Problema ko ito lagi kapag may bisita
ako. Dati, nung wala pa akong mga lalagyang plastic food containers (reusable)
sa mga plastik labo talaga kumakain ang mga bisita ko sa bahay. Siyempre, ako
ang gagamit ng pinggan ko. Hanggang sa nagkaroon ako ng mga lalagyan ng ulam at
lalagyan ng 1.3 L ice cream, pero mukhang pakainan ng pusa o kaya aso. Lagi
akong nasasabihan ng ang laki-laki ng sweldo mo bumili ka naman ng plato!
Kaya kapag may mga bisita ako na grupo,
binibilin ko na nang magdala ng plato at kobyertos. Lagi. Para hindi sila
nagkakamay at kumakain sa plastik labo o pakainan ng aso. Natuwa nga ako dahil
nitong bagong taon ay may regalo akong natanggap mula sa Bokal ng Batangas. No
gift policy kami pero bakit ko naman tatanggihan ang dalawang sulyao na
babasagin. May lalagyan na ko ng ulam!
Nito lang nang bumisita ang
#OplanSavingJord na binubuo ng mga katrabaho para tulungan ako sa liquidation; ay nag-donate si Ate Cars ng mga plastik na pinggan. Tinanggihan ko pa nga nung
una kasi ayoko ‘ka ko ng disposable na plastik, reusable naman pala ‘yung
ibibigay n’ya. Mga free lang naman daw yun sa sigarilyo kaya di naman magagalit
ang nanay n’ya. Mga ilang piraso rin ‘yun.
Tamad akong maghugas, kaya matatambakan
ako. Kapag isa lang ang pinggan ko, obligado akong maghugas kasi wala akong
ibang gagamitin. Dapat siguro itago ko na muna ‘yung mga ekstrang plato sa
kahon. Hindi ko naman problema ‘yung palaging ipagsisigawan sa’kin ng mga ekstrang
plato kapag umuwi na lahat ng bisita ko na mag-isa na lang ulit ako. Sanay na
kong naglilinis ng kalat ng iba.
Dyord
Enero 10, 2017
White House
No comments:
Post a Comment