Natuwa ako
sa featured posts sa gilid ng blog site ko, puno ng mga libro at pelikula.
Featurettes at reaction papers tungkol sa mga FiliFictional characters ang
series of posts ko nitong August. FiliFictional characters: mga tauhan sa mga
akdang Filipino. Ipinakilala ko 'yung mga akda sa pamamagitan ng mga tauhang
makikita sa loob ng mga kuwento. Ito ang mga napagtanto ko:
1.
Marami palang nalilikha sa Filipinas na magagandang kuwento. Karamihan sa mga
featured works ko ay produced lang ngayong taon. At ang diverse na kung
tutuusin at kung ikukumpara mo sa mga nakaraang taon (o mas
aware lang ako ngayon?). Pero mas magiging diverse pa ang mga akdang Filipino
across different media or tools ng pagkukuwento, kung mas maraming tatangkilik
ng Pinoy works.
2.
May laban na ang mga pelikula natin. Nakakapanood na ako ng mga indie films
kahit hindi ako lumuwas ng Maynila. Kahit mga mainstream producers ay
nagpo-produce na ng unconventional (ex: Kita-Kita). Basta siguraduhin ko lang
na papanoorin ko sa first week kasi baka hindi na bigyan ng chance ng sinehan
na paabutin ito ng second week. Sana mas marami pang pelikula at i-extend naman
ang running period.
3.
Ang laki ng gastos ko ngayong Agosto dahil lang sa pagkonsumo ng mga kuwento.
Bukod sa mga natagpuang mga titles sa bookstore, sumabay pa ang Komiket at
Pista ng Pelikulang Pilipino. Inagosto ang budget ko, kaya dapat sa pagbubukas
pa lang pala ng taon, ihahanay ko na ang mga lit events at magkanong budget ko
lang sa partikular na event.
4.
Marami pala akong mababasa kung ikakalendaryo ko lang ang aking pagbabasa. At
ang dami-dami ko pang gusto at dapat basahin/panoorin.
5.
Ang daming umuusbong na mga mahuhusay na Filipino creators, sobra. Makawakwak
bulsa pero makabanat ngiti ang ganda ng kanilang mga akda. 'yung iba sa kanila,
call center agent sa gabi tapos sa umaga magdo-drawing. 'yung iba animator
talaga ang trabaho. 'yung iba doktor talaga. 'yung iba guro. Hindi lahat
full-time. Kaya kahit na sabihin nilang dreams don't pay the bills, e hindi mo
na ipaglalaban 'yung pangarap mo; 'yung gusto mo talagang gawin.
'yun
lang.
No comments:
Post a Comment