Saturday, September 28, 2013

Araw ng mga Puso



     September 28. Ngayon ang araw ng mga puso sa pandaigdigang kalendaryong pang-medisina. Bakit hindi sa Pebrero? Oral helath month na kasi ‘yun. Kaliwa’t kanan ang mga libreng tsek-up, gamot, at mga paalaala sa pangangalaga ng ating mga puso. Ikaw, kamusta ang puso mo?


     Kung hindi ka matibay-tibay malamang inatake ka na sa puso sa mga balita ngayon ukol sa mga kaganapan sa loob at labas ng bansa. Mga kagimbal-gimbal at nakakapanikip ng dibdib na mga pangyayari. Mga inilikas sa evacuation center dahil sa kalamidad, ginahasang bata sa evacuation center, at ang kamakailan lamang na paksyon sa pagitan ng Militar at MNLF.
 

Live.Baliwasan Grandstand, Zamboanga City.7:10pm
Filed Reporter: E kamusta naman ho kayo?

Manong: Kakarating lang namin, nabalitaan naming na tumigil na daw yung labanan kaya bumalik kami, kaya lang pagbalik namin nasusunog na ang bahay namin. Ayaw naman kaming papasukin dun sa area.

FR: Taga-saan ho bakayo?

Manong: Taga Riondo po mam.

FR: Nagbabarilan pa rin ho don ano? E san ho kayo matutulog niyan, makikipagsapalaran ho ba kayo dito? (ipinakita ang sports stadium sa camera na naging tent city) May tent na ho ba kayo o sa bleachers kayo magpapalipas ng gabi?

Manong: Me’ kamag-anak naman ako ditto, makikitulog na lang; ang mensahe ko sa kinauukulan ay tigilan na nila ang away, kaming mga sibilyan ang kawawa nito.

FR: Maraming salamat ho, anong pangalan nila ser?

Manong:…Long, long for short. The name you can trust! Ang panawagan ko lang sa kinauukulan: “Let’s make love not war!” (sabay kiss sa field reporter)

FR: buckle..buckle…utal…utal.. (awkward)

     Napanood ko yan sa isang field report ng isang batikang journalist, na-at-at talaga siya marahil sa gulat at kahihiyan ng hal’kan siya nitosa pisngi. Malaki ang puso ni Manong ukol sa kapayapaan at buhay. Matapos mo ba namang makasaksi ng palitan ng bala, nasususnog na bahay, paroo’t paritong ambulansya, at mabalitaang me pumanaw na sanggol dahil sa ligaw na bala; ewan ko lang kung hindi maghumiyaw ang puso mo para sa kapayapaan.

     Hindi ko na itatanong kung ang ginagawa ng pamahalaan sa krisis ng insurgency o kung may karapatan bang ipinaglalaban ang MNLF. Kung magkaiba man ang laman ng mga puso nila, isang pang-matagalang slousyon ba ang pagpapalitan ng bala?Parang hindi naman, dahil lumang tugtugin na ang “in order to attain peace, sometimes; we must go into war”sa bansa dahil ang lundo naman nito ay amnestiya land din naman. Wala e, ang kaya lang yatang hatulan ng buong giting ng ating hudikatura ay mga kaso’t isyung hindi pang national television. Ano nga lang bang makakagat ng pangil ng tuta?



“Teka, ang pusomo…Kalma lang. Situation under control!”

‘Sensya na Booss nakalimot ako.Sobereno ka nga pala at dapat i-submit ko lang ang sayo kasi wala din naman akong magagawa; kung pwede nga lang pektusan isa-isa ang mga Militar, MNLF…

“O, o, kalmalangsabi e..”

Ay soripo, nag-a-upload lang po ng laman ng puso tapos i-sa-submit ko na po sa inyo. Na-carried away lang,soooooriiii poh. Sending files to Boss……….Sent.


Ikaw anung laman ng puso mo?



Other titles:
Anong Problema Mo? Ha!
Bakit wala pa akong Gelpren3
 

 
 


No comments: