Oi,
Ano?
Ano na?!
Maligaya
naman ako't naranasan mo na yung kalayaan mula sa inayawan mong trabaho.
Tuturuan kita ng magic. Kapag may nakita kang mali sa siste at labas sa maliit
at kabyos mong kapangyarihan, sabihin mo lang ang magic word na "Ganun
talaga." At wala ngang mangyayari sa siste.
May
self-inflicting damage yang magic na yan. Laging may nagsasabing hindi puwedeng
"Ganun talaga" na lang lagi. Laging may pagaw na tinig na sumisigaw
ng katarungan. Laging may sumisigaw para sa pantay na karapatan. Laging may
aktibistang kulay-atsuete at lagablab ng labuyong nagpupuyos sa loob natin.
Kapag narinig mo 'yun, sigawan mo siya pabalik ng "puro ka sigaw, may
sagot ka ba?." Ngayon, kung hindi na siya sumigaw pabalik, sabihin mo ulit
sa kanya yung magic word.
Maligaya
ako at malaya ka na. Sana makita mo na yung para sa'yo talaga. 'yung hindi ka
masasaktan. 'yung hindi lang ikaw yung nagbibigay importansya. Pero alam mo
tama si Ms. Uge sa Ang Babae sa Septic Tank 2 e, "Walang nagmahal nang
hindi nasaktan. Walang nasaktan nang hindi nagmahal." Ganun talaga kapag
mahal mo 'yung trabaho mo. Sana makakita ka na nang trabahong handa kang
masaktan pa.
Kung
anoman ang gusto mong tahakin sa buhay, mapa-pulis man kahit na sing taba mo
lang yung batuta, mapa-bumbero man kahit tarantahin ka pa, mapa-gobyerno o
pribado man, mapa-presidente man, susuportahan ka namin at magiging masaya kami
basta mahal mo.
Basta no
to EJK ha. JK.
Sana
magbawas ng gastos kung hindi talaga kailangan. Sana makapag-isip para sa mas
malapit nang bukas. Sana mas maging disiplinado. Actually, tayo. Maligaya ako
dahil inuutay mo na ang ating Korean Dream, daan tungo sa disiplina na nga ang
tinatahak mo. Balita ko masidhing manalangin ang mga kapatid nating Koreano
kaya sana pagdating mo ron ay 'wag kaligtaang ipanalangin kami at gayundin
naman kami sa'yo. Mas sipagan mo ang pananalangin kaysa sa games. Actually,
tayo.
Uunahan na
pala kita, hindi ka namin ihahatid sa airport. Mabilis ka kasing maka-move on,
baka oks na oks ka na sa Korea samantalang kami nami-miss ka. Kaya dapat yung
vibes ng pag-alis mo parang nasa pabrika sa Batangas ka lang. Iba-block muna
kita sa Facebook. Saka na lang ulit kita ia-add kapag malapit ka nang umuwi.
Baka
pagbalik mo, marami nang magbago. Alam mo naman kayang gawain ng oras at
espasyo. Pero sana magkaibigan pa rin naman tayo. Maligaya ako at kaarawan mo
kapatid!
Nagpapasalamat
sa'yong pagiging ikaw,
Kuya Dyord
White
House
Pebrero
06, 2017
P.S.
Kung
naghahanap ka ng memory verse, edi magbuklat ka ng Bible.
No comments:
Post a Comment