“Ang tunay na kuripot, tunay na
savings ang hanap”, sabi ng isang t.v. commercial. Mahal sa umpisa pero dahil
mataas ang quality, mas tumatagal. Mas malaki ang savings! , dagdag pa ng
endorser. Super tipid di ba?
Ayoko ng tig-si-singkwentang
payong, yung Michikolondion, Good Century, at Diamond. Hindi dahil
sosyal-sosyalan ang peg at Fibrella o Umbra ang pinaka-mahinang panaklong ko
laban sa araw. Noong hayskul kaeko halos nakaka-apat akong disposable na
payong, presyong premium na rin yun pag pinagsama-sama di ba? Mas mabilis pa sa
pagdating ng bagong bagyo ang pagkasira ng mga mumurahing payong. Kapag
pinagsama-sama yung presyo nun’ premium quality na yung makukuha mo.
Ito rin ang parehong dahilan kung
bakit hindi ako gumagamit ng HBW o Panda at iba pang mga bolpeng nasa price
range ng 7-10 piso. Isang patak lang at nagkakayat na ang tinta o kung hindi naman nagtatae, e
tinitibe. Ayaw ng sumulat. At ang nkakainis sa lahat ay yung putol-putol na
parang batang nag-aalburuto sa daycare dahil wala pa siyang sundo.
Kaya nga 3 buwan ko ng tangan ang
aking Zebra 0.5mm na ballpen. Super fine at suave lang siya isulat. Sa presyong
28 pesos lang halos 3 ballpen na lang ang kailangan ko kumpara sa dating
average ko na 20 ballpens per annum na naubos o naiwala ko.
Nadiskubre ko to nung lumaban
kami ng Luzon-wide sa journalism sa Legazpi, Albay. Meron kaming konting budget
allotment para sa mga kagamitan gaya ng oil pastel para sa artist at ballpen
para sa writer. Mga super gamit para sa matindihang laban. Pumili ako ng
ballpen na may easy-grip at winning aura sa holder sa isang imperialistang
bookstore. Hindi nga ako nabigo dahil nakasungkit naman ang medalya sa tulong
ng sip ang zebra 0.5. Super galing ng experience na yon.
May pagka-kuripot daw ako pero
ang alam ko pagtitipid lang ang tawag ko dun. Lalo na’t super konti lang ng
nagiging pera ko kaya it’s a must. At dahil may malaking bilao sa ulo ang nanay
ko nang nagsabog ng ka-exxage-an e ang tawag niya sa pagtitipid ko ay
pagkakaron ng bulsa sa balat. Well, ang alam ko lang ay nag-mana ako sa kanya
thefore I conclude: pareho kaming marsupials.
Super makakalimutin nako, kaya sa
oras na kailangan kong magsulat at naiwan ko ang zebra ko sa ibang kuwadra, ay
gumagamit din ako ng ibang hayop gaya ng panda. O pag na-abutan ng ulan
gumagamit din kahit ng polyethylene bag. Super fine na rin yon.
No comments:
Post a Comment