Biyernes ng gabi. Kalamig ng hangin
ng bagong pasok na Pebrero. Naka-shorts at sando ako, niyayapos ng alampay.
Pinapainit ng kape.
Nasa harap ng White House. Nagmumuni
sa gitna ng dalawang puting haligi. Kakatapos lang manood ng Ponyo, isang
pelikula ni Hayao Miyazaki. Nag-iisip lang how humanity can be both disgusting
and amazing. Sandaling iisiping "sana love" na nga lang. Na walang
kinikilalang panahon. Na walang kinakahon. Na kayang magpahupa sa alon.
Salamat sa regalong buhay. Na kahit
Ilang beses nang binuksan, marami pa ring misteryong laman.
Dyord
Pebrero 03, 2017
White
House
No comments:
Post a Comment