Pinasilip ni Ser Walther 'yung gallery ng pamilya nila sa
isang artist na friend na nakasama n'ya sa Lit. Folio noon sa Areneyo.
Pagagawan kasi nila ng parang catalouge bilang bahagi ng decluterring program
ng kanilang bahay ngayong taon.
Mas marami yata kaming napag-usapan sa loob ng kotse kaysa sa loob ng resto. Napag-usapan namin na ma-traffic na rin kahit sa Lipa, Batangas. Napag-usapan namin 'yung kaklase nilang ghost writer ni PNoy. Napag-usapan namin 'yung faith kay Queen Pia. Napag-usapan namin 'yung mga kalye na may nakabulagta na kinaumagahan. Napag-usapan namin na kahit ganitong oras, mga alas diyes ng umaga, may binabaril.
Nakailang topics na kami pero hindi pa rin kami nakakalabas ng UP. Bakit ang luma nung mga roomss? Anong college 'yun? Bakit may masukal na part? Ang dami kong bakit. Unang beses ko kasing masilayan ang UP, pero mula lang sa bintana ng Fortuner ni Ser Walther.
Sa loob ng kotse habang hinihintay naming umusad ang trapik dahil umuulan nang malakas sa UP, napag-usapan din nila kung paano mamuhay sa ibang bansa. Parehas kasi silang
nakapag-graduate studies overseas. Si Ser Walther sa Denmark, kung saan nag-assist nga ako sa
thesis n'ya sa Quezon. Tapos, si artist na friend ay sa Aussie universitey.
'yung mga Kanluranin daw ay medyo
hard-shelled sa umpisa pero lumalabas din ang kalog kapag tumagal nang
pagkakilala. 'yung mga Kanluranin daw parang coconut, hard sa labas pero soft
sa loob. Kabaligtaran daw ng mga Asyano, tayo raw kasi ay peach, soft sa labas
pero hard sa loob. Mukhang friendly sa labas pero hindi talaga fully trusting
in the inside.
"Kaya siguro nilagay yung peach sa West at yung
coconuts sa Asia, for us to understand each other," sabi ni artist na friend.
May point. Napa-“Oooh” kami.
Fact checking: May peach species sa Japan at China.
No comments:
Post a Comment