Lately, nagsusulat ako tungkol sa environment sa isang UN page. Hirapan akong mag-research ng data. Naisip ko rin pre-covid-19 nga, hindi naman talaga tayo ma-research, hindi naman talaga tayo data-driven at evidence-based masyado, lalo na ngayong ang daming limitasyon. Kahit paano naman, matatantiya mo kung paano nag-escalate 'yung krisis natin sa basura, kulang ang landfills, may mga imported pang basura, mas marami tayong dumpsites, ang daming infectious wastes, balik tayo sa plastik. Habang binubuo mo 'yung articles, pati ikaw namomoroblema kung saan matatambak lahat ng basura natin ngayong pandemya.
Kung sakaling dumating ang worst case scenario na wala nang mapagtambakan, ang sabi ng isang ahensya, edi susunugin. Clean Air Act is shaking.
Nariyan pang may mga operasyon na uli ng mga mina, may mga biyahe ng troso na may food pass, may naglulusot pa rin ng mga pawikan at balintong sa ngalan ng traditional medicine (ng mga gung-gong), may napatay dahil sa alitan sa komunidad malapit sa bakawanan, may kumatay ng tamaraw atbp. Maririnig ko si Mama na sasabihing "ang mga tao, hindi na natitinag," habang humihigop ng kape at nakatanaw sa malayo na para bang isa s'yang retired diwata.
Sino na lang ang aasahan mo ng magandang balita sa kalikasan? DENR, sila 'yung may mandato, resources, competencies at kapangyarihan! Ayun, nagtambak ng dinurog na dolomite sa Manila Bay. Para raw white sand. Para raw maganda. Quarrying at Reclamation, sa DENR mo pa makikita at sa panahon pa talaga ng pandemya. Na-flatten na ang utak ko para intindihin pa ang mga bagay-bagay.
Sana isang umagang paggising natin, mapanood natin ang isang presscon sa channel 4 at bigla na lang may magsabing "it's a prank!"
No comments:
Post a Comment