Alpha Tent, Magallanes, Makati. A mutated bookworm ravenously fed on
writers’ and readers’ brains, including those of 2 National Artists fro
Literature; at Aklatan, an all Filipin reader-writer-publsiher conference last
Saturday, Sept. 07.
04:44 am
“Grabe, humaharok pa ata si Jeuel dude”.
Sabi k okay Alquin na kakagising lang din. Pinadala ko na nga ang cellphone ko
nan aka-set sa 4:35am. Pero wala pa rin.
05:22am
May narinig kaming lagaslas ng ihi sa
maliit na lawa-lwaan ng inidoro sa katabi naming banyo. Gising na siya, sabi ko sa isip ko. Bumukas ang pinto. Kaninang
03:12 pako gising. Nakaligo na at naka-impake. Isinara ang pinto. Hinatid nako
sa sakayan.
06:58 am
Kakagising ko lang. Alam na kasing may
pupuntahan kinabukasan nag-movie marathon pa. Tumama sa mata ko ang ngiti ng
gintong araw. Napansin kong maliwanag na ang paligid. Nasa may Laguna na rin
pala kami. Abala na ang mga naka-unipormeng manggagawa sa pagpasok sa
kani-kanilang kumpanya kung saan nobenta’y neube porsyento sa kanila ay
kontraktwal.
Napunta ang atensyon ko sa pelikula sa
bus. Isang pamilyang nagbakasayon sa isang asyanong settings. Maraming niyog.
Ang chillax lang ng bakasyon gay ang upo ko sa pinakalikod na bahagi ng erkon
na bus habang bahagyang natatamaan ng liwanag nan a-refract ng kurtina sa
binatana. Biglang nagbagsakan ang puno isa-isa. At tumambang ang isang malaking
baha, hidni kasi mukhang tsunami pero sapat na para gumiba ng resort, tumumba
ng niyog, at kumitil ng bakasyonistang pamilya.
Naririnig ko ang pagsigaw ng saklolo
kasabay ng pagragasa ng maputik na tubig.
07:20am
Nakaka-adwa yung pakiramdam kaya hndi ko
na tinuloy yung panonood. Pano kung mangyari ang kaparehong delubyo sa
Pilipinas nagyong umaga. Kung kelan hindi natin inaasahan? May halaga pa ba ang
pagiging regular sa trabaho? O ang patuloy na pag-usbong ng mga kapitalistang
banyaga sa bansa? O kahit ang midterm ko na hindi na-take up dahil sa Aklatan?
Wala na, tanging kaligtasan mo na lang ang magiging mahalaga sa panahong iyon.
Kung sakaling hindi ka makaligtas masasabi mo bang sapat na ang natutunan,
naranasan, at natikman mo sa itinagal mo sa mundo?
09:12pm
“ Pauwi na’ko. Gi2sing aq ng maga bkas,
mg-alarm me.” text ko kay Alquin dahil may lakad kami bukas.
“Bka nmn mla-jewel ka” reply niya.
Natapos ang Aklatan 2013. Umaasa ako na
mauulit pa ito sa 2014. O bakit mabilis yung phasing? Hindi ko kayang isapapel
ang mga kaganapan at natutunan ko sa Aklatan. Parang isang taon ang lumipas na
nakalimutan ko na kaninang umaga lang ay kasama ko pa ang mga bradee ko.
Sa lawak ng karanasan ng mga manunulat, sa
pagitan ng henerasyon na kanilang kinamulatan, sa impluwensya ng mga manunulat
na matagal ng kinain ng uod, ay ang oras na tila nawalan ng kapanyarihang
ibarikada ang pagtatagpo iba’t-ibang henerasyon ng panitikan.
Kung pwede lang sanang kainin ang utak
nina Ricky Lee, Rio Alma, Isagani Cruz, Eros Atalia, Bienvenido Lumbera, Lourd
De Veyra, Manix Abrera, Tambalang Kajo at
Budgette, Carlo Vergara, Ferdi Jarin, Bebang Siy, at iba pang manunulat
at mambabasa ay yung nakasulat sa taas ang magiging headline ng Manila Times
kinabukasan.
Iba pang Title:
Kaboom-RCO2
Pasasalamat:
Sa mga magulang nako na buong-buo ang suporta sa hindi
pagsuporta sakin financially sa event nato.
Sa Visprint at NBDB, sa pagpapakana ng event na’to; isang
nukleyar na tagumpay. Pasabog!
Sa Ate Anj ko na nag-abot ng kaunting abuloy sakin na
nakabalot sa pael na may note na: “Pledge with love. I-glorify mo. Ang Lord sa
pupuntahan mo.” Kahit hindi niya talaga alam kung san ako tutungo.
Sa pamilya ng Pampolina, sa pag-a-accommodate at pagpapakain
sakin ng isang gabi. (Dahil sa mga pagbabao ng ruta ng mga buses, kinailangan
kong makitulog.) Salamat rin po sa videoke ng Christian Hymns.
Sa mga bradees, na naghatid sakin sa 7-11 kahit maliwanag
na.
Sa midterm exam ko na hindi nasagutan, lalong naging
makabuluhan ang Aklatan 2013.
Sa mga manunulat at artists na game na game sa pag-pirma.
Sa Dakilang Publisher, sa pagpupublish ng gagawin kong aklat
sa hinaharap. Salamat.
No comments:
Post a Comment