Galing si Binong sa Malaysia at Singapore. Nag-asian tour ang kaibigan kong burgis. Kasama yata sa kanyang bucket list. Nanunukso ‘yung ibang katrabaho namin ng pasalubong di pa man s’ya nakakaalis. Basta makauwi lang ng ligtas si Binong, ayos na sa’kin, sabi ko. Ang lakas ng tawa ni Mam Mildred, walang bahid ng paniniwala sa concern ko sa aming kaibigan.
Ligtas namang nakauwi si Binong at may pasalubong ako. Hindi ko nag-expect talaga. Parang di ko deserve. Naririnig ko na naman ang tawa ni Mam Mildred. Mga dalawang linggo na bago ko nakuha ang pasalubong n’ya mula kay Ate Cars, busy yata s’ya para iabot sa’kin ng personal.
Isang 15g na Santa Milk Chocolate, 36g Old Town White Coffee, 4pcs. ng 12.6g na Cherir Chocolat, at isang bolpen na may nakasulat na Malaysia sa casing at may naka-trench coat na tau-tauhan sa dulo. Puro may caffeine, ayaw n’ya yata akong patulugin pero parang gusto n’ya kong magsulat. Siguro ng mas magagandang bagay tungkol sa kanya. Palagi raw kasing pangit ang image n’ya sa blog ko. Totpul naman ‘yang si Binong talaga. May pangalan ko pa nga ‘yung kahon ng tsokolate e. Kwits na ha.
Salamat sa matatam-is na mga pasalubong. Mas matamis sana kung may kasamang mga kuwento mula sa’yong Asyanong paglalakbay. Kaya lang hindi ka naman masyadong sumasama sa’min kapag lumalabas. Pero okey lang, no pressure. Your cue, just tell me when you’re ready.
#
Dyord
Agosto 28, 2017
White House
No comments:
Post a Comment