Wednesday, July 6, 2016

Nabasa ko ‘yung ‘Breaking Barriers’

Ang Breaking Barriers ay isinulat ni John Couret at nilimbag ng Write Hook Media. Si John Couret ay isang kano, motivational speaker, at isang naglalakad na success-story. Ang kanyang aklat ay patunay lang na kahit nasa 1st world country ka pa, may mga balakid na pagsubok sa’yong buhay. Ang pagharap at paglusot sa mga hadlang pala ay isang universal experience.



#RealTalk
Bago ko umpisahan ang isang mumunting rebyu/repleksiyon/reaksiyon gusto ko munang aminin ang mga naging balakid para maisulat ko ang rebyu/repleksiyon/reaksiyon na’to: (1) Hindi ako mahilig sa motivational at success story-books. Ewan, may feels kase ko na sa buhay lang nila ‘yan at hindi magiging success story ang buhay ko. Kumbaga, may pananaw ako na baka, baka lang naman mahubog ang depenisyon ko ng tagumpay base sa depenisyon ng iba. (2) Ang dami nang motivational at success-story books sa merkado. (3) Hirapa kong magbasa ng digital. Dalawa lang naman ang tinalo ko para maisulat pa rin ang rebuy na’to: katamaran at ka-busy-han.

Pero naniniwala ako na dapat ko pa ring bigyang pansin ang aklat lalo na sa trabaho ko ngayon. Isa akong social worker at isa sa mga araw-araw kong kinahaharap ay mga hadlang. Hadlang kum’ bakit hindi kumikita ng maayos ang isang pamilya. Hadlang kum’ bakit hindi sapat ang pangkain, pang-matrikula, pang-kalusugan ng pamilyang Pinoy. Trabaho ko ang itawid sila sa pinakamalaking hadlang sa isang 3rd world country; ang kahirapan. Ang hadlang na kinahaharap ko rin madalas.

Propesyunal
Siguro nag-aalmusal si Sir John C. ng mga hadlang at balakid kasi hitik na hitik s’ya sa mga mabibigat na karanasan sa buhay at kung paano s’ya nakalagpas. Nalulong sa droga, nawalan ng trabaho, nakipagsapalaran, nalugi, pero success speaker na s’ya ngayon at CEO ng Write Hook Media. Sa mga ikinuwento n’yang karanasan, para ka na ring nag-field trip sa mga mabibigat sa dibdib na mga suliranin. Ang maganda sa aklat makikita mo na lahat ng pinagdadaanan ay daan nga lang at malalagpasan din.

Praktikal
Maraming pinakita si John Couret na mga uri at sukat ng mga hadlang o balakid sa buhay. ‘yung iba ay pwedeng iwasan, gaya ng mga pakikipagtalo at di pagkakaunawaan. Meron din namang hindi maiiwasan gaya ng stress, halaman at hayop nga nakakaramdam n’yan; ikaw pa? Isa sa mga hindi natin nabibigyan ng wastong solusyon dahil madalas alam lang nating stress tayo pero hanggang stress eating lang solusyon natin doon. Sabihin ni Sir John, “The goal isn’t to avoid stress. The goal is to manage it.” Minsan kailangan mo lang lumilnga-linga para makita ang lusot sa balakid na kinakaharap mo o minsan magtanong-tanong sa iba ng ibang daan.

Praktisin

Meron akong mga natutunan (pramis!!) sa pagbabasa ko ng Breaking Barriers:


1.       Makinig. Gusto ng bawat isa na sila’y pinakikinggan. Ano ang kanilang mga hinaing, saloobin, at nararamdaman. Minsan yung pakikinig lang ay malaki nang tulong sa mga taong may pinagdadaanan. Madalas yung pakikinig din ang susi para ayusin ang mga nagusot napakikitungo. Makapangyarihan at produtibo ang pakikinig.

2.       Tapusin agad. Kung may pagkakataon ay dapat nang tapusin agad lalo na kung ito ay mga di pagkakaunawan dahil baka lalong lumaki pa ang sunog. Hindi maayos ang alitan kapag hindi natin pinag-usapan. Lalo lang lalaki ang apoy. Kaya dapat ang magkaalitan ay parehong handing making.


3.       Mag-alaga. Hindi lang ng ibang tao o ng relasyon sa ibang tao kundi pati na ng sarili. Napaka halaga ng kalusugan dahil kapag yan ang nawala maaring lumugso rin ang kabuhayan, pamilya, pagkakaibigan, tiwala sa May Lalang, at worst; ang ‘yung entire life lalo na’t mali ang pagtingin mo kung subukin man ang ‘yong kalusugan. Kaya mag-alaga ng sarili, please lang.

4.       Magpahinga. Relate to number 4. Minsan naman kailangan mo ring tumigil at pagnilayan na kung nasaan ka na ba at magtanong kung tama pa ba ang direksyon mo. Mahalagang maghasa muna ng palakol bago bumalik sa pagsisibak. Ang saglitang pagtigil ay lalong nagpapabilis at nagpapahusay ng gawain.  Makipag-usap sa mga kaibigan, kapatid sa hanap-buhay, mga personal life coaches, besprens na nanay rin minsan, para masilip mo rin ang ibang anggulo ng buhay mo na baka sila lang ang nakakakita.

5.       Wag kang ano, hindi ako ang pumapasan sa daigdig. Minsan kasi ganun talaga ang feels mo eh, parang puro ka na lang fails at lahat ay epic. Parang binuburo ka ng universe dahil sa dami ng problema mo sa buhay. Cliché man kung cliché pero ang pinapasan ko talaga ay yung kaya ko lang. Hindi ko kinaya ang pinasan ng professional surfer na si Bethany Hamilton. Isang araw lang naman sa pinagser-surfan n’ya since birth, sa  isang dagat sa Hawaii, habang nagpapahinga s’ya kanyang surf board ay napansin n’yang nagpula ang tubig sa paligid n’ya. Kinagat lang naman ang kamay n’ya ng isang Great White Shark. Tumigil ba s’ya sa pagser-surf dahil isa na alng ang kamay n’ya? Hindi.



Sa mga kagaya ni John Couret at Bethany Hamilton na nagpupumilit lumusot sa mga balakid na kanilang pinagdadaanan; magandang basahin ang Breaking Barriers. Kung hindi ka naman nadukitan ng retina o nakagat ng Great White Shark; walang dahilan para hindi magbuklat dahil may pag-asa sa pagbabasa. 

No comments: