Tuesday, September 17, 2013

Linggo ng mga Karatula



     Siguro napansin mo rin. Nagkalat ngayon sa bawat puno at sulok ng unibersidad ang mga karatula. Sa bawat species ng puno ay may nakapakong kapirasong plywood na may kaakibat nitong local at scientific name. Nandiyan ang walang kamatayang Mangifera indica, Sandoricum koetjape, at Cocos nucifera. Oo, ititigil ko na dahil baka mamaya maging daga ka na lang bigla.  Nasa unang taon pa lang ako noon ng planuhin naming ito at inabot na ako ng 5 taon sa college saka pa lang ito naisakatuparan. Buong puso akong bumabati sa milestone nating ito. Yip! Yip! Hoorah!

     May mga karatula din para sa mga nakakalimot sa kanilang mga social responsibilities, gaya ng NO vandalism, id no entry,a t blowing of horns. Nandiyan rin ang pagpapaalala na tayo ay katiwala sa ating Inang Kalikasan, na nawa ay isapuso natin at hindi tayo nakikiuso lang sa mga green-putakan galores. Dahil sa mga kalamidad na nararanasan natin sinasabi ni Mother Nature na marami satin hindi eco-friendly, at bad tayo ‘pag ganun.

     Isang positibong pagbabago ang mga naglipanang mga karatula, una dahil nag-u-udyok ito sating makapagbasa kahit sa kabila ng kaabalahan natin sa buhay. Ikalawa dahil nagsisilbi ang mga ito na paalala sa mga nakakalimot ng basic humanity o pundasyon ng pagiging tao (gaya ng pagbubuhos sa bowl after umihi atbp.). At higit sa lahat dagdag impormasyon din ito sa ating mga mumunting brainees, na kung susumahin mo ang mensahe ng ibang aklat; makikita mo rin ito sa mga simpleng karatula.

     May isang karatula na bibigyan ko ng mataas na pagkilala, deserve naman nito ang ‘Karatula of the Year’:

“Pumasok ng maaga, nang hindi ka NGA-NGA” (All caps talaga yung nga-nga)

Karatula:
“I share this award to the late Mariah Dolour and to her successor Roy.”

No comments: