Thursday, September 10, 2020

Nang Ulitin Ko ang Elem.Stats

Ayon sa inulit kong subject noong college, may apat na uri ng desisyon na ginagawa natin araw-araw na buhay.


True and Accepted. Alam mong tama at totoo kaya pinaniwalaan, pinaghinalaan pero may mga patunay kaya pinanindigan. Mga paniniwalang niyakap mo ng buong puso’t kaluluwa. Halimabawa ay bilog ang mundo at hindi ikaw ang sentro ng uniberso. Isa ito sa mga perfect decision na magagawa natin.


False and Rejected. Hindi tama, hindi totoo kaya hindi mo tatanggapin. Maraming nalinlang ng mga kabulaanan pero nang malaman ang katotohanan ay matalinong iwawaksi ang naunang paniniwala. Halimbawa nito ay Marcos Regime ang Golden Years ng Pilipinas at mabait si Ms. Minchin sa mga bata sa ampunan. Hindi na lang kung mali, isa pa rin ‘to sa mga perfect decision na magagawa natin. 


False but Accepted. Nakow, sounds familiar. Hindi ko alam kung uso lang ba ang post-truth age at inaakap na rin natin ang hindi naman totoo. O baka mas maalwan lang na wag na lang magsuri. Halimbawa nito ay nakakatulong ang dolomite sa dalampasigan ng Manila Bay. Sayang ang kapangyarihang magpasya kung false but accepted lang din.


Truth but Rejceted. Marami  satin ay namulat sa mga kabuktutan o kaya hindi talaga masuri. Minsan dala na rin ng sirkumstansya kaya napipilitan tayong araw-araw na harapin ang katotohanan pero hindi tanggapin. Minsan kapalaluan lang din naman natin ang naghahadlang para gumawa tayo ng perfect decisions. Halimbawa ay hindi ka na mahal pero sabi mo kapag di tayo gusto, ipilit natin puwede ‘yun. Halimbawa pa nito ay climate crisis at biodiversity collapse, hindi naman outrightly rejected pero masyadong komplikado para sa ang isyu pa rin sa araw-araw ay pagkain, gamot at aliw. 


Apat lang ang pamimilian natin sa araw-araw. Hindi tayo perfect pero puwedeng mag-aral, magsuri at magtimbang.  


x

No comments: