Friday, September 6, 2013

M&M: Midterms at Modifications

     Binabati kita kung na-keri ng powers mo ang Prelims dahil nasa tulay ka na patungong Finals. Crucial ang bahaging ito dahil sa oras na mapatid ang tulay. Bagsakan na. Hindi sapat ang pag-iingat lang dahil sa bawat mong hakbang ay nakaambang ang mga gunting, palakol, espada at iba pang matatalim na bagay na nagbabantang pumutol ng lubid. Mistulang may mga sariling buhay at matatalim ang Midterm exams. Mula sa types ng exams at features nito; pati na rin ang distribution at positions, lahat yan nabago. Mas mahirap ang midterms dahil sa keyword na ‘Modifications’.

Modified Locations. Dahil mas kilala na ng mga instructors kung sino ang sino sa panahong ito, siya na ang mag-aayos ng seat plan kaya magpa-plan B na agad ang mga janet napoles dahil wala na ang cheating arrangement. Ilalayo niya ang mga powerhouse at mas ilalapit ang mga minimally exceptional. Keeping enemies closer ang peg. Minsan napag-iinitan talaga hindi lang dahil spicy hot jjampong ang exam kundi mainit talaga ang location. Nadaanan ko minsan ang allegedly hanep sa kopyahan section na nag-e-exam sa parang. Kanya-kanyang pandong. Masyadong maliwanag para sa madilim na gawain.

 Modified Examinations. Modified multiple choice (I only, II only, Neither I nor II), modified true or false (underline the word/s that make the statement false and write the correct word on the space provided), at ang mamaw na Modified Enumeration dahil may kasama ‘tong essay explanations, kaya kapag hndi mo memorized; wala kang i-e-explain at kung memorized mo lang, hindi mo rin ma-e-explain. Lahat ng upgrades na ito ay nagbubunsod ng critical thinking sa’ting mga estudyante. Itaguyod ang quality education!

Modified Features. May gumagamit ng Set-A-SetB Exams para iwas horizontal cheating pero may vertical pa. May gumagamit din ng Questionare-Answer-Sheets Exams para iwas exchange paper during exams pero nakakpag-exchange answers pa rin. Ang mga unang nabanggit ang mga klasikong cheat-mitigating features ng mga pagsusulit.

                At dahil sa inobasyon at individuality may mga cheat-proof exams na nadisenyo sa paglipas ng panahon (para sa mga instructors):

Minute-to-Win-It. May 6o na upuan, 60 questions, at 60 seconds para sagutin ang isang tanong sa isang upuan. Pagkatapos ng 60 sec. ay may  uupo na sa inuupuan mo. At dapat- mag-advance kana sa susunod na upuan, may sagot man o wala.

Oral-E. Face to face ang labanan ng proctor at examiner pero time consuming ito lalo na sa 60+ na class size.

HuliCam. Sabihin muna ang consequence kapag nahuli ng mag-cheat at magrandom shots in ramdom time gamit ang 5-12MP digicam at ang mahuhulicam ay sasapitin ang capital punishment. May ebidensiya kana sa pagkokopyahan at the same time may tampulan pa ng tawanan sa social media kapag na-upload na ang pics.
 
What’s on your mind. Magbigay ng putting blanking papel. Ipasulat lahat ng natutunan nila sa subject mo. Sa buong term. Sa mga instructors, ihanda angs arili pag wala silang naisulat.


                Kung malagihay na ang lubid ng tulay, sikaping sumampa sa kabilang ibayo. Makakabawi ka naman siguro sa attendance at good moral. Laging isipin na pagkatapos ng Midterms, ay Finals. As the saying goes: "May Finals pa".

No comments: