako kami ng dishwashing liquid. House-to-house. Door-to-door. Wala raw kaming paliligtasing mga bahay. Sabay abot na rin ng babasahin-gospel tracts. Dual purpose na: Earthly at Heavenly Business.
Ayoko ng sales. Pero may magandang dulot ang paglalako:
1. Personality Development. Kailangan ngumiti at maging masayahin Walang bibili sayo kapag nakasimangot ka.
2. Community Immersion. Makikita mo ang ibat-ibang estado ng pamumuhay. Makikita mo ang ibat-iba nilang pakikitungo sa tao. Kung anung ginagawa nila sa mga oras na iyon. Makikita mo rin kung anung pangangailangan nila sa komunidad at mapapatanong kuna ano kayang ginagawa ng lokal na pamahalaan para tugunan ang mga ito.
3. Psychological at Emotional Strenghtening. Kung paano mo aaluin ang sarili mo na hindi ikaw ang tinanggihan nila kundi ang produktong biyabit mo. Cheer up self, it's not the end of the world. Kahit ganun ang pakiramdam talaga, lalo na kung nasigawan ka pa.
4. Spiritual Maturity. Kasi sa kabuuan, matutunan mong makibagay sa mga tao, magpasalamat kahit tinanggihan, magmahinahon kahit nabulyawan, at magbigay kahit napagdamutan. Hindi ka man nabilhan ay hindi naman sila na makakatanggi sa libreng babasahin at libreng kaligtasang mababasa rito. Kapag naisip mo rin na front act lang ang dishwashing liquid at promotion talaga ng Father's business ang inaatupag nyo, ay sulit na rin ang pagpapawis.
Kapag naalala mong si Hesus nga dinura-duraan pa, ikaw nga di pa krus ang dala-dala mo tapos umaarte-arte ka pa? Matatanggal na ang hiya-hiya mo.
5. Competence. Kapag marami kasi kayong teams na nagbenta, ay magkakaroon ng healthy na kumpetisyon pagdating sa top earners. Nasa top earners namin ang mga bata at mga babae. Nakaka-frustrate na wala kaming charm at cuteness. Ayoko ng sales.
Gayunpaman, cheer up self! It's not the end of the world.
P.S. Pasensya na po sa mga maling gramatika-maling paggamit ng bantas, o mispelled, o sva; unawain pagod ang salesman.
No comments:
Post a Comment