Mahilig akong bumasa
Mula signborads ng MMDA,
Mga ads sa overpass sa Quiapo
Hanggang sa mga nutritional facts
Ng mga sitserya at bote ng ketsup,
Adik yata ako sa mga salita.
Bumiyahe ako minsan,
Intramuros - PGH lang naman
Dadalaw sa isang kaibigan
Doon na rin magtatanghalian
Sinampal ako ng sticker sa dyip:
"Nakasakay ka sa jeep ngayon,
Malay mo bukas, sa eroplano naman"
Sa dyip, amoy mo lahat; usok, pawis, putok,
Jackpot ang nagngangalit na anghit!
Nangangarag at nauumpog kung malubak
Nahahablutan ng karampot na pilak
Pero. Mura lang ang sakay dito
Sa eroplano, kita mo lahat; gubat, ulap, at dagat,
Nakasandal sa malambot na upuan
May kaunti pa ring karag minsan
Ngunit walang trapik; Angat ka!
Pero. Mahal ang kapalit nito.
Sakay ulit ako PGH-Intramuros naman,
Binasa ko lahat ng pasahero, di man salita
Si Aleng nakadilaw ay tila pinagtaguan
Ng haring araw, nagtutubig ang mata
Di naman antok; di rin puwing
Sumisingap-singap, kuha si panyo
Papitik-pitik sa kanyang tuhod
May tangan siyang enbelop
Di ko alam kung saan ang punta
Baka bukas, sa erolano'y sakay na siya.
No comments:
Post a Comment