Tuesday, July 5, 2016
Pasinaya 3
Medyo hopeful naman ang pasinaya speech ni President Du30 (*fistbump). "Tinuod" daw ang pagbabago sa kanyang gobyerno. Sana naman. Medyo marami-rami na rin ang reports tungkol sa mga nasasakoteng drug addicts at pushers hindi pa man s'ya umuupo. Marami na rin ang nagsusukuan; isa ngang clip sa isang report ay makikitang puno ang isang covered court ng mga drug users na sumuko.
Nakita ngayon ang kakulangan natin sa rehab facilities. E ang mahal-mahal ng pa-rehab. Kailangan ngayong pondohan ng gobyerno ang rehab ng mga adik? Siguro maganda kung pay later na lang ang cost ng rehab para may responsibility naman ang mga adik o users. Kulang din daw tayo sa mga psychologists, neurologists, psychiatrists, at iba pang teknikal na tao para tumulong sa dagsa ng mga sumusukong drug users.
Ok. Sige. After na tanggalin ang pagka-adik, anung gagawin na ng mga iyan? Dapat may social intervention din para sa pagtatrabaho. Ang daling sabihin pero katakot-takot na trabaho ito. Parang mabilis nga na barilin na lang at ilagay sa police report na nanlaban...hindi, hindi, kailangan pa rin na sang-ayon sa batas. Gaya na rin ng binitawan ni President Duterte na susunod din naman siya sa batas bilang isa ring abogado. Pero medyo parang hamon lang sa CHR, special mention sa speech, ang binitiwan ni President Duterte na "you do your job and I'll do mine."
Pero aside sa mandato n'yang sugpuin ang katiwalian at droga, ang isa sa mga tumatak sa kokote ko ay ang nais nyang kalasin ang red tape sa gobyerno. Mandato n'yang pabilisin lahat ng aplikasyon at transaksyon sa gobyerno, mula aplikasyon, processing, at release. Napatitig ako sa pinag-aayos kong papel na tig-aapat na kopya na halos naubos na ang maghapon para lang i-puncher, i-fastener, at i-alphabetize ang mga papeles na madalas ay inuuwi ko pa sa bahay. At note to yourself; wala kaming budget sa office supplies.
Bago pa kami makapagpasa ng proposal, katakot-takot na papeles. I actually eat red tape for breakfast.
Aprub din ako sa pagtatalaga ni President Duterte kay Prof. Judy na academic, leftist, at social worker. Nakaka-ngiti rin ang isang article ng Rappler sa turn over ceremony ng DSWD. Ibinigay ni Prof. Judy ang isang kwintas na iniregalo sa kanya ng Morong 43 ba grupo ng health workers na na-detain dahil napagkamalang communist group. Sabi ng artikulo, ang pagkukuwintas ni Prof. Judy ay para statement na "the leftist group has taken over the bureaucracy of the department."
Baka naman sa susunod na buwan ay mas kakaunti ng A4 at fasteners ang bibilhin ko.
Baka naman.
Mga etiketa:
talumpati
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment