Mga
ilang linggo na ring bukambibig ang #Pag-ibig sa Sunday School.
Mga
ilang Linggo na rin akong late. Nitong minsang nahuli ako ay walang pagpipilian
kundi umupo sa unahan. Literal na nahuhuling nauuna. Nag-aadjust
pa lang ang body temp ko mula sa init sa labas, at nagno-normalize pa lang ang
heartbeat ko, ay na-ambush question na ako ni Mrs. D:
“Jord,
ilang taon ka na?”
“Uhh..tweni-three?”
Parang taga-call sener lang ang aksent ko na may bahagyang pagtaas ng makapal
kong kilay dahil may inaasahan na kong isa pang tanong.
“Anong
age mo ipinagpe-pray magka-girlfriend?”
“Tsss...” Para lang akong sumingaw na gulong.
“May
ipinagpe-pray ka ba?”
“Scholarship
po” kako.
Biglang kambyo si Mrs. D. Bilib naman daw sa amin si Mrs. D dahil nakatingin kami sa
malayo. Malayo talaga. Malayong magka-girlfriend sa buhay ko ngayon. “Kung
wala, ay di wala” na nga rin yata ang binigay sa’king life verse. Hindi ko
naman feels na kulang ako. Hindi ko rin nakikitang it’s a must-have. Hindi na
nga rin ako minsan nagpe-pray sa sobrang pagod.
Umawas
ako kena Mrs. P. para sabay-sabay na mananghalian nina Nikabrik, Alquin, at
E-boy. Naririnig kong nag-uusap ng mahina sina Pastor Abner at Mrs. P.
Maya-maya pa ay nagsalita na si Mrs. P.
Ibilin na lang daw muna ni E-boy ang growth group n’ya kay Kerstine at umattend
daw kami ng Heart’s Day ng mga Singles. Hindi naman na raw kami hayskul.
Naku,
ang salitang nasa isip namin. Hindi raw puwedeng ihabilin ni E-boy ang grwoth
group n’ya. Hindi rin ako puwede kako’t pagkatapos ng service ay may
partnership meeting ako. Hindi rin puwede si Nikabrik at magde-debut ang
kapatid. Hindi ko alam kung anong naging alibi ni Alquin. Siguro kung ibang
hugis ng araw. Pero seryosong may partnership meeting ako.
Dumalaw
naman ako sa simbahan nina Roy nung hapon. Napangiti ako sa tinalakay na mukha
ng pag-ibig sa maliit na kapulungang ito sa Maligaya St.- pag-ibig sa tinubuang
lupa. Malinaw ang mensahe: igalang ang mga nasa kapangyarihan ngunti panindigan
ang katuwiran! Nagkaroon pa ng small group discussions kung paano maipapakita
ang pagmamahal sa bayan. Sasabihin ko sana na taas kamao para sa Scarborough! May
mga bisita nga palang Intsik , so ano na lang; pakikibahagi at pakikialam sa
mga proyekto ng pamahalaan ang sinabi kong halimbawa ng pagmamalasakit sa bayan.
Pagkatapos
ng ikatlo kong simba nang Linggong iyon, kumain kami nina Nikabrik, Alquin, at
Roy, ng isaw, siomai, at pagkatapos ay nag-kape sa 7-11. Nag-usap tungkol sa
investments, projects, at career paths. Mas maigsi na nga lang ang kuwetuhan
ngayon kasi kailangan na ring maghiwa-hiwalay para maghandang muli para sa
isang linggo na namang work of heart.
No comments:
Post a Comment