Thursday, February 26, 2015

Si Manong Drayber at ang Sweet Lover


   7: 26 na'ko nakalabas kanina papapuntang Quiapo. Hindi ako aabot sa 8:15 na grace period dahil matrapik na naman sa mga intersections d'yan sa Legarda. Uma-umaga na lang. Kapag nasa labas na'ko ng 'kumbento', hindi na'ko nagchecheck ng oras sa cellphone ko. Delikado, aba baka may mang-snatch ng umaga, expect the unexpected dapat.

   Kaya palagi akong tumitingin sa relo ng ibang pasahero sa dyip para tumingin ng oras. Kapag yung relos na may kamay, hindi ko na binabasa. Digital lang ang kaya ko. Kaya minsan sa mga cellphone na lang ako tumitingin. siempre, palihim lang dahil trespassing ako sa privacy nila lalo na 'pag may katext.

    Kanina, ito ang nabasa ko sa malalaking letra ng text ni Manong Drayber:

"i luv u 2 asawa q, miss u 2, tsup tsup.."

   7: 44 na pala! Kunwari 'yung oras lang ang nakita ko. Ang aga-aga kaya iniiwas ko na agad ang tingin ko mula sa cellphone ni Manong.Sinam-an ako ng tiyan, baka dahil uminom ako ng kape kaninanang umaga ng wala pang laman ang tiyan. Ilang beses kaming tumigil sa mga intersections kaya malamang marami pa silang mga jejemonic hart-hart text sa isa't-isa. Ayoko nang makita pa yung iba. Pero dahil kelangan ko pa ring magcheck ng oras ay muli akong napatingin sa cellphone ni Manong, wala akong choice dahil siya lang ang gumagamit ng cellphone at readable ang oras. Aksidente ko itong nabasa:

"salamat sa pgma2hal asawa q..."

   Wooooh! Grabeh! Pang primetime pa dapat ang KatNiel ah? Bakt ang aga nina Manong na inlababong-inlababo? E bakit ba kasi nakikialam ako? Nakikitingin na nga lang ako ng oras ang dami ko pang komento. Siguro, totoo nga. Totoo nga na kapag drayber, sweet laber.

   Isang makasalanang umaga sa'ting lahat.

Wednesday, February 25, 2015

Uk-ok Editor Problems

Given: Uk-ok na Editor ka.

Problem: Paano kung ang ka-date/ka-relasyon mo ay Boo-panes sa Ingles?

Definition of Terms: 
Boo-panes - wrong grammar &/or pronunciation
Uk-ok na Editor- OC (Obsessive-Compulsive) na OC sa paggamit ng salita.


   Naiintindihan ko kung ganito ang kalagayan ng ilan. Ilan lang, hindi marami ang may ganitong problema kaya naman kakaunti lang din ang nasusulat ukol sa paksang ito. Nasa minority group ang mga Uk-ok na Editors kaya hindi napapag-usapan ang isyung ito.

   Ma' babae o ma' lalaki, nakaka-turn off kapag mali-mali mag-Ingles. Nakakalukot ng mukha ang mga maling grammar sa mga sulat niya sa'yo. Malamang nagiging 'simpula ng Pebrero dahil prinoofread mo pa ng red bolpen. Nakakangibit din kapag naririnig mong mali ang mga pronunciations n'ya. Tila ba may umuuk-ok sa loob mo na gustong kumawala.

   Naalala ko 'yung patalastas dati ng isang sikat na pasta-chain sa bansa. May pumasok na gwapong lalaki, e di kilig-kilig naman agad ang mga babaeng crew, tapos umorder na si guy: "One lasag-na please". Gimbal. Hindi pa editors yung mga crew pero halatang nalasag ang paghanga nila sa guwapong guy dahil mali ang pagkaka-pronounce nito sa lasagnaPero bigyan natin ng patas na paghusga 'yung lalaki . Isaalang-alang natin na hindi naman salitang Ingles ang lasagna (la-zan-iauh) at isa pa ay hindi naman bahagi ng kulturang pinoy ang la-zan-iauh kaya intrinsically wala sa hinagap ng diwa natin ang paraan ng pagbigkas nito.

   Bilang kapatid sa hanapbuhay, ito ang ilang payo ko sa ka-Uk-okan mo:

1. 'Wag siyang i-tama sa harap ng madla kasi nakakahiya 'yun para sa kanya. Oks lang tumawa-tawa kung obvious 'yung pagkakamali ng pronunciation niya pero kung nabigkas lang niya na ke-rot ang car-rot, 'wag mo nang i-correct in public. Sarilinin mo na lang muna.

2. 'Wag magpunta sa mga 'academic' events gaya ng Dictionary Club, Grammarians United, at Word Porns Festival. Baka ikaw lang ang mag-enjoy.

3. 'Wag kang magprisinta na mag-edit ng paperworks niya o ng kapatid niya sa school. Lalong-lalo na ng libreng grammar workshop, wag na wag kang magvovolunteer! Baka hindi na yan magpakita sa'yo.  Kahit na gusto mo siyang ma-improve, nakakasakit yan sa loob ng ka-date mo. 


   Gumawa ka ng mga very light yet subtle na paraan para ma-improve ang English skills niya gaya ng paglalaro ng 4 pics-1 word, bookworm 1& 2, at scrabble. Pahabol: bawal din siyang bilhan ng mga school charts ng parts of speech.

4.'Wag i-send sa chat ang link na ito: http://www.englishgrammar.org/. Kahit na makakatulong pa yan sa kanya ng malaki. 'Wag kang makulit. 

5. 'Wag puro Holywood o anumang topic na magti-trigger para mag-Inglesan ang pag-usapan n'yo. Pag-usapan n'yo ang panitikang Pilipino, na ang husay ng mga bagong akda, na ang mga Pilipinong manunulat ay dapat basahin. Mga ganan, para naman mapayabong n'yo ang kakayahang gumamit ng sariling wika.

6. 'Wag mong isipin na mababang uri ng nilalang ang ka-date mo dahil boo-panes siyang mag-Ingles. Getting-to-know-you stage nga 'yan kahit pa mag-on na kayo. Kung nakita mong mahina siya sa linguistic skills, ukilkilin mo 'yung iba pa niyang intelligence, virtues o kagalingan. Malay mo isporti pala 'yan.  Malay mo astig ang leadership. Malay mo tatlong orchestral piece ang kayang tug-tugin. Malay mo may collection siya ng metal sculptures sa bahay. Malay mo nagvo-volunteer pala yan sa humanitarian org. 


   Alamin mo lahat, wag lang ang kakayahan niya sa pagco-construct ng sentence o pagbigkas sa rendezvousHindi mo malalaman kung nagpapasalubong ba siya ng hopia sa nanay niya kung titingnan mo lang ang coherence ng sentence niya. Hindi mo malalamang mabuti pala siya sa mga kaibigan niya kung lagi kang nakatuon sa pagbigkas niya sa Ingles. Hindi mo makikilala ang tao sa pamamagitan lang ng general average niya sa English. 



   Naikahon kasi tayo sa kaisipang matatalino ang mahuhusay sa Ingles. Na may kinabukasan ka dahil mahusay ka sa Ingles. Na edukado kapag mahusay mag-Ingles. Na sosyal kapag ingles ka ng ingles. Hindi ko sinasabing hindi mahalaga ang Ingles, ang sinsabi ko kung ang paggamit ng ibang wika ay madudulot ng hindi pagkakaintindihan at lamat sa usaping relasyonal, e di gumamit kayo ng wika na pareho kayong bihasa para may mutual understanding.  

  Mga kapatid na Uk-ok, tingnan natin ang kalaguyo natin... kalaguyo n'yo lang pala na parang isang 6-sided dice. Hindi dahil sugal ang isang relasyon na-swertehan lang. Hindi ko pinaniniwalaan 'yun. Isang dice dahil marami itong mukha. Hindi ka dapat nakatuon lang doon sa kulay pula dahil 'yun nga ang pinakamamababa ang iskor. Dapat habang gumugulong ang mga araw, nakikita mo ang iba't-iba niyang mukha.

Isasa-alang-alang din 
ang sariling payo sa hinaharap,
Dyord





P.S.

Isang 6-sided dice. Hindi mali 'yan. Historically speaking, tama ka na ang singular ng dice ay die pero sa modern English Standards, ang dice ay pareho nang singular at plural. Ang bago nga nitong plural form ay dices. I-tsek mo pa sa oxford dictionary o di kaya ay sa Wiktionary. 


   
   

Tuesday, February 24, 2015

Proposal of the Month: PNR Fare Increase (Kilig ka pa? ha!)

Pebrero 23, 2015
Lunes na Lunes


   Lunes na lunes naman ang balitang ito: Umento sa pasahe sa PNR, i-prinopose!

   Akala ko nakakainis na yung mga pages sa dyaryo na "si boylet nagpropose na kay starlet," pero may mas iinis pa pala lalo na para sa mga mananakay ng PNR (Phillipine National Railways) dahil may proposal din sila; magtataas mula Php 10 hanggang Php 15 mula Tutuban hanggang Calamba.

   Tatlong beses pa lang akong nakakasakay ng PNR mula diyan sa istasyon sa Sta. Mesa. Dito ako sumasakay kapag may pupuntahan ako sa Makati at galing ako ng Maynila. Parang national team for american football ang mga mananakay dito kapag rush hour. Balyahan talaga at walang kinikilalang kasarian dito; lahat at pantay-pantay. Gitgitan na babae at lalaki. Mabibilang mo na nga ang blackheads ng kaharap mo at mahihingahan na ang batok mo ng nasa likuran mo. Ganyan kaclose ang mga mananakay ng PNR. Bawal ang claustrophobic, mamatay agad hindi pa nakakarating sa susunod na istasyon.

   May dalawa akong kasama sa 'kumbento' na nag-oopisina sa Ayala at palagi silang may kwento mula sa pagsakay sa PNR. Taga-tawa lang ako most of the time. Si Rica, isa sa mga Ayala girl, ang nagforecast na magtataas ng pasahe ang PNR matapos magtaas ng pasahe ang MRT. Ayon sa kanyang analysis, itinaboy ng fare hike ang maraming pasahero ng MRT sa PNR kaya lalo itong naging over-duper-crowded. So, ang fare hike ng PNR ay magtataboy sa mga commuters saan?. Wala na, dahil kahit may umento pang 5 piso sa pasahe ay mas mura pa rin ito kaysa sa erkon na bus.

   May 70, 000 na pasahero pala ang PNR sa isang araw at nakakalungkot diyan ay marami sa kanila ay hindi nagbabayad. At 50, 000 diyan ang nagmumura siguro dahil sa stress na lalong nakaka-stress para sa ibang pasahero. Ang average na ibinabayad ng bawat pasahero sa PNR ay 12.something pesos at may average na subsidy na 14.something pesos ang gobyerno sa bawat pasahero. Sa loob naman pala ng 20 years ay ngayon lang magtataas muli ang PNR.

   Siempre, ang umentong ihinain ay may kasamang pangako ng development sa serbisyo ng PNR. Dadagdagan daw nila ang mga upuan para mas maraming nakaka-upo habang naghihitay ng tren. I-eextend din nila ang bubongan sa mga istasyon. Sana sa maintenance din dahil madalas nadedlay ang tren at naiipon ang pasahero kaya sumisikip lalo sa bus. Kapag na-delay o naiwan ang mga empleyado, makakaltasan sila dahil na-late na naman sila. Subject pa rin naman ang proposal for public consultation.  Si Rica po konsultahin n'yo, hindi lang po 'yon office girl, public transportation analyst din.

   Sana hindi lang umento sa pasahe ang i-propose, sa pasuweldo rin. At kapag suweldo na ang may umento, sana I do na kara-karaka.

Monday, February 23, 2015

Editing Sessions II


     Nakauwi ulit ako nito lang Pebrero 18-20 dahil maaga akong natapos sa coverage ko sa Ayala at walang pasok kinabukasan dahil Kong hei fat choi. Tapos, off-set ko ng Biyernes dahil nag-12 hours na naman ako ng Mon-Tue.

     Masarap lang sa pakiramdam dahil pakiramdam ko ang dami kong accomplishments sa'king pag-uwi. Ito ang listahan ng mga masasabi kong achievements:

1. Nai-walk ang mga aso at napaliguan sila.
2. Nakapag-gawa-gawa rin sa bahay.
3. Nakapagfellowship sa mga kaibigan sa kubo. 
    Long-time no time kasi nakipaghuntahan kena Alvin, Jem-jem, Shinabi, Nikabrik et. al.
4. Naka-attend ng 'Awit ng Puso' (Musical Night - Tagalog lahat ng awit) sa simbahan.
5. Nakatulog ng malupit-lupit sa bahay.
6. Nakadalaw sa aking Inang Unibersidad. Nakikamusta sa mga dating profs.
7. Naka-bonding sina Roy, Alquin, at Jul.
8. Nakapag-edit ng OJT manuscripts nung bundol boys.


     #8. Medyo nilamay ko 'to ng dalawang gabi sa sala-kusina (pinagsama) nina Jeuel. Inilatag ko lang yung "higaan ko" na sleeping bag sa sahig tapos ginawa  kong working table yung bubog na lamesita sa sala. Konting gulo-gulo ng mga papel at tambak na folders, pak! May instant office na'ko! Siyam na folders din 'yun. Tatlo kada isa sa kanila. Minimal na lang naman ang errors dahil ako rin ang nag-edit nito dati. Sinadya kong hindi masyadong higpitan ang editing para may gawin namang corrections yung magiging panel nila sa defense. Kasi kapag inayos ko ito ng todo-todo, e wala ng trabaho ang panel, e nagbayad sila ng 800 pesos sa panel kaya dapt may matrabaho rin nman sila.

     Kaya ayun nga may minimal na errors sa indention, spacing, at konting elaboration lang. Medyo natagalan lang ako sa paglilipat-lipat ng pahina. Ta's, medyo kinontrol ko rin yung haba ng original content para hindi umusod yung pages. Para yung ipiprint na lang ay yung pages na may mali. Para makatipid na rin sa printing.

     Iba ngayon ang editing session ko. Wala sa tabi ko ang ine-edit ko. Wala akong mapag-explainan ng mga mali. Hindi pa kasi sila pwedeng magpuyat talaga. Si Roy at Alquin, nasa kanila. Si Jul naman ay kailangan ng matulog bago mag-10 pm. Pero oks lang, sinulat ko na lang ang mga points na gusto kong i-explain sa kanila bago nila ipa-print yung manuscript. 

     Komportable naman kena Jul gumawa. Nakalatag na ang higaan ko at gamit ko pa ang paborito kong unan at kumot. Libre naman ang kape at tinapay dahil may license-to-bungkal-the-ref naman ako. Nag-baon din naman ako ng buns at condensed milk. Bumili rin ako ng gatas na timplahin. Kapag nakakatapos ako ng isang folder, kumakagat-kagat ako ng biskwit na may cinnamonish flavor habang kumakagat-kagat din ang mga buawaya sa NatGeo Wild sa TV.  Mga bandang alas dose ay tumigil na'ko para mamahinga.
   
   Isang error mula sa Introduction ni Alquin ang gumising sa aking diwa. I quote "Agriculture is an industry where you can find the mediocrity of God" end of quote. Anong nangyari sa kaibigan kong papasturin? Bakit biglang parang naging anti-Kristo siya sa statement na 'yan? Hindi ko na chineck ang Introduction page nina Alquin dati dahil naka-focus ako sa content at huli rin nila itong ginawa at hindi na naipakita sa'kin bago ipasa. Hugas kamay.

     Honest mistake lang siguro. Malamang hindi niya alam ang meaning ng mediocrity o dapat yata ay "can't find" yung isusulat niya 'ron. Pero ang matindi rito kahit ang unang line na ito sa Introduction ay hindi chineckan ng panel. Hindi ba nila ito binasa o dahil naka-focus din sila sa content? O dahil ang akademiya ay totoong naglalayo sa'tin sa pag-acknowloedge na may all-Knowing God? Parang ang OA ko, pero BIG deal itong error na ito at sana hindi lang nila ito napansin talaga.

     Kinatay ko na lang ang buong sentence para wakasan ang kasiyahan ni satanas. Imadyin, kung naimprenta 'yon at napabook bind? E di nakapuntos ang kalaban. Tsk. Tsk. Lalo kong na-appreciate ang kahalagahan ng pagkatay o editing. Makapangyarihan ang salita kaya dapat lang na maayos ang paggamit dito.

      
     Hindi pala ito commission work kundi compassion work. Sana ay makatapos na rin sa pag-aaral sina Roy, ALquin, at Jeuel ng malualhati.



Tuesday, February 17, 2015

Cabalen Times


    Nasa Tiaong ako noong Pebrero 14, Sabado. Hindi ako pumasok dahil inoff-set ko nga ito, nagdalawang araw ako na twelve hours plus isang overtime. Imagine yung 8-to-5 na bagot na bagot ako, ay ginawa ko pang 8-to-8. Muntik na'kong ma-stress! Tapos, pagdating ko pa sa terminal ng bus halos maniwala ako sa forever dahil ang daming uuwi ng probinsya. Nasa dulo na'ko ng walang hanggan.

Sa may Maharlika Highway sa Brgy. Lusacan.

     Pero sulit lahat ng pagod dahil matagumpay ang aking naging bakasyon.

  Nakipag-bondingan lang ako ng kaunti sa mga aso ko noong Sabado ng umaga dahil kailangan kong makipag-bonding kena Kakoy (Roy), Uloy (Alquin), at Jeuel (E-boy o pwede ring Ebs). Kaya nga rin ako umuwi. Naligo ako. Nagbihis. Nag-abot pala muna ng buwis kay Mama at sinabi kong P 300 pesos lang muna ngayon dahil may paggagamitan ako, nag-iipon ako pambayad sa bahay (kapag lilipat na'ko). Maliit lang din kako ang sinuweldo ko ngayon dahil may mga absent at leave ako sa trabaho. Isa pa, mukhang nagugutom at hindi napapaliguan ang mga aso kaya may deductions siya.

    Bago ako umalis, tinanong niya kung saan daw ako pupunta at bihis na bihis ako. Naka-black shoes, black pants, at dark blue na long sleeves; dala ko pa ang biyulin at bag ko paalis. Akala niya pabalik na rin ako ng Maynila. Sinabi kong sa Lusacan, kena Roy kako. Iisang baranggay lang naman nakatira yung tatlo, medyo magkakalayo lang ng bahay, isang sakay lang ng dyip mula sa baranggay namin. At kung bakit bisting-bisti ako ay dahil wala akong dalang tsinelas, wala ring rubber, black shoes lang. So, wala akong choice kundi magsuot ng formal. 

     Wala akong date.

     Dinala ko muna yung pasalubong ko kena E-boy para ipalagay sa ref. Natutunaw na kasi yung chocolate sa ibabaw nung brownies. Ihinabilin ko rin muna ang aking malaking bag ng mga supplies at biyulin. Tapos, konting kamu-kamusta kung nakakatulog ba ng maayos, kung ilan ba ang oras ng naipapahinga, kung hindi nahihilo at kung anong mga kinakain. Tapos, noong medyo malamig na ang brownies ay pinuntahan ko na si Roy dahil siya naman talaga ang una sa listahan ko.

Kena Kakoy (Roy):

  Medyo may papasok na eskinita yung bahay nina Roy. Isang compound silang magkakamag-anak eh. Si Lola Cherry ang nagbukas ng gate na yero at sumalubong sa'kin. Kanina pa raw ako inaantay. Nagpabili pa nga raw ng pandesal at kape si Roy dahil doon daw ako mag-aalmusal. Nahiya naman ako dahil alas diyes na'ko dumating. Pwede pa naman akong magkape at pandesal kasi hindi pa naman ako talaga nag-aalmusal.

    Iniabot ko sa kanya ang dalawang brownies na pasalubong ko. Tapos, iniabot ko rin yung clay. Ipinaliwanag ko yung clay art contest namin. Tinanong ko kung nahihilo pa ba siya. Anong mga gamot ang iniinom pa niya. Anong gamot ang hindi na. Saan na siya nakakalakad-lakad. At nalaman kong nakakapunta na ito sa palengke, kaya lang daw pag-uwi niya ay hilong-hilo siya. Bakit naman kasi doon, e nakaka-stress doon, dapat unti-unting layo lang kako.

   Pinagkwentuhan namin yung mga natutunan namin sa 'aksidente'. Marami kasing nag-iinterpret na yung aksidente nila ay 'yun na yung hudyat para mag-pastor na nga sila pagkatapos ng graduation. Pinag-usapan namin kung anong damdamin niya sa usaping 'yon.

    Mas nakakapag-usap kami ng seryoso ni Roy kaysa kay E-boy, kahit na mabiro itong si Roy at si E-boy ang mukhang seryoso. Nang tanungin ko kasi siya sa usaping 'pagpapastor' at pagpasok sa bible school ay pabiro pa nitong sinabing papasok daw siyang janitor sa bible school. Magiging masaya't panatag naman ako kung magpapastor nga ang mga kaibigan ko, kung 'yun 'yung trabaho ni BOSS sa kanila, e di go! Pero aamin kong may makasariling bahagi ko ang malulungkot.

   Marami kaming napag-usapan at nakalimutan ko na nga 'yung iba. Hindi na namin namalayan ang oras at mag-aalas dose na pala. Doon na 'ko nananghalian dahil nagpahain na si Roy sa kanyang Lola Cherry. Hindi na'ko tumanggi dahil naaamoy kong maanghang-anghang 'yung bopis. Si Roy nag-ulam ng paborito niyang sinaing na tulingan na may taba. Nagpatunaw lang ako ng saglit at umalis na rin ng bandang alas-dose. Bitin man, kailangan ko nang umalis dahil bibisitahin ko pa 'yung dalawa.

     Bago ko umalis, sabi ko pagpray niya muna 'ko. Parang baligtad? Dapat sana ako ang magpepray para sa kanya.  Sabi ko siya na muna at hindi ko kaya.


Kena Uloy (Alquin):

     Medyo malayo-layong lakaran ito mula kena Roy. Dumaan muna ulit ako kena E-boy para makahinga-hinga. Kumakain na siya ng tanghalian. Kumuha ako ng dalawa uling brownies at dinala ang isa pang kahon ng clay. Bago ko umalis, sinabihan ko si E-boy na matulog na muna kung magpapraktis siya ng gitara mamayang alas-tres.

    Pagdating ko kena Alquin, kapatid niya ata ang nan'dun. Wala raw si Alquin kasama ng Inay nagpapa-terapi sa San Pablo. Tatlong beses isang linggo nga pala ang terapi nito sa likod. Sabi ko pasabi na lang na dumaan ako dun.

   Bumalik ako kena E-boy at ibinalik ulit ang brownies sa ref. Hindi pa ito natutulog, ang tigas ng ulo. Sabi ko nang matulog at baka mastress mamaya sa praktis. Ako, mag-aaral muna ng aking bagong course na inenrol online- Clinical Neurology. Tineks ko si Alquin na dumaan siya kena E-boy at doon na lang kami maghuntahan.

May magbebertdey yata.


Kena E-boy:

     Halos tatlong linggo din akong hindi naka-uwi. "Sa atin" na nga ang tawag namin sa bahay nina E-boy. Simula pa nung nabangga sila, ngayon lang ako nakabalik.

  Nag-umpisa na'kong mag-aral. Mga dalawang oras din akong nag-aral at naglaro. Halinhinan lang kasi nakakadugo ng utak 'yung subject pero marami akong natututunan. Tinuturo din doon ang pagbasa sa Brain CT Scan. May layer ng tissues (Meninges) pala sa pagitan ng brain at skull, dahil kung wala, mamamaga agad ito kada maumpog ka kahit mahina laang. 

    Nahahati pa rin pala ang Meningial tissue sa tatlong layer pa ang Dura, Arachnoid, at Pia Mater kung saan pinaghihiwalay pa ng Epidural, Subdural, at Subarachnoid Space na kinalalagyan naman ng mga arteries na kapag naumpog tayo ng malakas ay siyang nasisira at nagdudulot ng brain hemorrhage o hematoma.  Nakakalula yung lectures kaya lumipat na uli ako ng ibang subject, Animal Health and Welfare naman.

  Bandang alas-tres, lumabas na si E-boy at nakatulog naman daw ng kaunti. Sabi ko i-momonitor ko ang pagtugtog niya. Kapag nahilo pwede namang iba muna ang tumugtog. Habang tumutogtog si E-boy. May naramdaman akong negatibong 'aura'. Lumabas ako. At sinasabi ko na nga ba, paparating na si Alquin kabuntot ang kanyang Inay.

   Kahit malakas ang tugtugan kena E-boy, ay nagkwentuhan kami ni Alquin tungkol sa kasama niyang tineterapi din. Puro raw kasi kwentong pag-ibig ang kwentuhan ng mga PT at ng mga tineterapi. Meron daw doong tatlong magkakapatid na maliliit yung binti. Meron lang daw silang parang walker para masuportahan ang paglakad. "Yung tatlong babaeng magkakapatid, lahat ay balahura" dagdag pa ng Inay ni Alquin. Sabi ko baka nasa genes na nila 'yun. 'Yung maliit na binti.

   Eniweys, ganito raw ang kwento. Yung isa sa mga magkakapatid ay super proud sa kanyang lablayf. Nakipag-tanan daw ito dati. Hindi naging hadlang ang kapansanan sa katutayan ni Ati. Ang tanong paano siya nakapagtanan? Maririnig at maririnig yung walker niya. Tuk-tuk-tuk ang sasabihin noon. Ang inakala ko ay binuhat siya noong lalaki palabas ng bahay nila. Pero hindi pala ganoon.

   Ganito raw: Itinaon daw na tulog ang lahat.Maririnig pa rin dapat yung tuk-tuk-tuk. Lumabas siya ng bahay mag-isa. Tapos, sumakay pa siya ng dyip! Ito ang pasabog: saktong ala-sais daw sa kanilang tagpuan siya dumating, nauna pa siya sa boypie niya. Bigyan ng medalya! Most punctual award!

     Pero ito talaga ang pinakapasabog, nuclear-level: Nalaman niyang may anak na pala yung boypie niya. Kung paano siya nakauwi ay sinundo raw siya ng tatay nila, may kasamang baranggay. 

   Maya-maya'y natapos nang tumugtog si E-boy at nagkayayayaang magmerienda sa kusina. Sabi ko me pansit doon. Nagkalkal naman si E-boy ng mangangatang tinapay. Matagal na nag-antay ang Inay ni Alquin sa kanya dahil hindi maubos ang aming kwentuhan lalo na sa lablayf nilang dalawa ni E-boy dahil nag-aagawan sa iisang prinsesa. Halos pauwiin na ni Alquin ang Inay dahil baka naiinip na ito. Kaya na raw niya mag-isa. Kayabangan laang ni Alquin, naiilang lang itong makipagkwentuhan dahil naririnig ng kanyang Inay lahat-lahat.

    Bandang ala-sais, kumuha na ng traysikel ang nanay ni Alquin, pauwi sa kanila. Ako naman ay papunta na ng church para magpractice ng choir. Si Jul, pinagpahinga ko na ulit. Babalik pa naman ako mamaya dahil may editing session pa ulit ako sa kanila at doon ako matutulog. 

     Pumunta na'ko ng simbahan para sa ensayo ng choir. Isang piesang tagalog at isang Ingles, nakakatuwa naman dahil kumakanta na kami ngayon ng Tagalog sa choir at kapanising-pansing hirap na hirap kami sa pagkanta ng Tagalog. Grabe! Kinalakhang wika kaya namin 'yun! Natapos ang praktis at hinatid naman ako pabalik sa Lusacan ng bandang mag-aalas neube na.

    Gising pa nga si E-boy. Ipinalabas ko sa kanya ang i-eedit kong manuscript niya. Para hindi na ito matambakan kapag pumasok na ulit sa iskul. Ipinalabas ko rin ang laptop. Tapos naglabas si Mrs. P (mami ni E-boy) ng tinapay. Tumambay lang ng kaunti si E-boy, kailangan niya na ring magpahinga dahil napagod itong tiyak sa maghapon. May simba pa bukas. Sa kwarto pa nina Mrs. P ito natutulog dahil bawal pa itong matulog uling mag-isa. Hindi rin lalong pwedeng ako, dahil patay na patay akong matulog. Kapag inatake 'to ng seizure ay baka naghihilik lang ako.

      Naghugas lang ako ng katawan tapos naglatag na ko sa salas nina E-boy, maganda rito dahil kalapit lang ng kusina. Binuksan ang laptop. Nagtimpla ng kape. Sumubo ng tinapay. Lasap ko ang cinnamon. 

     Humahagod ang kape sa pagod kong lalamunan kakakanta at kadadal-dal  maghapon.  Nag-iimbita na ang malambot na kutson para higaan, pero hindi may babakahin pa kong manuskrito. Trabaho talaga ang maging editor, trabaho rin ang maging kaibigan, pero mahal ko ang trabaho ko.







Pasasalamat:

Kay Lola Cherry and Family: Sa pag-aabyad sa'kin habang binibisita ko si Roy. 

Kena Babes, Jet-jet, Pastor at Mrs. P, at Tay Noli at Lola Nitz: Sa pagpapatuloy at pagpapakain niyo sa gutom na editor/manunulat na tulad ko. 

Kay Inay ni Alquin: Na matiyagang naghintay sa aming pagdadal-dalan.

Kay GOD: Sa pagbibigay ng blessing, ng off day, at pag-iingat sa aking daliy busy stressy work. Tsaka na rin sa pagpapabuti nina Roy, Alquin, at Jeuel. Walang tamis ang brownies kung nawala sila. SALAMAAAAAAT!!!!!!!

   

   




     

     

Friday, February 13, 2015

Chocolatey na Balentayms (Hindi Cheesy)


     Uuwi ako ng Tiaong ngayong weekends. May pasok talaga ako kapag Sabado, pero dahil nag-12 hours akong istreyt ng dalawang magkasunod na araw ay entitled akong mag-off set ng trabaho ko sa Saturday. Si Mam Sally ang nagbigay sa'kin ng tip na'to. Kaya tineks ko si Sir Zac, ang aking exec.editor ng ganito:

     "Sir, I'll be staying at the office until 8pm. Also, spend the same working hours on friday. Most likely I'll be off by Saturday."

     Ganyan ang sabi ko. Parang nakiki-usap na pautos. I'll get a no for an answer. Marami akong kailangang gawin pag-uwi. Kailangan kong kumanta at tumugtog sa simbahan, magspent ng time sa mga aso, magdilig ng halaman, at bisitahin sina Roy, Alquin, at Jeuel. O yung tinatawag ko ngayong bundol boys. Nakauwi na silang tatlo mula sa ospital. Gusto ko silang dalawin, masama?

   Gusto kong makitang nakakalakad-lakad na nga sila. Gusto kong malaman kung nakakapahinga nga ba sila o naglalaro lang ng PSP/Android. Hindi pwedeng mastress masyado si Roy at si Jul dahil may traumatic brain injury sila. Under observation sila ng ilang buwan. Lalo na si Jul, nagka-seizure pa naman ito noong nasa ospital. Ang problema kasi, ambilis ng mga 'tong mabagot, gusto lagi ay may kinakalikot kaya nakakapaglaro ng matagal sa selpown, e bawal nga munang magbabad.

      Kaya nang swelduhan na ay bumili ako ng clay. Oo, clay yung hinuhulma na may iba-ibang kulay. May aktibiti kami pero hindi pa opisyal ang rules at guidelines. Kailangan nilang malibang ng hindi masyadong nai-stress kaya clay ang naisip ko. Isa pa, national arts month ngayon. National Arts Month!

Puso is hart hart.


      Nakaka-chat ko naman si Jul at binigyan ko ito ng powers magdemand ng gusto niyang pasalubong at ito ang sabi niya: "kahit ano, surprise me!!!!". Wow ha, at mag-iisip pa'ko ng ikakasurpresa niya. E pano kung nasurpresa nga at na-stress siya at atakihin ng siezure? E di kasalanan ko pa.

    Bibili na lang ako ng tsokolate, tigi-tigisa kaming apat. Pumunta akong mall dito lang pagkatawid ng opis ko. Boring medyo sa opis kaya malling muna. Kitang-kita ko na baha ang mga tao, andaming nakapila sa kung saan-saan. Friday the 13th ah, akala ko ba malas ngayon? Bakit galang-gala ang mga tao. May mga dalang bulaklak, teddy bear, tsokolate, at mga cards. Pwe!

     Ako, pumila ako sa may bilihan ng brownies at bumili ng box of ten. Ito na lang ang ipapasalubong ko sa kanila. Makakain pa'ko at pwede pa kaming magtiga-tigalawa. Pag-abot sakin nung kahon may nilagay na disenyo. Puso-puso. Pwe!

       Bakit puso-puso? Pwede namang painting ang disenyo kasi National Arts Month. O di kaya ay Edsa Shrine bilang pag-alaala sa pagbabalik ng demokrasya sa bansa. Pwede ring ngipin dahil Oral health month ngayon, at least mapapaalalahanan ang mga mamimili nila na pagkatapos kumain ng brownies ay dapat maghiso. O kaya libro sana yung disenyo dahil International Book-Giving Day kinabukasan. Puso pa talaga?

      Ipapaliwanag ko na lang sa knila na natapat ng Balentayms e. Kung pasko kayo nabangga, edi sana krismas tri ang disenyo; o kung halowin naman, e di sana bungo. Ang punto ko kasi sana hindi lang sana mga bukstor ang nagdidiwang ng Int'l Book Giving Day, o di kaya'y mga dentista, DOH, at kumpanya ng tutpeyst ang nagseselebra ng Oral health month. Lunod na lunod na tayo sa komersalisasyon! Make love, not money.

    Bago ko umuwi at bumyahe papuntang terminal ng bus sa Buendia, umuhi muna ako at kinilig-kilig.





Takot x Tamad x Tulat

   Nakakatakot na. Nangyayari na nga 'yung kinakatakot ko noong wala pa'kong "totoong" trabaho. Alam na alam ko na kasi na kapag nag-8-to-5 na work ako ay siguradong hindi na'ko makakapagsulat. Paano na ang aking pagsasanay, ang aking pag-unlad, ang aking minamahal? Tampo na sa'kin ang aking bolpen. Kaya nga't nagde-date kami ngayon at nagsusulat ako.

   Kapag nasa opisina kasi ako, nakakaengganyo lang magsurf ng magsurf. Parang wala yung ambiance na hinahanap ko para makasulat. Ayoko palang magsulat ng may mga gumagalaw na mga tao. Hindi naman malilikot itong dadalawa kong ka-opismeyt, hindi rin nila ako kinakausap madalas. Nasa akin lahat ng oras para makasulat sa opisina kaya lang tinatamad ako. Tamad na tamad, bagot na bagot kahihintay sa mood na hindi ko alam kung saan naipit ng trapik. Kaya nga bumabawi ako ngayon.

  Pag-uwi ko sa 'kumbento', pagod na'ko at naakit lang mag-Wifi. Isa pa, maraming kadaldalan doon at natatapos lang ang aming talkshow tungkol sa mga ka-opisinang abusado, pagsakay sa PNR, hart-hart problems (nila), at usaping politikal, ng bandang alas-onse na. Inaantok na'ko. Ang mas nakakatakot pa ay hindi lang pagsusulat ang nababawasan kundi ang pagbabasa. Kapag ganito ng ganito, malalayo na'ko sa tamang landasin.

   Napaka-kaunti na ng librong nababasa ko ngayon. Simula noong Enero ay baka wala pang sampo ang mga nabasa kong libro. Karamihan pa roon ay komiks at maninipis lang. 'Yung tinatapos kong Bata, Bata, Paano ka Ginawa?, ay tinatapos ko pa rin hanggang ngayon. Ito pa lang ang nobela kong binabasa ngayong taon at inabot na'ko ng dalawang buwan. Grabe! Anong problema ko?

   Nagkaroon din ako ng kaunting problema. Nabangga ng pick-up sina Roy, Alquin, at Jeuel, pakiramdam ko nabangga din ako ng imbisibol na trak! Ang hirap pala 'pag ganun. Hindi ako makasulat. Hindi rin makabasa. Wala akong panlasa. Parang ayoko ng kahit anong pleasure o pagpapasaya sa sarili. Tinanggal ko rin muna ang panonood ng anime at paglalaro ng Pokemon.

  Pero hindi ko dapat 'yun gawing dahilan. Iniisip ko nga kapag nasa trabaho "Dyord, propesyunal ka, iwanan lahat ng problema sa bahay. Trabaho, now na!". Pero siyempre, hindi 'yun ganun. Dala-dala ko ang utak ko sa trabaho at kada hihinto ako para mag-isip, e sumasagi sa isip ko na nakaratay sila sa hospital bed at kumikirot ang anuman sa kanila habang ako ay nasa erkon na opis at maayos ang lagay. Hindi maihihiwalay ang pagiging kaibigan at manunulat. Ito yung mga bihirang pagkakataon na hiniling kong sana hindi na lang ako writer, sana doktor na lang. Sana neurosurgeon para matulungan ko sila. Pero hindi e, iba ang tinawag sa pagsulat, iba sa paggamot. Kailangang magtiwala ka sa tumawag sa kanila.

   Nakalabas na sila ngayon. At nag-uumpisa na muling lumakad-lakad. Ako, nag-uumpisa na rin umakda-akda kahit papaano. Kailangan kong alisin ang maling kaisipan ko sa pagsusulat. Kailangan kong baliin ang mga pangit kong gawi na:

1.Hindi magsusulat dahil may ibang tao. Kahit tahimik pa sila. Basta may ibang tao, tinatamad ako magsulat.

2.Hindi magsusulat dahil wala sa mood. 

3.Hindi magsusulat dahil may papanoorin o lalaruin. 

4.Hindi magsusulat dahil may bukas pa naman.

   Paano kung ako naman ang nabangga? E di mas marami na'kong oras para magsulat at magbasa. Ayun ay kung buhay pa. 
   

Wednesday, February 11, 2015

Saan Sakay?

Mahilig akong bumasa
Mula signborads ng MMDA,
Mga ads  sa overpass sa Quiapo
Hanggang sa mga nutritional facts
Ng mga sitserya at bote ng ketsup, 
Adik yata ako sa mga salita.

Bumiyahe ako minsan,
Intramuros - PGH lang naman
Dadalaw sa isang kaibigan
Doon na rin magtatanghalian
Sinampal ako ng sticker sa dyip:

"Nakasakay ka sa jeep ngayon,
Malay mo bukas, sa eroplano naman"

Sa dyip, amoy mo lahat; usok, pawis,  putok,
Jackpot ang nagngangalit na anghit!
Nangangarag at nauumpog kung malubak
Nahahablutan ng karampot na pilak
Pero. Mura lang ang sakay dito

Sa eroplano, kita mo lahat; gubat, ulap, at dagat,
Nakasandal sa malambot na upuan
May kaunti pa ring karag minsan
Ngunit walang trapik; Angat ka!
Pero. Mahal ang kapalit nito.

Sakay ulit ako PGH-Intramuros naman,
Binasa ko lahat ng pasahero, di man salita
Si Aleng nakadilaw ay tila pinagtaguan
Ng haring araw, nagtutubig ang mata
Di naman antok; di rin puwing 

Sumisingap-singap, kuha si panyo
Papitik-pitik sa kanyang tuhod
May tangan siyang enbelop
Di ko alam kung saan ang punta
Baka bukas, sa erolano'y sakay na siya.





Tuesday, February 3, 2015

Likhaan

   Galing ako ng Pangkalahatang Pagamutan ng Pilipinas (PGH) dahil kay Jeuel/E-boy. Manhik manaog ako sa 6th floor dahil nagdala ako ng non-biodegradable na lalagyan ng pagkain. At dahil hindi pwedeng ipasok 'yun kailangan kong balikan sa baba at isalin sa reusable na lalagyan. 

   Environment-friendly ang PGH. Astig! Ang hindi astig ay ang kanilang blockbuster hit na elevator sa sobrang haba ng pila. Hindi rin astig ang kalagayan ng kaibigan kong si E-boy. Pero sa ibang kuwento pa 'yon. 

   Umuwi ako ng bandang alas-siete. Sobrang napagod ako dahil na rin siguro sa stress ng trabaho at kalsada. Ramdam ko na naghihina ang mga binti ko. Tapos, parang nabanat talaga ang mga kalamnan ko sa hita. Pagdating ko sa 'kumbento' ay mag-uumpisa na ang aming pag-aaral-Bibliya na t'wing Lunes ng gabi sa pangunguna ni (Pastor) Kuya Caloy.

   Hinamon kami ni Kuya Caloy na basahin muli ang Genesis 1- 2:4, yung walang-kamatayang story of Creation. Tapos, may magkukwento sa'min noong nabasa namin. Ire-retell 'yung kuwento ng paglikha. Hindi siya biro dahil mahirap tandaan 'yung pagkakasunod-sunod. Kahit na ilang beses ko na'tong nadaanan simula pa lang ng nasa crib pa lang ako, hindi ko pa rin memoryado 'yung sunod-sunod na nilikha ng Diyos.

   Mahalaga ang retelling o recalling sa proseso ng pagkatuto. Ayon sa online course na Learning How to Learn, mas nakakapag-chunk tayo ng mga ideya o datos kapag nauunawaan natin ang mga mahahalagang puntos ng isang bagay na inaaral natin o pilit inaalala. Mas naililipat ang mga chunks of ideas/knowledge na ito mula sa working memory palipat sa long-term memory kapag sinusubukan nating i-recall ang mga ideya na babagong nakuha natin. Mas mainam nga raw ang recalling kaysa sa  passive rereading at cramming.

   Sinubukan kong i-kuwento 'yung paglikha sa pinakapayak na paraan. Pumikit ako tapos inumpisahan kong pagalawin ang imahinasyon ko at sinubukang ikuwento yung mga nagpa-pop-up na mga pictures sa utak ko:

   "Umpisa pa lang daw, andun na ang Diyos. Ang hirap ngang mag-isip ng wala eh. Tapos, lumikha siya ng liwanag. Inaayos niya yung tubig, may above at saka below kasi. Yung nasa taas ay tinawag niyang heaven (di ba may water content naman talaga ang atmosphere?), tapos pinagsama-sama niya yung tubig sa baba at tinawag niyang sea. 
   Tapos, nagpa-ultaw siya ng lupa. E di 'yung earth kulay blue at brown lang. Parang ampangit. Hindi... Hindi pala pangit dahil lahat pala ng creation niya ay good. May mas maganda pa pala siyang gagawin at 'yun nga; lumikha siya ng lahat ng klase ng plants. Siempre, naisip niya na yung mga green plants kailangan kumain. Kailangan ng photosynthesis, kaya gumawa siya ng sun pati na rin ng moon at stars. 
   Tapos, gumawa rin siya ng maraming isda sa dagat. Mga ibon sa langit. Tapos gumawa rin siya ng iba't-ibang animals sa lupa. Lahat ng creation niya sinasabi niyang "It is good". Parang artist lang di ba? Kapag nakakatapos ng isang obrang pinaghirapan talaga sinasabi natin, "Wow, ang ganda ng gawa ko". Pero sa lahat, ginawa niya tayo in His image. Tayo lang ang ganon. Tapos, nagpahinga na Siya."

   Mukhang simple lang na klase sa Religion noong elementari. Yung pagkukwento ko, nakabawas ng malaki sa pagod ko. Nakakarelax na ang laki-laki pala ng Dioys ko. Pero marami pa lang mahihinuha mula sa kwentong ito bukod sa stress-relieving at ito nga ang ilan mula sa aking mga housemates:

Ate Malyn: Meron tayong isang Creator at bago pa man ang lahat, and'yan na Siya.
Ate Tin: Si God ay God of Order kasi inayos niya talaga.Hindi halo-halo yung night and day, stars and moon.
Ako: Mahilig Siyang magpangalan. Andaming "and he called" sa buong chapter. Ex: And he called the light as day, and the darkness as night.  
Kuya Phillip: Nilikha Niya tayo in His own image. Tapos lahat ng kailangan natin nilikha na Niya kaya wala tayong karapatang magyabang.
 Rica: Paano kaya kung unang ginawa ng Diyos ang tao? (Siempre, hindi mo makikita yung tao kung siya ang unang ginawa. Black lang ang makikita mo dahil wala pang light.)
Ako: He's a good Creator dahil lahat ng cri-niate Niya ay good!
   Pero ito ang gumulantang sa'kin:
Ate Tin: Lahat ng ito ay ginawa Niya by His words. 
   Itinuro sa'kin dati sa Bio na lahat ng living things ay made-up of cells. Sa Chem naman, lahat ng matter ay binubuo ng atoms. Pero lahat pala ng nasa paligid ko ay galing sa salita. Kaya siguro mahilig ako sa words, sa writings dahil napapaligiran ako ng mga bagay na originally ay mula sa salita.

   Kanina sa banyo habang naliligo ako papasok sa opisina. Gumagalaw pa rin ang utak ko ang proseso ng paglikha. Tapos, dahil unti-unti na'kong nagigising dahil sa lamig ng tubig, ay naiisip ko na ang mga dapat kong tapusin ngayong linggo. Nakalimutan ko na nagbigay ng pattern ang Diyos sa mainam na paglikha. Kung tutuusin kaya Niyang likhain lahat sa loob ng isang araw lang, pero ginawa niya lang ng paisa-isa. Sa palagay ko'y na-enjoy ng Diyos 'yung proseso ng paglikha. 

   Nagbuhos na'ko ng isang tabo, mas handa ng dumaan sa proseso.