May pa-meeting ako mamaya sa mga nais magkaroon ng trabaho na miyembro ng Pamilyang Pantawid. Dahil nand'yan na rin lamang sila mamaya, e papipirmahan ko na yung mga dapat pa-pirmahan para umusad agad yung papel nila.
Pumasok ako sa library. Mahusay namang may gar'ne silang departamento kung saan ipinapaayos ang mga usb flashdrive na may virus at pini-print ang mga dokumento ng mga empleyadong walang printer sa kanilang departamento. Gaya ng dukhang kagaya ko na walang printer at wala pa ring computer. Nakikidawdaw lang ako sa laptop ni Ate Digna. Ilang araw na rin akong nakiki-print sa library nila na wala naman masyadong libro.
Nagtanong ako kung puwedeng maki-print ulit. Kaya lang mga sandaang pirasong A4 ang kailangan ko dahil maraming nais magkatrabaho na darating. Medyo pumalag na si Kuya. Kailangan din daw nila ng typewriting. Ipaghahanap na lang daw muna ako. Itinawag n'ya pa sa Engineering para ipangutang. Sabi ni Kuyang librarian, kulang daw sila sa typewriting lalo na sa A4. Wala na raw A4 ang pinagtanungan n'ya pang mga departamento. Kaunti lang daw kasi ang ibinibigay na supplies sa kanila kaya ambilis lang maubos. Itinigil ko na ang pagpi-print dahil nahiya na ako. Makapunta na lang ng gubat at makakuha ng dahon ng saging para mag-print ng forms.
Tinext ko ang Cluster Monitor ko kung anung gagawin ko kapag walang supplies ang munisipyo? "Bibili ka haha," reply ni Ate Lorie. Kailangan ko ng mahigit sandaan na A4 at kailangan daw ay limang kopya ng proposal at attachments. Tumingin ako tampipi ko at napailang. Kahit mag-borrow 1 from 9 ay can not be. Hindi ako makakabili ng A4. Sakto lang para mabuhay ako ngayong araw ang laman ng pitaka ko. Nasa survival-poverty threshold na naman ako.
Nakapag-isip lang. Sinasagot namin ang kabuhayan ng mga mamayan at ang yabang ng mga programa dahil sa milyun-milyong pondo. Namimigay kami ng mga bigasan, makinarya, at iba pang pangkabuhayan showcase. Nagpapagawa ng mga paaralan, kalsada, at iba pang infra. PERO hikahos sa typewriting.
Nagsasariling hugot na raw madalas ang mga kawani na job order at casual pa yung iba. E lahat ng proyekto, dumadaan sa typewriting kahit matagal nang digital at smart age ay sandamakmak pa rin ang kinokonsumong papel ng gobyerno ng Pilipinas. Dapat yatang i-edit out na ang "makakalikasan" sa'ting Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas.
May dumating naman na A4 galing daw ng Engineering. 'yun na lang daw ang A4 nila. Ipinaubaya na sa akin. Marami-rami naman, mga walo-cha kapag binilang. So ganito na lang, ipapasama ko na sa requirements ng mga beneficiaries ang pagbili ng dalawang pirasong A4.
Friday, May 27, 2016
Wednesday, May 25, 2016
Super Lungkot!
Nalulungkot ako bilang manunulat at kaibigan.
Hindi ko naturuan ang kaibigan ko ng copyright. Hindi ko nabigyang diin na ang pangongopya o plagiarism ay intellectual property theft o pagnanakaw.
Ang lapit n'ya lang sa'kin e. pero hindi ko s'ya naturuan.
Ang walang kuwenta ko. Ang bobo ko.
Haaysss...

WAT?!
WAT?!
Galing kami sa isang Provincial Convergence Operations Meeting kung saan nagtatagpo ang mga Municipal Links ng 4Ps at Project Development Officer IIs ng Sustainable Livelihood Program kung saan naman ako kabilang. Sa pulong na ito pinag-uusapan ang mga ulat, problema, at suhestiyon na rin tungkol sa mga programa ng DSWD.
Isinama kami ni Lianne at Ate Digna doon para makita namin kung paano magreport ng mga status at updates sa aming programa. Si Ate Lorie, ang Cluster Monitor na nagtetrain sa'min, ang nag-ulat sa mga kawani ng DSWD. Bago pa s'ya nag-ulat ay namura na s'ya ng Mayor ng bayan na nag-host ng pagpupulong dahil sa mga naantalang proyekto. Aligaga si Ate Lorie sa pagpaparoo't parito bago makapag-ulat. 'yung buong programa at mga teknikalidad ay hindi rin naman namin ma-absorb lahat dahil nasa learning curve pa nga kami.
Maya-maya, nagbigay ng ilang salita ang Mayor. Ang laki ng tiyan ni Mayor. S'ya raw ulit ang nanalong punong-bayan doon. Nagulat ako sa pauna n'yang mga pahayag: "'yung mga 4Ps n'yo ga ay nakatulong sa eleksyon o naka-perwisyo?" Napakunot ang noo ko dahil hindi ko na-gets agad. Inulit n'ya pa ang tanong at pinataas ang kamay na mga Municipal Links kung sinong mga benepisyaryo ang nakatulong at nakaperwisyo sa eleksyon. Meron nga namang nagtaas ng kamay pero hesitant.
Tahimik ang lahat ng MLs ng 4Ps. Siguro na-gets na nila ang ibig sabihin ni Mayor sa salitang "nakatulong". Ibig sabihin ni Mayor ay kung nakatulong ba ang 4Ps para maihalal muli ang administrasyon sa mga bayan-bayan namin. Ibig sabihin ni Mayor sa nakaperwisyo ay kung natalo ba ang administrasyon dahil sa iba ang ibinoto ng 4Ps. Hindi ang isyu ay ipinagbili ba ang boto o hindi. Ang isyu, para pala kay Mayor ay ang mga benepisyaryo ng Pantawid ay political machinery. Hindi na naman ako makahinga ng maayos kahit matagal nang uso ang oxygen.
Matagal na ring uso ang R.A. 6713 o yung batas na tumutukoy sa Ethical Standards ng mga sa Public Office, pero tila hindi ito alam ng ating mga politiko. Hindi nila alam na we should practice political neutrality. Hindi nila talaga bang alam na DAPAT ang serbisyo publiko ay walang kinikilalang kulay politikal. Ang public service ay color blind! Si Mayor, hindi na ipinagmakahiya ang sarili.
At sa tono pa ng kanyang pananalita ay may nais s'yang ipatanggal sa programa. Paano ga raw natatanggal sa 4Ps? Gaano ga raw katagal bago matanggal? Parang gusto ko nang awatin si Mayor. "Mayor tama na po, at sobrang nakakahiya na kayo." Concern lang ako sa image n'yo.
Napag-alaman ko pa na sumugod ito sa tanggapan ng Pantawid at kinagalitan ang mga Municipal Links doon dahil hindi nakapasok ang kanyang mga konseho. Nang matapos si Mayor sa kanyang privilege speech, binati s'ya ng host ng " Thank you po Mayor for your words of encouragement!"

Mga etiketa:
badtrip,
humanitarian crisis,
kayod kronikels
Tuesday, May 24, 2016
Pers Week sa Kagawaran (Field)
Pers Day sa Kagawaran (Field)
Unang araw ko ngayon sa probinsya. Pero hindi pa ako sa aking field of assignment. Pansamantala kay Ate Lorie raw muna ako. Cluster Monitor (pero PDO II rin) ng Ibaan, Padre Garcia, Lobo, Taysan, at sa San Juan kung saan kami mag-aapprenticeship sa kanyang patnubay.
Flag Ceremony
Kahit 8 n.u. pa ang usapan ay andun na ako ng 7:11 n.u.. Nagpapakitang gilas! Medyo nagkamali lang ako ng kalkula ng travel time o maaga na ang body clock ko ng 4: 48-49 n.u.. Pagdating ko, bukod sa mainit na sikat ng araw ay sumalubong sa'kin ang tumutugtog sa malaking ispiker sa harap ng munisipyo ang instrumental ng Amazing Grace. Pinagpalang umaga!
Nasa initan nakapila ng maayos ang mga kawani. Walang nakalilom. Lahat kumakanta nh pambansang awit. Lahat nasa dibdib ang kamay, maliban sa pulisya na nakasaludo. Lahat sumasabay sa panunumpa. Lahat humimig sa Imno ng Bayan ng San Juan. Pero may ilan-ilang kawani pa ring late comers.
Accomplishment Reports
Nagsalita ang incumbent mayor na re-elected. Binati ang pulisya para sa tahimik na halalan at nahuli na drug pusher sa naghahatid ng pagkain sa kanilang preso. Nagbilin na rin s'ya ng pagbabawal na ilabas ng San Juan ang buhangin dahil kulang na sa buhangin ang bayan nila dahil sa mga infra projects.
Nagpaalala sa basura, material recovery facility at recycling center si Mayor. Pinaalala rin n'ya ang bagong sasakyan sa pulis mula sa bagong congresswoman at bagong ambulansya mula sa paalis na congresan. Tipid na raw yun sa Rural Health Unit procurement.
Sa infra projects naman ay nakalinya na ang bidding ng 5M-peso covered court at by-pass road dahil sa problema sa traffic. Maglakad na raw ng project dahil ngayon na ang budgetting para sa 2017.
Fiesta
Nagyaya sa bahay nila si Mayor dahil piyesta, kung di pa raw nag-aalmusal ang mga kawani ng munisipyo. Hali halili lang at baka mawalan nga naman ng tao sa munisipyo. Maluwag daw ngayon sa attendance.
Accomplishment ng Office of Treasury
Sa 61 M na target nilang makolekta ay 41 million na ang na-reach nila. Malaki ang porsyento mula sa business tax, mga nasa 80%. At di na rin daw magtatagal ay maibibigay na nila ang Mid-year BONUS!
Palakpakan ang lahat at masiglang inumpisahan ang isang linggo ng serbisyo publiko.
Music: she got a smile that means to me....

Sunday, May 22, 2016
Dalaw sa Grace Bible Church
Dalaw sa GBC
Sa Grace Bible Church ako nag-church last week. Nag-training kasi ako sa Alabang para sa bago kong trabaho sa Kagawaran (DSWD) at sa parsonage nila ako tumutuloy para makatipid. Minabuti kong 'wag munang umuwi ng Sabado kahit tapos na ang training para sumama sa bahay nina Kuya Joey sa Paco.
Sa Paco, sa mismong bahay nina Kuya Joey s'ya nagtuturo sa mga bata sa lugar nila na medyo iskinita. Maraming barong-barong ang tirahan. Marami ring batang lansangan. Sila yung tinuturuan ni Kuya Joey.
Magulo sila sa loob ng bahay nina Kuya. Nakailang saway na si Kuya Joey. Kanya-kanyang awayan. Kanya-kanyang asaran. Kesyo malandi si ganito, at bakla kasi si ganyan. Pero meron ding ilang tahimik lang. Merong mga hindi raw nakakaligo talaga. Merong walang pamalit na damit. Maayos na nga raw ang mga batang 'to kaysa nung isang taon nang mag-umpisa silang magturo.
Kapag tinanong mo naman kung nasan ang mga magulang nila. May tatay na babagong aksidente. May nanay na nakipag-away. May mga magulang na pabaya at hinahayaang manlimos ang mga anak. Iba't ibang kuwento ng buhay. Sabi ko kay Kuya Joey, parang ganito yung mga settings ng sugod-bahay gang sa Eat Bulaga. Galing na nga raw dun minsan ang JoWaPao.
Tinuro ni Kuya Joey ang tungkol sa Salita ng Diyos. Nakuha ko sa review nila na ang salita ng Diyos ay isang/parang salamin, martilyo, apoy, at ngayon ay isa namang tanglaw sa ating daraanan. Aktibo naman ang mga batang nakikinig. Lalo na nung dumating si Ate Eve na bumili ng Fudgee Bar at Nesfruita Dalandan.
Pagkatapos magturuan, naghapunan naman kami nina soon-to-be-married Kuya Joey at Ate Eve ng itlog na maalat at kamatis na may maraming sibuyas.
"Kumakain ka ba nito?"
Ano namang akala sa'kin ni Kuya Joey rich kid?
Linggo ay sa Grace Bible Church ako aattend ng morning service.
Bumati ako sa mga ilang pamilyar na mukha. Mga nanay madalas ang kabatian ko rito. Ngayon ko lang din naabutan ang kanilang Breakfast Prayer Fellowship.
Niyaya ako ng isang nanay na palagi ko ring nakikita sa Prayer Meeting na makisali sa kanila doon sa may sulok at bandang likod ng simbahan. Nakatipon na pala doon ang mga dumadalo sa Breakfast Prayer. Nung andito pa ko nakatira kay Kuya Caloy, hindi ko naabutan ito dahil maaga. Mga 7 n.u., e halos 7:30 n.u. na ako nagigising noon. Hindi ko rin kilala ang mga mukha sa grupong ito.
Nagkantahan kami. Masigla at malakas naman kahit hindi kami sabay-sabay at kani-kaniya ang tiempo. Napansin kong nagpipilit magtagalog si Nanay na nagfafacilitate ng pre-service fellowship na 'to. Masyadong folk culture ang dating sa akin. Nasa tagalog din ang kanyang ibinahaging Salita mula sa Salmo. Nagpasalamat din ang ilan sa kabutihan ng Diyos. Dito ko na napag-alaman kung sino sila.
Nagpasalamat yung isa dahil sa natapos na eleksyon. Sana raw ay tuparin ni Mayor Duterte ang pangakong wala nang kontraktuwalisasyon. Lagi raw kasi silang natatanggal sa trabaho tapos sa patanda pa sila. Sana raw alisin na rin ang age limit lalo na at kaya pa namang magtrabaho. Sana raw ay hindi sila makalimutan na mahihirap.
Yung isa naman na saulong-saulo ang The Lord is my Shepherd Psalm ay nagpasalamat din. Medyo magulo nga lang kaya tinutulungan siya ni Nanay na sabihin kung anong ipinagpapasalamat n'ya talaga. Mukha na kasing preaching ang sinasabi n'ya. Kahit daw mahirap ang buhay, kasama naman n'ya ang Diyos at di s'ya pinababayaan. May pangamba rin naman daw kada may huli sa Luneta.
Sabat pa nung isa, kahit nababasa ang paa namin kapag natutulog tuwing tag-ulan, may saya pa rin. Sana raw mabigyan sila ng pabahay. Sana raw maabot sila ng programa ng DSWD. Napalunok naman ako. Pasensya na po, Linggo na ngayon.
Napag-alaman ko pa na yung isa pala ron, yung may life verse ng Psalm 23; ay nag-abroad sa Saudi. Padala nang padala sa pamilya dito sa Pinas, pero pag-uwi n'ya ay walang ipon at walang anak na gustong kumupkop sa kanya. Mapait ang katas ng Saudi sa kanya.
Haayys...ang daming kahirapan ng buhay. Maraming mapait na karanasan pero mabiyaya ang Diyos sabi nga sa panalangin ni Doktora na kasama namin nang umagang iyon. Nakapagdulot din ng ngiti ang tamis ng pasalubong n'yang pudding mula sa Malaysia.
Sa banayad na awit ng koro; sintamis ng pudding ang mga linya ng I'd Rather Have Jesus:
I'd rather have Jesus, than silver or gold.
I'd rather be His, than to have riches untold.
I'd rather be led by His nail-pierced hands

Saturday, May 21, 2016
Na-miss, Na-missed
Noong Lunes, bertdey pala ni Lola Nitz, lola ni E-boy. Hindi ko man lang naalala ang kaarawan ng matandang nagtatanong kung kumain na ba ako t'wing darating sa kanila. Pagod na pagod ako mula sa unang field day ko sa San Juan, Batangas. Hindi rin naman pala nagpaalala si E-boy. Wala rin naman akong maiabot kay Lola Nitz.
Martes. Hayun, pumunta sina E-boy sa San Juan para naman mag-outing ang mga pamilya ng mga pastor sa Tiaong. Absent ulit ako. Hindi naman ako legit na kapamilya biologically ng pastor pero parang ganun na rin daw yun. Kasama naman daw ako palagi sabi ni Ebs kaya lang sa pagkakataong ito ay hindi raw ako pwede dahil may trabaho na nga ako. Sabay tawa pa si Ebs.
Miyerkules. Dumalo ako ng Prayer Meeting. Kinumbida ako ng tropa kong si Nay Vergie dahil 80th birthday nya raw sa Sabado. Medyo na-miss ko nga rin ang mga seniors namin dahil sila lagi ang kahuntahan ko kada Linggo ng umaga.
Sa Linggo, baka kapusin na rin ang oras para makapag-kape pa kami nina Nikabrik. Sa Lunes at Martes, may retreat din ang church nina Ebs. Mami-missed ko rin ang event na 'to. Ganun naman talaga kapag balik full-time work ka na. Hit something and missed something pero parang missed a lot nga e.
Sabi ni E-boy, nagdadrama lang daw ako. Hindi pa nga raw ako nag-aabroad e. Para dadalawang linggo pa lang nga raw ako sa trabaho. Sabi ko hindi ako nagdadrama, nag-eexpress lang ako. Niyayakap ko lang ang realidad na malaki na ulit ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ko.
Kaya lang namimingaw ako talaga. Kung puwede lang sanang magkaroon ng mga accomplishments sa buhay habang hindi nalalayo sa mga tao, bagay, at lugar na mahal mo. Kaya lang yung paglayo talaga ang magpapakita sa'yo ng mga tao, bagay, at lugar na mahal mo pala at masyado ka lang malapit kaya di mo makita.
Nakahiga akong muli sa kusina-sala nina E-boy. Pakiramdam ko, nagbalik akong muli sa sinapupunan. Napunan ang malaking bahaging hinahanap ko sa loob ng dalawang linggo.

kayod kronikels,
maka-enrty lang,
okasyon,
pagkakaibigan,
personaliti
Thursday, May 19, 2016
Pers Week sa Kagawaran (Office)
Martes
Pamasahe
To Alabang P80
To DSWD 7
To Lawton 51
To Legarda 7
Pagkain
Lunch P 50
Tubig 15
Misc.
Contract P 60
Miyerkules
Pamasahe
To Alabang P 35
To DSWD 7
To Lawton 51
To Legarda 7
Pagkain
Lunch P 50
Meryenda 12
Unang dalawang araw namin ay nasa HR Office kami. At hindi 'lang' ang trabaho sa HR. More of organizing, filing, at alphabetizing ang ginawa namin. Medyo masakit din sa ulo. Nakakaaliw din naman ang makipagkilala sa mga co-workers mo habang nag-oorganize ng payslips at leave forms.
Nakakagulat lang ang mga payslip ng mga empleyado. May mga 8K ang kaltas kahit 14K lang ang suweldo. Meron pa ngang 10K ang kaltas! Ang pinaka mataas kong nakita ay 17K na deductions. Kahit na nasa 20K naman ang suweldo n'ya ay hindi pa rin maliit ang 17K ha. 'Yun pala may mga utang or loans ang mga empleyado. Normal daw yun sabi ng HR. Parang nakakapagod lang na halos nagtatrabaho ka na lang para sa utang. Buti na lang at may regular na trabaho naman sila. Pero I hate utang talaga.
Hindi mo rin kasi masasabi ang surprise ng life itself. Makikita mo yan sa mga dahilan ng kanilang leave requests form. Minsan nagkakasakit ka. Minsan nagbabakasyon ka. Minsan sa isang taon, magbebertdey ka. Kung gaano kadalas ang minsan, ganun din kadalas ang leave. Oks nga kung ikaw mismo ang dahilan ng leaves mo. Minsan hinde.
Nakakatuwa yung ibang leave reasons. Yung isa aabsent dahil recognition day ng anak sa school. Yung isa birthday celebration nung anak. Yung isang napangiti ako dahil 3 days s'yang leave dahil bride's maid s'ya sa kasal ng bespren n'ya. Cheerleader hanggang sa dambana!
Merong isa na halos isang linggo ang leave request. May tatay na naospital ang anak. Sa nakaraan n'ya pang leave request na nakita ko, nagbantay naman s'ya ng tatay n'yang may sakit. So bale, dalawang hospitalizations na ang nangyari sa buhay ng loved ones n'ya nang wala pang kalahati ng taon. Super surprise. Tsk. Tsk. At hospitalizations leads to gastos and kung walang savings nagreresort tayo sa UTANG.
Huwebes
Pamasahe
To Alabang P 35
To DSWD 7
To Lawton 51
To Legarda 7
Pagkain
Lunch P 45
Biyernes
Pamasahe
To Alabang P 35
To DSWD 7
To Lawton 51
To Quiapo 7
To Legarda 7
Pagkain
Lunch P 60
Yellow Cab -ambag 100
P 844 pesos
Training Proper.
Ikatlong araw na nang mag-umpisa kami ng training proper. Overload sa detalye at takbo ng mga programa ng
DSWD. Ang tatlong pinaka programa nila ay ang 4Ps, KALAHI-CIDSS, at SLP. Overload din sa acronyms: kapag nasa travel kailangan ng RTF, TRO, RSO, COA, TEV, at kausapin ang iba pang PDO, PC, RPC, at mag-isip ng MD, EF, CBLA, SCF na dating SEA-K. Sumakit at kumunot ang noo ko ng sobra. Bagito ako sa kalakaran ng gobyerno. Sanay din kasi ako sa freelance work kaya walang ganyan-ganyan. Sabi ni Jun, co-PDO ko, wag ko na raw kaisipin dahil halos wala rin daw yung mga ganun pagdating mo sa baba. Naiiba raw ang siste sa field. Kaya naman inenjoy ko na lang ang buong training, cheer kung cheer kahit shy-type, at drawing kung drawing kahit p'rehas kaliwa ang kamay. 'yung di ko ma-gets masyado, saka na lang kapag nasa baba na ako. Kada uwi ko kasi sa Maynila, tulog na ako sa bus ng 1-2 oras. Buti at kasabay ko si Son na sa Vito Cruz umuuwi. Iwas nakaw dahil tulog langis talaga ako.
Biyernes, ikalawang araw ng training namin, inanawns ni Mam Izza na ide-deploy na kami sa probinsya kinalunesan. Sigawan ang lahat dahil yung iba sa'min ay sa Laguna, Quezon, at Batangas pa umuuwi. Yung piikit lang halos at maliigo na ulit para pumasok sa Alabang. Buti ako nasa Maynila tumutuloy, kena Kuya Caloy. Pero merong plus-minus ito;
Advantage: malaking tipid sa pera at enerhiya.
Disadvantage: hindi pa namin alam ang bawat sulok ng programa. 'yung iba nga raw wala nang train-train pero kinaya kaya kaya rin namin!
Bilang pagdiriwang, nag-organize si Ate Liza na lumabas kami para kumain o uminom. Pers day pa nga lang nag-oorganize na s'ya ng swimming. Napalunok ako at nag-strategize para tumakas. Pinaka KJ ako e. Hanggang sa kinuha na ang bag ko. Ano raw problema at di ako sasama? Maglalaba pa ko, kako. Eeeeeeenk! Hindi pala valid yun. Mag-aambag na lang ako kako. Eeeeeenk! Hindi pa rin umubra. Mabuti na lang at ginabi kami sa opisina dahil sa pinapa-encode ng HR na info sa database nila kaya bumili na lang kami sa Yellow Cab ng Friday Pizza!
Weekends
Coffee and Load P 64
Paco Pamasahe 7
Taxi 113
Pamasahe Pauwi 127
RER -Cash Voucher - 48
Pamasahe Tiaong -35
P 394
Allergic talaga ako sa gastos. Tsk. Tsk. Lalo na at delay ang initial salary namin ng isang buwan.
Pasalamat pa'ko ngayon dahil nakaka-blog pa ako, lubusin na habang hindi pa lason ang trabaho.
Saturday, May 14, 2016
Pers Day sa Kagawaran!
Pers Day
Dumating na ang pagbabago.
Kinabukasan ng Halalan 2016 ay s'ya ko namang umpisa sa Kagawaran ng Panlipunang Kagalingan at Pagpapaunlad (DSWD). Unang trabaho ko sa pampublikong sektor. Kawani na ako ng gobyerno!
Nag-flag ceremony kami kahit Martes dahil sa holiday nga kahapon. Binasa ang Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas. Binasa ang Mission at Vision ng Kagawaran. Binasa ang strategic goals. Binasa ang Character Trait of the Month; Responsibilty vs. Unreliability. Binasa ang mga birthday celebrants. Binasa ang Horoscope. Yes, dear, may horoscope talaga at Taurus pa nga e, pero wala naman lucky number. Reading advocate din pala ang Kagawaran; puro kasi basa.
May nag-report din pala ng nag-transpire sa kanilang Fire and Earthquake drill. Ipinakita nila ang mga development ng facilities in lieu with the requirement ng mga bumbero at NDRRMC. Sa 44 daw na ahensya na co-chair ng NDRRMC, tanging DSWD lang ang nagsasagawa ng fire and earthquake drill bilang bahagi ng disaster preparedness at response. Medyo nagtatawanan nga lang daw ang marami. Hindi sineseryoso ang drill.
Tapos, meron silang "time to inspire" portion, pagkatapos ng lahat ng mga binasa. Hindi kasi nanalo si Mar Roxas na pambato ng Administrasyon. Ang hirap daw sabihin kung anong mangyayari sa takbo ng mga programa. Hindi pa raw sigurado kung tutuloy ang aming sekretarya. Kahit sino pa man daw ang nanalo, we should respect the voice of the people. Nakiki-celebrate na rin daw kami. Tandaan daw namin na iisang bansa pa rin tayo. The electoral process and the majority ruling are the essence of democracy. Clap, clap, clap, naman kaming lahat.
Wala pa raw yung magte-train sa 'min. Nag-ayos lang kami ng contract at nag-ayos sa Human Resources. May mga pina-alphabetize. May mga sinort. May ini-stapler. May ifinile-up. Office order daw muna kami habang nar'on. Understaff din kasi ang HR at siksikan pa sa opisina. Natutunan ko na ang termino pala nila rito ay 'augmentation'.
Pinamerienda naman kami ng pandesal mula sa Pan De Manila ni Mam Sally, ang Head ng HR. Ang tanging development lang na nagawa namin ay ang masaayos ang mg files ng HR office.
At least, may nagawa naman ako sa unang araw na pagiging kawani ng gobyerno ng Pilipinas. Hindi rin naman nila ako pababain sa probinsya nang walang muwang sa programa at mga polisiya kahit na excited na ako sa field of assignment ko. Kapag inilabas nila kong di handa, hindi rin ako magiging epektibo at maaasahang kawani dahil nga kulang sa paghahanda. Kaya ang responsibilidad ko ngayon ay tiisin muna ang training period.

Wednesday, May 11, 2016
Randomness 2
Minsan naipit kami sa mahabang trapik dahil nagkainan na ng lane. Lahat na ay pa-Southbound. Kaya, usap nirarayumang pagong kami.
Sa aming pagkukulitan, umandar na nan ang pagka-random ni E-boy. May sinabi si Alquin na gagawin n'ya kapag yumaman na s'ya. Hindi maalala kung anan yung if-I-were-rich statement n'ya. Basta kinontra s'ya ni E-boy.
"Hindi ka yayaman"
"Bakit naman?"
"Hindi ka natutulog ng maaga e."
"Ha? Anong konek?"
Walang masagot si E-boy. Napatawa kami ni Alquin dahil parang mema lang si Ebs. Me' masabi lang. Pero bigla ko ring naalala:
"Early to bed and early to rise, makes a man healthy, WEALTHY, and wise."
Kaya good night na sa inyo. Maytrbaho pa ko bukas.

Tuesday, May 10, 2016
Halalan 2016 (The Main Event)
Halalan 2016
Maaga akong bumoto. Ala-sais pa lang bumangon na 'ko. Ala-siete nasa elementary na'ko. Wala pang dalawang minutong dumaan ako sa gate ng elementary, nakakuha ako ng lampas sa sampung pulyeto. Tsk. Tsk. Tsk. Marami na ring nagkalat na pulyeto sa lupa. Kahit na papel at biodegradble ang mga 'to, masakit pa rin sa mata. Masakit din sa dibdib na ang mga taong walang disiplina, walang pagpapahalaga sa paligid, ay naghahangad ng 'tamang presidente' at silang mga nasyonalista raw.
Mabilis ko namang nakita ang presinto ko. Nakasulat sa blackboard na ang susi sa mabilis na pagboto ay ang maayos na pagpila. Behave naman ang mga kabaranggay ko kaya ayos naman ang daloy ng pagboto.
Inuuna ang mga senior, heavily preganant, at differently-abled. 'yung malalaki ang tiyan na nanay nagbibiruan pang buntis daw sila. Mga wala pang dalawang oras ang hinintay ko at nakaboto din ako. Smooth and sound. Ang kinis-kinis ng papel, ansarap himasin ng munti kong kapangyarihang makilahok sa pagbabago ng bansa. Ang sarap ding pakinggan ng pagkain ng VCM sa ballot sheet ko, yung "toooot" ay nakakaluwag ng paghinga. Paghinga dahil di nagka-aberya sa pagregister ng boto mo at paghinga dahil nakapag-ehersisyo ka ng kapangyarihang pantay-pantay na iginawad sa atin ng Konstitusyon.
Umuwi rin ako agad. Hindi ako sumakay sa mga libreng sakay. Kahit pa sabi ng nanay ko may libreng sakay si meyor gan'to at meyor gay-an. Pagka-uwi ko ay nagbukas ako ng telebisyon agad. Nakikinig sa live coverage ng halalan habang nag-iimpake.
Ang busy ng news room. Ang ingay daw sa social media. Trending daw ang #b1nayonly. Sa balita ay may mga taong na-disdranchise. Nagpilit pumila at pumanhik ng hagdan ang mga senior citizens para lang makaboto. May mga di gumaganang VCMs matapos ang 50-80 na balota. May di umano'y mga VCMs na namataan sa isang hotel. Nakakalungkot yung isang elementary, narinig kong may 37, 000 registered voters sila pero meron lamang 3 officers from COMELEC ang naroon. Haaaaays.
Sa Mindanao, nagkalat ang Militar at Pulisya para sa seguridad ng halalan. Sa Marawi, merong elementary school na sinunog pero natuloy pa rin ang botohan. Pinakita pa ang umuusok na kahoy-kahoy. May mga flying voters pa rin. May mga menor de edad ding bumoboto. Sa Maguindanao, may mga pagsabog ng grenade launchers. Haaays.
Bandang hapon, medyo malaki na ang bilang ng transmitted na results. Partial at unofficial count pa lang. Inilabas na ang ranking. Bumaha ang mga commentarista at mga propesor. Umalingawngaw ang salitang protest votes at democracy fatigue. Nagsalita na ang taumbayan. Hindi naman nakakagulat ang resulta pero nakakalungkot pa rin. Mukhang galit na galit nga kami. Mukhang nakalimot na rin kami.
Naalala ko 'yung nabasa ko sa elementary kanina, sabi ng nakapaskin;
"The DepEd Vision
We dream of Filipinos who passionately love their country and whose values and competencies enable them to realize full potential and contribute meaningfully to building the nation."
Maaga akong lumuwas. Umpisa ko na rin ng trabaho. Kawani na ako ng gobyerno.

Saturday, May 7, 2016
Randomness
Kagabi, bago matulog tsinek ko ang kuko no E-boy.
"Bo, nag-gupit ka ba ng kuko mo? Tutugtog ka bukas."
Sagabal kasi ang mahabang kuko sa vibration ng strings ng gitara. Hindi rin maiipit ng maayos ang kuwerdas kung mahaba ang kuko. Kalabas-labas pangit ang tunog.
Isa pa ayoko na mahaba ang kuko ni E-boy at minsa'y kulay green ang dulo kahit hindi nagpa-nail art. Minsan talaga mas maligalig pa ko kay Mrs. Pampolina.
"Nag-nelkater na ko" sabi n'ya.
"Tingin" sabay sipat ko sa kuko n'ya sa kamay. Malinis naman. Sinipat ko rin ang kuko n'ya sa paa na minsa'y nakakangilo kapag tumatama ang paa ko sa mahabang kuko n'ya sa paa.
"Nag-nelkater na ko, mabanas e."
Napakunot lang ang noo ko.

Thursday, May 5, 2016
Songbook, Slumbook?
Miyerkules ng gabi. Prayer Meeting. Medyo maraming dumalo. Karamihan mga kabataan, mga nasa Grade 5- 8, at mas marami sila sa katandaan.
Dahil malapit na ang eleksyon, makabayan-themed ang mensahe ni Pastor. Wala naman talaga sa presidente o sa iisang tao ang pag-asa pero puwede silang gamitin ng Diyos para sa pagbabago. Puwedeng ako at ikaw rin.
Maya-maya pa ay napunta na ang sermon sa mga mag-aaral na maging huwaran sila. Mag-review ng mabuti bago mag-exam. Magsikap para makakuha ng mataas na marka. Huwag mangopya. Huwag magsulat sa CR at sa mga upuan.
"'yung mga songbook natin, ang daming sulat sa likod, mga juniors!", sabi ni Mrs. David.
Juniors ang tawag sa kabataan na nasa elementarya at sila rin ang suspek sa pagbabandal sa mga songbooks namin na mas matanda pa sa kanila.
Matapos ang sermon ni Pastor, kinuha ni Mrs. David ang isang sampol ng songbook namin at ipinakita sa kanila ang mga pangalan nilang nakasulat doon. Umpisa na ng umaatikabong tanggihan.'yung may mga pangalang nakita na, siempre wala nang maidadahilan.
"Nakita ng mga 'yan sa mga young people," sabi naman ni Kuya Jun-jun ang guro ng mga Juniors. "May mga sulat din ni Mimay".
"Nasan ang sulat ni Mimay d'yan?! Buklatin n'yo lahat ng songbook!", sabi ni Mrs. David habang binubukas-sara at binabanggit ang mga
pangalan at nakasulat sa likod o flag leaf ng songbook. "Kapag may nakita akong sulat ni Mimay d'yan lagot sa'kin si Mimay. Alam ko ang sulat ni Mimay. Alam ko ang sulat ng mga young people." Anak ni Mrs. David si Mimay.
"Bernadette!" Bog!
"Arwin!" Bog!
"Crush ko si Neno!" Bog!
Napapapikit ako sa pagbubukas-sara ng mga kaawa-awa naming mga songbook. Mga songbook na pamana ng makadaysayang Baptista ay ginawang slumbook at puro love, love, love, ang nakasulat. Mga tula at musika nina Fanny Crosby, Reynolds, John Newton, John Rice at iba pang mga dakilang manunulat ng imno; ay malamang ngang kinakanta linggo-linggo pero hindi kinikilala ang kanilang mga akda.
Malamang sinulat ang mga nasulat sa songbook kapag inip na inip ang Juniors sa preaching ni Pastor. Malamang hindi sila makaugnay sa mga danas na tinatalakay sa pulpito kaya pinili nilang makipag-ugnayan sa isa't isa at magsulat ng mga danas na meron sila.
Hindi isyu sa'kin kung sino ang sumulat sa mga likod ng songbook namin. Mas isyu sa'kin ang hindi pagpapahalaga sa mga aklat. Mas problema ang mga nakasulat dahil salamin ito ng mga damdamin at nasa natin. Mas isyu kung hindi nabibigyang pansin ang mga karanasan at nasa ng mga kabataan na hindi na isyu sa katandaan.
Hays, paano na ang pag-asa ng bayan?

Subscribe to:
Posts (Atom)