Pebrero 23, 2015
Lunes na Lunes
Lunes na lunes naman ang balitang ito: Umento sa pasahe sa PNR, i-prinopose!
Akala ko nakakainis na yung mga pages sa dyaryo na "si boylet nagpropose na kay starlet," pero may mas iinis pa pala lalo na para sa mga mananakay ng PNR (Phillipine National Railways) dahil may proposal din sila; magtataas mula Php 10 hanggang Php 15 mula Tutuban hanggang Calamba.
Tatlong beses pa lang akong nakakasakay ng PNR mula diyan sa istasyon sa Sta. Mesa. Dito ako sumasakay kapag may pupuntahan ako sa Makati at galing ako ng Maynila. Parang national team for american football ang mga mananakay dito kapag rush hour. Balyahan talaga at walang kinikilalang kasarian dito; lahat at pantay-pantay. Gitgitan na babae at lalaki. Mabibilang mo na nga ang blackheads ng kaharap mo at mahihingahan na ang batok mo ng nasa likuran mo. Ganyan kaclose ang mga mananakay ng PNR. Bawal ang claustrophobic, mamatay agad hindi pa nakakarating sa susunod na istasyon.
May dalawa akong kasama sa 'kumbento' na nag-oopisina sa Ayala at palagi silang may kwento mula sa pagsakay sa PNR. Taga-tawa lang ako most of the time. Si Rica, isa sa mga Ayala girl, ang nagforecast na magtataas ng pasahe ang PNR matapos magtaas ng pasahe ang MRT. Ayon sa kanyang analysis, itinaboy ng fare hike ang maraming pasahero ng MRT sa PNR kaya lalo itong naging over-duper-crowded. So, ang fare hike ng PNR ay magtataboy sa mga commuters saan?. Wala na, dahil kahit may umento pang 5 piso sa pasahe ay mas mura pa rin ito kaysa sa erkon na bus.
May 70, 000 na pasahero pala ang PNR sa isang araw at nakakalungkot diyan ay marami sa kanila ay hindi nagbabayad. At 50, 000 diyan ang nagmumura siguro dahil sa stress na lalong nakaka-stress para sa ibang pasahero. Ang average na ibinabayad ng bawat pasahero sa PNR ay 12.something pesos at may average na subsidy na 14.something pesos ang gobyerno sa bawat pasahero. Sa loob naman pala ng 20 years ay ngayon lang magtataas muli ang PNR.
Siempre, ang umentong ihinain ay may kasamang pangako ng development sa serbisyo ng PNR. Dadagdagan daw nila ang mga upuan para mas maraming nakaka-upo habang naghihitay ng tren. I-eextend din nila ang bubongan sa mga istasyon. Sana sa maintenance din dahil madalas nadedlay ang tren at naiipon ang pasahero kaya sumisikip lalo sa bus. Kapag na-delay o naiwan ang mga empleyado, makakaltasan sila dahil na-late na naman sila. Subject pa rin naman ang proposal for public consultation. Si Rica po konsultahin n'yo, hindi lang po 'yon office girl, public transportation analyst din.
Sana hindi lang umento sa pasahe ang i-propose, sa pasuweldo rin. At kapag suweldo na ang may umento, sana I do na kara-karaka.
No comments:
Post a Comment