Ikalawang pasinaya kong nasaksihan ngayong linggo ay ang kay VP SimpLENI Robredo. Habang nag-aayos ako ng proposals na ipapasa ko. Hindi na nga ako nakasama sa Caliraya para sa team building dahil hindi ko pa natatapos ang pag-aalphabetize, pagpa-puncher, at pagpipirma sa mga forms na nasa akin ngayon. Apat na kopya kasi kada isang proposal kaya nakakahilong mag-ayos.
Habang pinapanood ko si VP Leni sa kanyang talumpati ay parang napapaypayan ulit ang apoy sa'king puso. Lalo kong nakikitang nasa tamang trabaho ako. Kahit mahirap, super late na suweldo, lubog sa utang, walang job security, at puno ng pressures at frustrations; ay masasabi kong hindi ako nagkamali sa pinili kong kagawaran ngayon.
Nakakatukso ring magpunta sa tanggapan n'ya at mag-alok ng serbisyo kaya lang siyempre payat pa ang Curriculum Vitae at karansan ko sa public service at community development. Marami pa akong dapat matutunan, puntahan, pag-aralan, at danasing pasakit. Hindi ko pa nasubukang matulog lang sa bangka gaya ni VP Leni.
Ilang qoutable qoutes na puwede mong magamit samga essay mo sa school one of these very days, lalo na sa Araling Panlipunan:
"What brings us together as a nation is far more powerful than what pulls us apart" - late Jesse Robredo
"Gawing lakas at hindi hadlang ang pagkakaiba." -VP Leni Robredo
"Ang pagsubok ay kabilang mukha lamang ng pagkakataon."-VP Leni Robredo
Gusto ko pang matuto ng mga ideyalismo ng good governance, people's participation at empowerment. Gusto ko rin ang pagpunta at pag-upo ni VP Leni sa 100 liblib na baranggay sa bansa para alamin kung anong pangangailangan nila. Kailangan talagang dalahin ang pag-unlad sa kanayunan para hindi nagsisiksikan sa siyudad, para hindi na nagkakahiwalay ang magkakapamilya, at para magbigay pagkakataon sa nakararami.
No comments:
Post a Comment