Monday, July 18, 2016

Napanood ko 'yung Encantadia (Haste Live at Pashnea)

Encantadia na!

Isang dekada bago muling lumutang sa ere ang Encantadia. Ang haba ng promotion nito mula sa morning show hanggang sa balita sa gabi. Ang daming sinasabi ng casts bago pa man nagsimula. Ang daming kuskos balungos.

Hindi ko napapanuod ang Game of Thrones na ibinibintang na marami na Tinagalog version ang Encantadia natin ngayon na Requel ng Encantadia a decade ago. Hindi ko rin napanood ang unang Encantandia noon, pasilip-silip lang ako.

Ano ba ang Encantandia para sa marami? Bukod sa icon ito ng Philippine Fantaserye, icon na rin ito ng pop culture. Parang version natin ng Lord of the Rings. Parang Philippine Middle Earth. Nakaka-proud na bago pa man si Avatar Ang ay may apat na elemento na sa Encantadia.  Pakiramdam ko naungusan natin ang kanluran doon. Parang ganern.

Haste Live:
1.       Epeks. Mas oks naman ang epeks ngayon kesa sa nakaraang dekada.

2.       Props and Costumes. Medyo oks na rin ang props and costumes. Mas detailed at di mukhag karton ‘yung iba. Haste Live para sa mga cutie na Adamyan!

3.       Map. Maganda ang map design at mas maganda rin sana kung paano umusbong ang apat na kaharian. (Hindi ko lang alam kung nasagi ito sa Etheria)

4.       Script. Haste Live naman sa mga scriptwriters kaya lang ang delivery ng mga cast ay hindi organic. Halatang hindi sanay gumamit ng Filipino lalo na si Solenne na tunog French pa rin kahit na nagsasalita ng Enchanta.

5.       Enchanta. Nakaka-miss namang marinig ang Enchanta, ang wika ng Encantadia. An’lakas maka-bekinese. Haste Live Suzzette Doctolero para mag-incorporate ng Enchanta sa Encantadia! Very Middle Earth or should I say Gitnang-Lupa? At nang i-search ko ang language ng Encantadia nakita kong may Encantadia Wiki pala?!

Pashnea!
1.       Epeks. Mas oks naman ang epeks ngayon kesa sa nakaraang dekada. Medyo hindi lang masyadong convincing ‘yung mga beams kung alin ang mas malakas. Palakasan lang yata ng sigaw talaga. Walang measurement system for powers. Saan nanggagaling ang mga beams and spells? Ano ang basic unit ng power? Sigawan lang? Very Filipino.

2.       Set. Ang liit at sikip pa rin tingnan.

3.       Storyline at Character build-up and design. Ganun pa rin. Agawan sa kapangyarihan. Good vs. Evil. Lakas maka-Nazi ng Hathoria. Masyadong weak si Imao kahit na s’ya ang pinaka mukhang ‘may karunungan’ sa Encantadia. Masyadong pure si Minea na parang taga-DSWD makipag-usap. ‘yung mga lalake ay espada at ang mga babae kamay-kamay lang at beams+sigaw. At ambilis-bilis ng phasing ng pilot episode! Parang 50 years in one hour.

Baka naman babawi sila sa mga susunod na episodes. Minsan lang may mitong Filipino sa Philipine TV kaya bigyan na natin ng chance. ‘Wag na nating ikumpara masyado sa Game of Thrones. Third world naman tayo e, pagtiyagaan na natin ang effects. Kasi naman after ng unang Encantadia, may iba pa bang mito na subaybayin maliban sa ilang sinulat din ni Tita Suzette na Amaya at Indio? Magpasalamat pa rin tayo kay Emre!

Baka naman babawi sila sa mga susunod na episodes.

Hartu Sanctu Encantadia!



No comments: