Pers Day
Dumating na ang pagbabago.
Kinabukasan ng Halalan 2016 ay s'ya ko namang umpisa sa Kagawaran ng Panlipunang Kagalingan at Pagpapaunlad (DSWD). Unang trabaho ko sa pampublikong sektor. Kawani na ako ng gobyerno!
Nag-flag ceremony kami kahit Martes dahil sa holiday nga kahapon. Binasa ang Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas. Binasa ang Mission at Vision ng Kagawaran. Binasa ang strategic goals. Binasa ang Character Trait of the Month; Responsibilty vs. Unreliability. Binasa ang mga birthday celebrants. Binasa ang Horoscope. Yes, dear, may horoscope talaga at Taurus pa nga e, pero wala naman lucky number. Reading advocate din pala ang Kagawaran; puro kasi basa.
May nag-report din pala ng nag-transpire sa kanilang Fire and Earthquake drill. Ipinakita nila ang mga development ng facilities in lieu with the requirement ng mga bumbero at NDRRMC. Sa 44 daw na ahensya na co-chair ng NDRRMC, tanging DSWD lang ang nagsasagawa ng fire and earthquake drill bilang bahagi ng disaster preparedness at response. Medyo nagtatawanan nga lang daw ang marami. Hindi sineseryoso ang drill.
Tapos, meron silang "time to inspire" portion, pagkatapos ng lahat ng mga binasa. Hindi kasi nanalo si Mar Roxas na pambato ng Administrasyon. Ang hirap daw sabihin kung anong mangyayari sa takbo ng mga programa. Hindi pa raw sigurado kung tutuloy ang aming sekretarya. Kahit sino pa man daw ang nanalo, we should respect the voice of the people. Nakiki-celebrate na rin daw kami. Tandaan daw namin na iisang bansa pa rin tayo. The electoral process and the majority ruling are the essence of democracy. Clap, clap, clap, naman kaming lahat.
Wala pa raw yung magte-train sa 'min. Nag-ayos lang kami ng contract at nag-ayos sa Human Resources. May mga pina-alphabetize. May mga sinort. May ini-stapler. May ifinile-up. Office order daw muna kami habang nar'on. Understaff din kasi ang HR at siksikan pa sa opisina. Natutunan ko na ang termino pala nila rito ay 'augmentation'.
Pinamerienda naman kami ng pandesal mula sa Pan De Manila ni Mam Sally, ang Head ng HR. Ang tanging development lang na nagawa namin ay ang masaayos ang mg files ng HR office.
At least, may nagawa naman ako sa unang araw na pagiging kawani ng gobyerno ng Pilipinas. Hindi rin naman nila ako pababain sa probinsya nang walang muwang sa programa at mga polisiya kahit na excited na ako sa field of assignment ko. Kapag inilabas nila kong di handa, hindi rin ako magiging epektibo at maaasahang kawani dahil nga kulang sa paghahanda. Kaya ang responsibilidad ko ngayon ay tiisin muna ang training period.
No comments:
Post a Comment