Thursday, September 5, 2013

Nabasa ko 'yung 'Pass or Fail?'


   Sinulat ni Ronald Molmisa at nalimbag noong 2011 ng OMF Literature Inc..Pero taong 2012 ko na ito natuklasan at October 30  noon; kaka-release lang ng scholarship ko.

   Isa itong self-help na aklat tungkol sa kung paano magiging 'best student ever' gaya ng sabi sa subtitle nito. Kaya hindi ako nag-atubiling dalhin ito sa cashier, 75 pesos lang naman. Tamang-tama dahil hindi kagandahan ang academic performance ko ng mga panahong 'yon.  Anim sa walo kong subjects ay nominated ako for removal exams. Singko ako doon sa isa. Hindi ko dapat deserve yung scholarship pero iginawad  parin. Tawag doon ay grace. Pero nagsisi na nga ako, as in, kaya binili ko nga ito bilang pagbabagong buhay.
   
   Ipinakita ko ito sa buong klase kinabukasan 'pag pasok ko, nagtawanan lahat sila.

  Mabalik tayo sa Pass or Fail , siksik, liglig, at umaapaw ang mga payo nito ukol sa paborito nating gawain - ang pagaaral (Yey!). Maraming tips sa pagrereview , pagte-take notes, at pag-mamanage ng oras kung saan marami sa'tin ay bagsak. O kaya kung lagpakin ka talaga, nangangamote sa exam, kinakabahan kapag posting ng grades at suki sa removals: this is a must read!

"I can do all things through Christ which strengtheneth me."

  Malalaman mo dito na may variation pala ang talino at masama nga pala ang pangongopya. Dapat kasi sa bawat aspeto ng pagiging magaaral natin ay may integridad tayo. So next time alam mo na na nawawala ang integridad sa pangongopya at mas mahalaga ang integridad kaysa sa award. Isa pa, evil ang pangongopya at naibabagsak mo ang exam of honesty. 

  Wag mag-worry, konti-konti lang ang English sentences sa kabuoan ng aklat. Ang pagkakasulat ay para lang isang senior student  na nagbibigay payo sa freshmen at mga nakakalimot mag-aral ng mabuti.Very practical, simple, comprehensible, at higit sa lahat ang mga illustrations ng manunulat ay very true to life! Makaka-relate katalaga.

   Hindi ko naman major major problem ang pag-aaral. Nabigyan naman ako ng konting natural, linguistic, at spatial intelligence. Tig-iisang order lang. Naging problema ko lang ang motivation, inspiration, stress, frustration at attitude ko towards pag-aaral. Pass or Fail reminded me na ang dakilang Guro expects the best from me. 

   Kaya naman after the second sem. isa na lang ang 3 ko. May mga line of 2 at hello muli to line of 1.

   Ratings: #Anglakingtulong!

   

No comments: