Nakahanda na ang itinerary ko para sa Manila International Book Fair
(MIBF) at ikalawa ko na ito. 'yung una kong punta ay umattend ako ng isang
symposium ng isang academic publisher at pagkalabas ko ng venue ay sabaw na ang
mga neurons ko para maglibot-libot pa sa book fair. Wala pa rin akong pera noon
kaya kaunti lang ang nabili ko. Kaya ngayon, may handa na akong plano sa event.
Setyembre 17, ako pupunta. At ito ang mga uupuan kong mga manunulat:
10 n.u. - 11 n.t.
Edgar Calabia Samar (Adarna)
11:30 n.t
Butch Dalisay at Lualhati Bautista
(Anvil)
1 n.h. - 2 n.h.
Rod Marmol (Summit Media)
2 n.h. - 3 n.h.
The Soshal Network (Summit Media)
3 n.h. -4 n.h.
Manix Abrera (Visprint)
Mga Tips bago pumunta ng book fairs: (1) Bago pumunta sa event ay
magprint na ng free tickets, sayang din ang bente pesos. (2) At saka magprint
na ng floor plan para hindi ka ikot nang ikot, may direksyon ang bawat lakad
mo. Hindi masasayang ang energy at oras mo kapag may mapa ka sa phone o mas
maganda kung print parang treasure hunt lang. Ang aklat naman ay kayamanan,
investment sa sarili.
(3) Gumawa na ng list ng bibilhin. Wala pa akong list ng bibilhing
libro. Pero tiyak mamimili ako ng aklat para sa Project Pagbasa. Malaki ang
discount kapag malaki ang event. (4) Maghanda ng ng sapat na cash pambayad, para
hindi ka hanap nang hanap ng ATM. I-check na rin ang kakainan na malapit sa
event. May listahan na rin ako ng missions ko sa araw na 'yon:
1. Ibili ng Ang Paboritong Libro ni
Judas Shirt si Rald Reb. Gusto n'ya ay custom fit, hindi maluwag at hindi
masikip. Ako muna ang magbabayad.
2. Ibili si Ate Cars ng 100 Tula Para
Kay Stella. Na-late kasi s'ya ng 20 mins sa sinehan kaya gusto n'yang basahin
ang book form nito.
3. I-meet si Sean at Sir Walther sa
fair. Magkumustahan. Baka magkape rin. Pero binilin ko na doon lang sa
mumurahin.
4. Anihin ang gantimpala ng Santinakpan
para sa Buwan ng mga Akdang Pinoy.
#SalamatsaMayLalangngSantinakpan
No comments:
Post a Comment