Mag-aalas
dos na naman ng madaling araw. Hindi ko alam kung dahil ba sa tinira kong
vanilla latte at turtle pie na may dark chocolate kaya dilat pa rin ako
hanggang ngayon, pero mga mahigit isang buwan na kong kulang sa tulog. Pagkakaalam
ko mataas ang tolerance ko sa kape. Hindi naman ako depressed.
Hindi ako
inaantok. Bigla na lang akong nagsha-shutdown, hindi ko alam paano ako
nakatulog. Para akong praning kapag nag-11 pm na, iniisip ko na hindi na naman
ako makakatulog nare. Pagdating naman ng 2 am at hindi pa rin ako nakakatulog,
umiinom ako ng gatas. Pero madalas inaabot din ako ng 4 am, dito na’ko
magko-contemplate if hihintayin ko nang mag-umaga or aagaw pa rin ako ng tulog
kahit tatlong oras lang. Hindi na healthy.
Ang
daming pumaplastar sa isip ko. Inilalayo ko nga yung selpon at laptop ko, kahit
anong stimulant para mahuli ko ‘yung antok. Pinatay ko na lahat ng ilaw para
madilim. Pero ang liwa-liwanag pa rin ng mga dapat kong gawin sa trabaho, sa
blog, sa pamilya, sa mga kaibigan, at sa sariling buhay. Naiisip ko ang goals ko
kahit dapat nagpapahinga na ako. Parang pinapowerpoint sa isip ko isa-isa lahat
ng dapat kong matapusan. Hindi ko naman iniisip e, basta na lang pumaplastar.
Nagtanggal
na ako sa bahay ng kape. Lampas isang buwan na rin. Nagpahilot at bentosa na
ako. Nahiga ng 9 pm, wala akong binuklat na laptop o siniwipe na screen. At
tatlong oras na pumaling-paling sa higaan. Bumangon pa rin ako at kumain.
Minsan,
mag-aalas singko na ako nakatulog. Nung isang araw, mag-aalas-sais. Nung
minsan, walang-wala. Sana maibalik ko na yung dati kong oras ng pahinga. Sala-salang
oras ng tulog. Sala-sala pa ko sa oras kumain. Para akong nagsu-suicide ng
paunti-unti.
Baka
nasobrahan lang din sa stimulant ang utak ko; movies, memes, series, online
class, mga binabasang libro, binubuong project ideas, at mga dapat isulat pero
wala naming nasusulat. Ang daming nakalipas na long weekends pero hindi ko
naramdamang nakapahinga ako o nakabawi man lang. Sabi, ‘yung tulog sa gabi
hindi naman nako-compensate ng tulog sa umaga.
Ikinabo-boring
ko na yata ang pagtulog. Hindi na yata sanay ang utak ko nang hindi
nagmumulti-task kaya hindi na s'ya fan ng pagtulog. Pakiramdam ko kinakain na
n'ya ang sarili n'ya. Uhaw na s'ya sa pahinga. Pahingi naman po ng pahinga.
Lalaklak
na yata ako ng gamot. ‘yung puwedeng gamot, pampaantok.
Dyord
Setyembre 8, 2017
White House
#
No comments:
Post a Comment