Pagtingin ng Project PAGbASA sa taong 2017
Si Cervin habang nagkukuwento sa mga bata sa Sta. Maria, Isabela
Nakatingin
at nilalayon ng Project ngayon ang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad. Ang mga
sumusunod na komunidad ang gustong tutukan ng Project:
1. Aeta Community sa Brgy. PutingKahoy,
Rosario, Batangas
Hindi pa namin alam kung
paano pero sana sa lalong madaling panahon ay makapag-conduct muli kami ng
storytelling tungkol naman sa pangangalaga sa ngipin at personal hygiene. Sana
makapag-raise na rin kami ng 50 hygiene kits(sabon, shampoo, toothpastes, and toothbruhes)
para sa mga kabataan na naninirahan sa PutngKahoy. Sana rin ay makapag-conduct
ng isang medical-dental mission sa kanilang komunidad.
2. Gawad-Kalinga Village sa Brgy.
Banay-Banay, Padre Garcia, Batangas
Ayun, in partnership with
Batch 71 at GK Village Community; ay maglulunsad kami ng Aral, Agad-Agad na
isang early literacy summer class program para sa mga 4-6 years old na may
kasama pang disaster preparedness. Mag-iinvite kami ng mga totoong bumbero at
pulis! Nangungumbida rin kami ng volunteer storytellers. May kakausapin din
kami na isang foundation para sumagot sa foods. Pagkatapos ng event, magbibigay
ang Project PAGbASA ng aklat sa mga 6 years old at magbibigay naman ng school
supplies ang Batch 71 sa mga magiging mag-aaral ng Aral, Agad-Agad!
Balak din naming mag-conduct
ng storytelling session sa mga bata tungkol naman sa farming at environment.
Meron din kasi kaming communal vegetable garden sa GK Village sa pamamagitan ng
Sustainable Livelihood Program. Nakikita na rin kasi naming isang family
bonding ang farming doon lalo na kung Sabado at Linggo. Naghahanap din kami ng
storytellers na willing mag-farming-farming sa umaga. Tara?!
3. Eco-Trail sa Brgy. Bawi,
Padre Garcia, Batangas
Inaayos din kasi ng
Sustainable Livelihood Program ang Eco-Trail sa
Brgy. Bawi. Ngayon, ang nakita naming problema, kada magsasagawa ng tree
planting activity doon at malilipasan ng tag-ulan ay nadadawagan ng makapal.
Edi, ipapatabas ng baranggay, hindi naman ma-identify ng mananabas alin ang
sapling at alin ang weeds; so tabas lahat. Walang lumalaki na puno. L
Kaya naman naisip namin,
kasama ng Baranggay Government at Municipal Environment and Natural Resources
Office (MENRO) ng Padre Garcia na ilunsad ang 3Ps o Punuin ng Puno Program sa
Bawi Eco-Trail. Paano ito mangyayari? Storytelling sessions sa Bawi Elementary
School para himukin ang mga mag-aaral na magtanim ng isang puno kada grupo o
kada klase; papaltakan ng MENRO ang mga site kung saan makakalaki ang puno, at
ito ang babalikan ng klase para dawagan pagkalipas ng isang buwan.
Kaya kailangan namin ng mga
aklat tungkol sa pagtatanim ng puno at gayundin ng volunteer storytellers! Mga
bandang Hulyo pa ang target implementation namin para salo ang tubig ng
tag-ulan. Sana kahit isa man lang ay matupad dito. Sana makatulong ka namin!
No comments:
Post a Comment