7: 26 na'ko nakalabas kanina papapuntang Quiapo. Hindi ako aabot sa 8:15 na grace period dahil matrapik na naman sa mga intersections d'yan sa Legarda. Uma-umaga na lang. Kapag nasa labas na'ko ng 'kumbento', hindi na'ko nagchecheck ng oras sa cellphone ko. Delikado, aba baka may mang-snatch ng umaga, expect the unexpected dapat.
Kaya palagi akong tumitingin sa relo ng ibang pasahero sa dyip para tumingin ng oras. Kapag yung relos na may kamay, hindi ko na binabasa. Digital lang ang kaya ko. Kaya minsan sa mga cellphone na lang ako tumitingin. siempre, palihim lang dahil trespassing ako sa privacy nila lalo na 'pag may katext.
Kanina, ito ang nabasa ko sa malalaking letra ng text ni Manong Drayber:
Kanina, ito ang nabasa ko sa malalaking letra ng text ni Manong Drayber:
"i luv u 2 asawa q, miss u 2, tsup tsup.."
7: 44 na pala! Kunwari 'yung oras lang ang nakita ko. Ang aga-aga kaya iniiwas ko na agad ang tingin ko mula sa cellphone ni Manong.Sinam-an ako ng tiyan, baka dahil uminom ako ng kape kaninanang umaga ng wala pang laman ang tiyan. Ilang beses kaming tumigil sa mga intersections kaya malamang marami pa silang mga jejemonic hart-hart text sa isa't-isa. Ayoko nang makita pa yung iba. Pero dahil kelangan ko pa ring magcheck ng oras ay muli akong napatingin sa cellphone ni Manong, wala akong choice dahil siya lang ang gumagamit ng cellphone at readable ang oras. Aksidente ko itong nabasa:
"salamat sa pgma2hal asawa q..."
Wooooh! Grabeh! Pang primetime pa dapat ang KatNiel ah? Bakt ang aga nina Manong na inlababong-inlababo? E bakit ba kasi nakikialam ako? Nakikitingin na nga lang ako ng oras ang dami ko pang komento. Siguro, totoo nga. Totoo nga na kapag drayber, sweet laber.
Isang makasalanang umaga sa'ting lahat.
No comments:
Post a Comment