Isa
nga raw na pribilehiyo ang pagdadala,
pagtuturo, pagapapalaganap ng Salita ng Diyos sa madalang dabarkads.
Kaya
nga ito ang laging sentro ng bawat pagtitipon: ma pa-cellgroup, fellowship,
Sunday school, o worship service, kasi nga ito ang pagkain ang pagkain at tubig
sa ating buhay kristyano. Kailangan natin ito sa ating growth, maturity, and
fruiting. Amen ba ron?
Ito
ang pribilehiyong may dulot na pangamba, takot, pag-aalinlangan, at kung
anu-anu pang nega na mga birtud para sa aming mga newbies; marahil dahil sa
bigat ng responsibilidad, kaselanan, at kasagraduhan ng Salita ng Diyos.
Uulitin ko SALITA NG DIYOS. Ambigat no brad? Yari ka pag mali ang
interpretasyon mo. Pero kung tutuusin wala naman talagang toong perpekto’t
deserving, It’s God who calls, He also equips.
Kung tinawag kang ipahayag, go lang, Siya na ang bahalang mangusap sa
mga tao.
So
anung ininga-ngal-ngal ko ngayon sa blogpost ko nato? Nahilingan kasi ako na
mag-share ng SALITA (heavy) sa Friday Fellowship sa Kubo. Hunyo noon ng
binubunot sa tambiyolo na may lamag mga binulot na kapirasong papel kung saan
nakasulat ang aming, Kubo leaders; mga pangalan at ibu-booking na kung kelan
kami mag-talk. Sigaw kami ng sigaw nina Roy, Jeuel, Alquin (abangan sila sa
Friends 4 Sale), para kaming mga timang dahil alam naman naming lahat ay
magkakapribilehiyo, lahat ng nasa tambiyolo mabubunot.
Natapos
ang talk ni Roy, nakapag-share na rin si Jeuel (na balita ko’y nag-Homiletics
seminar series pa), at ng iba pa. Habang papalapit ng papalapit ang takdang
araw para sakin, mistulang sapin-sapin ng excitement, pressure, at takot ang
cute kong puso. Sanay naman akong mag-defense sa klase, sanay mag-critic sa
ibang courses, at nakapag-talk rin sa ibang college pero iba talaga ang secular
sa ispiritwal. Intra-personal. Katotohanan. Malinis na pamumuhay. At siempre
kailangan ng up-close and personal na relationship sa Lord, hindi pwedeng
complicated.
Siyempre
dahil si Lord ang me’ pakana, siya dapat ang magbigay ng manuscript. Ilang gabi
nakong puyat, wala pang sina-submit sakin. I-e-edit pa kaya yon! Hayun dumating
din siya ng Miyerkules, tapos Biyernes ang talk. Friday the 13th Yey!
Hindi pako nagpapa-excuse sa masasagasaan kong laboratory hours. At hindi ko
ugaling magpaalam na mawawala ako, madalas black and white lang ang nagsasalita
para sa akin.
“Badtrip ako ngayon! Ibibigay ko yung 5 lab. Exercises nyo mamaya, for
nidterms pa lang ‘yon.” Sabi ng instructor ko at wala akong exaggeration
dyan. Asteeg! Bakit ngayon pa kung kelan kailangan kong magpaalam, pero hindi,
napag-pray ko na, so hindi ako mag-i-isp ng nega (pero naisip ko na, winaksi ko
lang agad). “Mr. Gadingan, tsitsikahin pala kita mamaya.” Hirit pa niya. Tugs. Tugs.
Tugs. Sabi ng cute kong puso.
Sinong
makapagsasabing tsitsikahin niya ako ukol sa Kubo? Alam ko na ito na yung
diskarte, agad akong nag-paalam, agad din siyang pumayag. Napuri pa ako kaya sa
Kanya ang balik ng papuri. Extended pa ang submission ko. Dumating ang takdang
oras ng ‘propesiya ng tambiyolo’. It’s showtime.
Nagulat
ako dahil pagtayo ko sa unahan, andaming tao. Akala ko ba may seminar ang I.T.?
Akala ko may klase yung mga Aggie? Ayon nga sa istatistiks ni Alquin, umabot
daw kami ng 60+ that Friday Fellowship. Bakit andami-daming tao? On da bak of
my mind, binatukan ko ang sarili ko. “Timang
ka talaga Jordee! Di ba pinag-pray mo na sana magdala ang Lord ng mga
makikinig? Anung pinag-nga-ngal-ngal mo na naman?” Nadeliver ko naman ang package ng Lord sa
kanila ng maayos-ata. Ewan ko lang kung may laman pero anlupeet brad kasi hindi
ko naramdaman yung takot, pangamba, alinlangan, na naramdaman ko dati. Halos
tumigil din ng 30 minuto ang buhay ko. Privilege speech nga raw kasi.
Study Questions:
1. Nagrereklamo
ba si Jord ng isulat niya ang sanysay na ito?
Kung oo, ipaliwanag sa wikang Ruso.
2. May
laman ba ang package na dineliver
nya?
Kung wala, mag-exercise ka ng pagpapatawad.
3. May
kinalaman ba ang Friday the 13th sa buhay mo?
4. Bad
word ba ang Timang?
Kung oo, i-pm agad ako.
5. Worth
it ba ang pag-kwe-kwek-kwek party kasama ang mga bradees para sa natapos na
kalbar…I mean pribilehiyo?
Ok pass your
papers!
No comments:
Post a Comment