Galing ako ng OMF kagahapon. Umawas ako ng 5pm tpaos bumyahe papuntang Mandaluyong, nakarating ako ng 7pm na! Dalawang oras lang naman. Mahirap kasing lumabas ng Maynila at mahirap ding pumasok ng Mandaluyong. Yung islogan ng Maynila hindi applicable sa trapik. Sabi kasi "Forward Ever, Backward Never", e halos hindi kami makausad sa dami ng sasakyan.
Eniweys, yung talk ay tungkol sa ginawa ko sa unang paragraph, ranting. Ranting, Writing, and Social Transformation at si Ptr. Rei Lemuel ang nagbahagi. Noong umpisa akala ko, magbabasa lang siya ng written talk niya. Bored kagad ako. Ingles-ingles e. Tapos, parang huma-hardcore sociology na. Pero eventually, nang mag-init na ang kanyang makina ay naging kwentuhan-mode na lang ang talk niya. Nagkwento siya ng mga napapansin niya sa society, sa christianity, sa churches, sa publishing industry, at mga napapansin ng iba pang mga tao ukol sa mga bagay-bagay sa life. Mas komportable at interesting ang ganitong mode ng talks kaya nag-umpisa na akong mag-take down notes.
Ito ang ilang points na nakuha ko sa talk niya: (Fasten your seat belts kapatirs!)
1. Sabi niya ang "market" daw ang reincarnation ni satan, ang kaaway. Marami raw kasi sa mga churches ngayon ay parang Mcdo. "Make their first worship experience soooo good," para babalik sila. "A customer satisfied". Wala na raw yung kapag pumasok ka sa church na ito you'll make a lot of sacrifices. Ang pinapakain ngayon sa maraming churches ay hindi na niluto ng mabuti, para na ngang fastfood.
[May nag-react dito. Baka marketing student o practitioner. Lumapit siya sa speaker after nung talk at habang nagkakainan ang lahat. Dahil earshot lang naman ang layo ko naulinigan ko ang ilang mga isteytment: "Hindi ako naniniwalang masama ang market, it is how we respond to it," parang ganan yung narinig kong argument niya.]
2. Dahil nga halos pinapagalaw ng "market" na ito ang society ngayon, maraming publishers ang nagpa-publish ng hindi kung ano ang mahalaga kundi kung ano ang bebenta. At hindi exempted ang mga publishers ng Christian Lit dito. Kaya nga raw dapat may sumusulat laban sa mapang-aliping mercado na'to. "We need more books that will reflect who we really are".
[May nag-react din dito. Taga-publishing industry ata. At may point ha. Kasinga naman daw, kahit na may message ka pa, tapos ang kalaban mo sa market ay sina Bob Ong at Lourd, e walang babasa o bibili sayo. So ang lundo dapat daw lumikha ka ng akda na magdadala ng mensahe mo na mag-aappeal din sa reading public. Dapat magkaron ang mambabasa na tiwala sa'yo sa pag-iinvest niya ng sandaang piso sa libro mo. HIndi lang dapat may substance o message dapat ay exceptionally creative din ang libro mo. Somewhat ganito ang naging takbo ng diskurso.]
3. Daig daw ang "She's Dating the Gangster" ng "She's Dating a Writer".
Sa loob ng wala pang isang oras na talk, nagtataka ako kung bakit ito lang ang nakuha ko. Pero vital ito sa hinaharap dahil kung patuloy na magiging driving force ang market, e kawawa naman ang mga susunod na henerasyon ng mambabasa dahil wala nang pinagkaiba ang libro o/at ang church sa produkto na kailangan ng branding at kuta-kutakot na promotional ads. 'Wag nawang itulot.

No comments:
Post a Comment