Wednesday, September 25, 2013

4 na Otaku sa Sipa ng Islerpi



Kabilugan ng Buwan,
Bahagyang nasakluban ng mga ulap
Ang liwanag.  Walang bit’win. Madagim.
Datapwat hindi sa Seben Eleben.
Puno ng laser swords ang
Kisame.

‘No na nga bang nangyari
Sa Naruto? Ala brad namatay si…
Ganito at ganyan.
Halakhakan…pang zombie apocalypse
Parang kaming apat lang
Resident Evil.

Asteeg no? Kill lang ng Kill!
Sige ako yung magfoformulate ng virus
Tutal bulok din naman
Ang sistema. Gawing mga taong bulok!
Na-over sa Slurpee at
Manga.

No comments: