Thursday, September 12, 2013

Baon (sa Kahirapan)

Ang baon na ata ang pinakamatagumpay na natuklasan ng sibilisasyon na short-term yet effective na motibasyon para pumasok sa eskwelahan ang mga bata.

Tinapay at Tubig. Ito ang karaniwan kong baon nung 3 ½ taong gulang ako sa Kinder1. Yes, sa private school ang early education ay may Prep./Nursery, K1, at K2. At oo, nakaprivate school ako sa aking early education dahil marsupial nga ang nanay ko kaya ipinasok/ipinaalagaan niya ako sa pampribadong paaralan sa halagang 100 pesos sa isang buwan. May advance foundation na may free baby sit pa.

Mabalik tayo sa baon ko, hindi naman ako nagrereklamo kasi may cash on hand din ako nung Kinder pero ang alam ko masyado tong cheap para makabili ako ng potato at chocolate chips. Mas lalong langit-tanaw ang baked mac sa canteen.

Minsan, nakabili ako ng potato chip at nagtunugan ang mga trumpeta at sumabog ang mga confetti. Isang achievement sabi ng aking sistemang endokrinal. Pero may mas achivemnt pa pala kesa don. Humingi sakin ng potato chips ang kaklase ko. Mas lumakas ang mga trumpeta. Toot-toroo-tuuut! Ganon.

Imadyinin mo. Yung kaklase kong anak ng isang doktor na may-ari ng isang feeds-and-vet.supply-chain sa Quezon at Batangas; nagustuhan niya ang kinakain ko?! Masarap nga siya kahit 80% ata ay asin. At tumunog rin ang makalangit na mga pakakak. Isa itong gintong opurtunidad na di lang makakain ng potato chips pati na rin para makatulong sa iba.

Agad kong inalis ang kamy ko sa loob ng silver at green na plastic para bigyan siya ng pagkakataon kumuha pero nakita niya ang daliri kong balot ng cheese powder. “Ay, sinusubo mo. Ang daliri mo.?” Sabi niya ng may pandidiri sabay talikod sa inaalok kong chips.

Naging bato ang ginintuang opurtunidad. Naisip niya siguro na malamng nalalawayan ko rin ang iba pang chips habang kumukuha ako para isubong muli. Siyempre naman, mas madalas pa ang red moon kesa makabili ako non kaya bawat yamug-mog ay sisimutin. Nang mga oras na yun nakita ko ang sarili kong nag-zoom out, madilim ang paligid, may violet na vertical lines sa ulo, at napapligiran ng mga bolang apoy. Basag na basag ako at ang lakas maka-japanese ang peg ko dito.

Mga bata hanggang ngayon wala akong maisip na moral lesson dito sa kwento ng baon ko. Ang alam ko lang ito ang lamat ng aking pagiging ilag sa mga yayamainin at sa mga pormalang parties.


Pero dapat hindi patuloy tayong maging bukas palad sa pagtulong sa kapwa. Wag na rin tayong kumain ng mga junkies kasi maalat masyado. At higit sa lahat wag nating isubo ang ating mga kamay pag kumakain ng sitserya.

No comments: