Thursday, July 14, 2016

Salamin, Salamin

Hulyo na pala!

Parang wala pa akong nagagawa sa ginawa kong to-do-list para sa taong 2016. Halos kalahating taon na lang ang natitira. Halos pagod na ako nang wala pang nagagawa. Kaya hinanap ko ang aking 206 to-do-list goals at nirepaso.

7 vs. 6 vs. 4. May pito nang check sa aking mga dapat na magawa ngayong taon! Ikinasiya ko naman. May nagagawa naman pala ako, masyado lng akong nakabangla sa mga hindi ko pa nagagawa. Ilan sa mga nagawa ko na; bumoto ng mas matalino nung Eleksyon 2016, ma-publish ang mga akda (w/ or w/o honoraium), makapagtrabaho sa gobyerno, nakabili ng laptop, bolpen, at notebook, makapag-research work, atbp. 'Yung ilan nga lang ay on-going pa, nasa implementation stage pa. 'Yung iba naman ay parag hindi ko nagagawang tama gaya na lang ng pagba-blog ng mas madalas at makapagbasa ng mas maraming aklat dahil sa mga ekstrang oras na hinihingi ng trabaho ko. Bale anim na nasa on-going at continuous stage, na disipilina at determinasyon ang kailangan para matapusan at ma-checkan din. May mga pinalampas din pala akong opurtunidad dahil hindi pa tamang panahon, sori be. 

May apat na ekis pa na ilang taon na ring sumasama sa'king mga to-do-lists dahil big shots naman talaga 'tung mga 'to gaya na lang ng Masteral Scholarship at maging published writer. Nangangalap pa ko ng marming bertud para ma-checkan na rin ang mga goals na yan.

 Sa'n ba nakakabili ng kasipagan?

Ol in ol, kaya pa palang habulin ang mga goals na iyan bago matapos ang taon. Dinagdagan ko pa nga ang mga goals na 'yan at ginawang TODO list for 2016. Wala dapat masayang na oras at salapi. Todo na sa pagkayod para sa kinabukasan! Babalikan ko ulit ang TODO list ko sa Paskong walang pasok habang nanunuod ng movies maghapon, kakain ng ispageti, hihigop ng kape, kasama ang mga kaibigan at kapamilya. Sana iilan na lang ang sasama ulit sa TODO list ko for 2017.

mula sa church4u2.wordpress.com


Kalahati na pala ng Hulyo, sige na, sige na. 
Kailangan ko pang mag-sumite ng proposals sa katapusan.


No comments: