Prefeys: Sanaysay ‘to tungkol sa una kong
Reader Con. Ipinasa ko to sa e-mail ni Bebenag kasi tse-tsekan nya daw para
makatulong sa mga nag-u-unpisang manunulat, at mag-i-isang taon na pala pero
hindi talaga niya ata napansin ang e-mail kong ito na 2 beses ko pa sinned.
Grabe no? Pero keri lang kasi fren-fren ko na siya ngayon.
Boom! Pasabog ang una kong reader
conference experience.
Oo,
tama may mga readers’ con talaga sa Pilipinas. Magtaka? Aklat ang ugat ng
kasarinlan natin. Siguro nga kung may feysbuk na ng mga panahong ‘yun, malamang
tuloy ang asimilasyon ng España sa Pilipinas at malamang sinasabi ng España
ngayon; “Buti na lang di nagbasa ang mga Pilipino noon.” Iyon ay kung nauna ang social networking
sites kesa sa mga aklat.
Maaring ang pagkamit natin ng kasarinlan
ang naging dahilan ng pagbibigay ng mataas na pagpapahalaga sa panitikang
Pilipino kung saan dito ko hinangaan ang Visprint Inc.na nagsisilbing bibig ng
mga manunulat na nais bumago sa lipunan. Kaya nga nung, Huwebes (Setyembre 06),
aksidenteng nakarating sakin ang bali-balitang may gaganaping Reader’s Day ang
nasabing publisher, di kawasang saya ang agad naramdaman. Lalo ng mabasa ko
ito: “..and a chance to meet and greet Eros Atalia and Bob Ong…” Hindi maitatanggi
na halos bawat kabataan kilala at pinapangarap makadaupang palad ang mga buhay
na alamat na gaya nila.
Matapos ang mahabang paliwanag tungkol sa
damdamin ko sa loob ng 10 segundo, dito pa lang pumasok ang realidad, wala
akong cash-on-hand! Mistulang
tinakasan ako ng kaluluwa. Matandang parokyano at GRO lang ang ganap ko at ng
kompyuter. Panandaliang kaligayahan. Sukdulang maisip ko (sa unang pagkakataon)
na maging babae at mamara ng mga dumadaang mga cargo trucks sa diversion
road upang makapagbenta ng laman; makarating lang sa Alphaland Towers (ang
venue ng nasabing event).
“Ang contingency
fund!” Tama, may ganitong pondo ang pahayagan ng aming munting unibersidad
kung saan feature editor ako (pinalad
sa raffle). Agad nagpatintero sa isip ko kung papayagan ba nilang ako ang
gumastos ng pondong dugo at laway ang pinuhunan o kung uutangin ko naman; wala
akong alam na ibabayad. Kinaumagahan, Biyernes, agad akong sumangguni sa
Tagapayo namin. At dahil naniniwala silang sulit ang pag-gugol sa aming salapi,
ipinadala nila ako sampu ng aking kasamaha; isang potograper para maging saksi
para patunayang hindi koi pang-do-dota ang ang ipagkakatiwalang salapi.
Dahil biniyayaan ako pagdating sa
direksyon, madali naming natunton ang benyu ng event. Siyempre, sa tulong ng
mga kaibigang di ka ililigaw ng landas; si Google Earth at Map. Hindi na bago
sa’kin ang amoy ng lungsod, pero ito ang bago: sasakay kami ng elevator. Nasa
ika-anim na palapag ang pagdarausan ng event, nagdalawang-isip man kung
itutuloy pa ang aming sadya; nangibabaw ang tapang. “Tara brad, dun tayo sa
elevator na tayo lang.” Sa wakas, ‘eto na ‘to.
Mga taong halos walang pakialam sa hitsura
mo, weirdo man o kakaiba, bangang banga! Ito ang tinatawag ng envi.sci. na ‘community’ kung saan ako
kabilang. Dahil ang mga book fanatic sa campus kung hindi misunderstood ay
ill-thought-out. Parang wala namang pinagkaiba. Eh basta! Ito na yung lugar na
alam ko hindi nako kakaiba.
Mula A hangang Siy. Narinig namin ang
kani-kanilang kwento. Nakita ang kani-kanilang hitsura, at naamoy ang kanilang
mga pilosopiya. Tao pa rin naman pala sila. Ngunit tumatak si Bebang. Hindi
dahil ipinapabasa ko sa kanya ang sanaysay na ito(?) o (.) Bagkos, ito’y
dahil sa di inaasahang hitsura niya. Sa pangalang
Bebang, isang matabang babaeng balahura agad ang nabuo sa isip ko ngunit
nabasag ang imaheng ito ng ipinakilala na siya ni Mrs. Publishing Manager;
isang babae na hindi ikinahihiya na may tinitingala pa rin siya sa larangan ng
pag-sulat. Walang iba, kundi ang nagha-hibernate na si Bob Ong.
Lahat ng nasa U.V.A.S. (United Visprint
All-Stars) ay samu’t-sari. May pang masa, pang kalye, pambahay, pang-conyo
basta name-it at meron na sila n’yan.
Lumalawak ang reader’s share ng Visprint Inc. sa community. Pero higit pa sa
marketing o gross income, ang pagprepreserba, pagpapanatili, at patuloy na
paglilinang sa panitikang Pilipino ay isang malaking ambag sa lipunan. Sabi nga
mga social anthropologists, hindi na ma-iaalis sa’tin ang colonial mentality. Aminin
na natin, nagagandahan din naman tayo sa mga nobelang kanluranin. Kaya maganda
na nakaktikim tayo ng ganitong putahe. Sariling atin.
Isang paghuhugas kamay: Nobelang kanluranin
man; hanggang e-book lang naman. Hello? Mag-Bebebang Siy na lang ako, baka
naka-tatlong librong Filipino nako sa presyo ng mga kanluraning nobela. Isa pa,
“I support Filipino Writers”.
Closing:
Akalain mo? Dahil mabibilang na lang sa malilinis at mababalahibo kong daliri
ang mga araw na nalalabi bago ganapin ang mas pinatindi at mas pinalakas na
ReaderCon?
No comments:
Post a Comment