Saturday, September 12, 2020

Rap Ka Nga? Sige Nga?

Dati ko pang gusto magsulat ng rap. Oo, something na iba sa'kin, 'yung malayo sa'king yumi't ganda. Gusto ko ng politikal pero pop. Pop naman sa Pilipinas ang politikal at politkal naman ang kalikasan at mga pagbabago sa paligid. Iniisip ko, nakakapagsulat naman ako, okay na sakin si Gloc 9 for collab as a starter. Ilang araw  ko nang nilalaro sa isip ko ito uli, mas maraming oras ngayong walang trabaho at nasa Tiaong lang, mas makakapaglaro-laro ako. Kailangan ko collabo talaga kasi hindi naman aandar ang rap ng mga salita lang, hindi ako into performing arts pero gusto ko nga ng iba namang form.


Kaninang umaga paggising ko, nakatanggap ako ng e-mail tungkol sa pinasa kong tula sa isang European movement tungkol sa conservation ng wetlands. Ang paandar ay isasama ang koleksyon ng mga sulat at tula sa polisiya na nilo-lobby sa EU Parliament, kumbaga may humanist approach na back up ang policy change; may paghimok at paghawak sa pagiging tao. Ang sabi, gusto nilang gawing kanta! Hindi pa ko nagre-reply, pakipot muna tayo pero kilig-kilig ako eh haha pero okay na rin ito bilang starter. Naiisip kong lyrics ay heto ako, basang-basa sa wetlands. Sounds familiar right? 

Pero gusto ko pa rin ng sa Filipino o ibang wika sa Pilipinas, di ba, iba 'yung hagod ng Asin sa Masdan Mo ang Kapiligiran at ng Anak ng Pasig. Hindi na ba thing ngayon ang mga awit tungkol sa kalikasan? E kung sa kalikasan nga tayo unang natutong umawit? Marami naman d'yang indie I guess. Ay wait, may Anak ng Pasig collab pala sina Geneva Cruz, Raymund Marasigan at Gloc 9, nakita ko sa Spotify! Mej anthropocentric nga lang at preachy pa rin kapag tungkol sa kalikasan, iba pa 'yung gusto kong isulat. Oh yung Masdan Mo may version pala si Sarah Geronimo, Zia Quizon at rock version ng Xanctuary! Iba, iba rin.


tbc

No comments: