Nakauwi ulit ako nito lang Pebrero 18-20 dahil maaga akong natapos sa coverage ko sa Ayala at walang pasok kinabukasan dahil Kong hei fat choi. Tapos, off-set ko ng Biyernes dahil nag-12 hours na naman ako ng Mon-Tue.
Masarap lang sa pakiramdam dahil pakiramdam ko ang dami kong accomplishments sa'king pag-uwi. Ito ang listahan ng mga masasabi kong achievements:
1. Nai-walk ang mga aso at napaliguan sila.
2. Nakapag-gawa-gawa rin sa bahay.
3. Nakapagfellowship sa mga kaibigan sa kubo.
Long-time no time kasi nakipaghuntahan kena Alvin, Jem-jem, Shinabi, Nikabrik et. al.
4. Naka-attend ng 'Awit ng Puso' (Musical Night - Tagalog lahat ng awit) sa simbahan.
5. Nakatulog ng malupit-lupit sa bahay.
6. Nakadalaw sa aking Inang Unibersidad. Nakikamusta sa mga dating profs.
7. Naka-bonding sina Roy, Alquin, at Jul.
8. Nakapag-edit ng OJT manuscripts nung bundol boys.
#8. Medyo nilamay ko 'to ng dalawang gabi sa sala-kusina (pinagsama) nina Jeuel. Inilatag ko lang yung "higaan ko" na sleeping bag sa sahig tapos ginawa kong working table yung bubog na lamesita sa sala. Konting gulo-gulo ng mga papel at tambak na folders, pak! May instant office na'ko! Siyam na folders din 'yun. Tatlo kada isa sa kanila. Minimal na lang naman ang errors dahil ako rin ang nag-edit nito dati. Sinadya kong hindi masyadong higpitan ang editing para may gawin namang corrections yung magiging panel nila sa defense. Kasi kapag inayos ko ito ng todo-todo, e wala ng trabaho ang panel, e nagbayad sila ng 800 pesos sa panel kaya dapt may matrabaho rin nman sila.
Kaya ayun nga may minimal na errors sa indention, spacing, at konting elaboration lang. Medyo natagalan lang ako sa paglilipat-lipat ng pahina. Ta's, medyo kinontrol ko rin yung haba ng original content para hindi umusod yung pages. Para yung ipiprint na lang ay yung pages na may mali. Para makatipid na rin sa printing.
Iba ngayon ang editing session ko. Wala sa tabi ko ang ine-edit ko. Wala akong mapag-explainan ng mga mali. Hindi pa kasi sila pwedeng magpuyat talaga. Si Roy at Alquin, nasa kanila. Si Jul naman ay kailangan ng matulog bago mag-10 pm. Pero oks lang, sinulat ko na lang ang mga points na gusto kong i-explain sa kanila bago nila ipa-print yung manuscript.
Komportable naman kena Jul gumawa. Nakalatag na ang higaan ko at gamit ko pa ang paborito kong unan at kumot. Libre naman ang kape at tinapay dahil may license-to-bungkal-the-ref naman ako. Nag-baon din naman ako ng buns at condensed milk. Bumili rin ako ng gatas na timplahin. Kapag nakakatapos ako ng isang folder, kumakagat-kagat ako ng biskwit na may cinnamonish flavor habang kumakagat-kagat din ang mga buawaya sa NatGeo Wild sa TV. Mga bandang alas dose ay tumigil na'ko para mamahinga.
Isang error mula sa Introduction ni Alquin ang gumising sa aking diwa. I quote "Agriculture is an industry where you can find the mediocrity of God" end of quote. Anong nangyari sa kaibigan kong papasturin? Bakit biglang parang naging anti-Kristo siya sa statement na 'yan? Hindi ko na chineck ang Introduction page nina Alquin dati dahil naka-focus ako sa content at huli rin nila itong ginawa at hindi na naipakita sa'kin bago ipasa. Hugas kamay.
Honest mistake lang siguro. Malamang hindi niya alam ang meaning ng mediocrity o dapat yata ay "can't find" yung isusulat niya 'ron. Pero ang matindi rito kahit ang unang line na ito sa Introduction ay hindi chineckan ng panel. Hindi ba nila ito binasa o dahil naka-focus din sila sa content? O dahil ang akademiya ay totoong naglalayo sa'tin sa pag-acknowloedge na may all-Knowing God? Parang ang OA ko, pero BIG deal itong error na ito at sana hindi lang nila ito napansin talaga.
Kinatay ko na lang ang buong sentence para wakasan ang kasiyahan ni satanas. Imadyin, kung naimprenta 'yon at napabook bind? E di nakapuntos ang kalaban. Tsk. Tsk. Lalo kong na-appreciate ang kahalagahan ng pagkatay o editing. Makapangyarihan ang salita kaya dapat lang na maayos ang paggamit dito.
Hindi pala ito commission work kundi compassion work. Sana ay makatapos na rin sa pag-aaral sina Roy, ALquin, at Jeuel ng malualhati.
No comments:
Post a Comment