Nagpunta kami ni Tita Nel sa baranggay kasama ng mga konsehala. Sa isang okasyon na may mga magulang at mga bata kami pinaupo. Hindi ko nga rin alam kung bakit kami naroon. Basta nang mag-umpisa ang presentation ng mga bata’y nakaupo na kami sa monoblock. Nagimbal ako sa presentation, parang isang quiz na musical na nagtatanong si teacher kung kaninong rehimen nagkaroon ng martial law. Pakanta ring inisa-isa ang choices, nabanggit ang yumaong diktador sa letra ng C. Sumagot ang mga bata in chorus, wala raw nangyaring martial law! With matching choreography pa at padila-dila na parang nag-“nye-nye-nye-nye-nye”. Hindi raw kasi tayo marunong magbasa.
Hanggang narinig ko na ang opening music score ng Game of Thrones, si Ate Cars tumatawag. Nawala ang mga bata. Nawala ang mga magulang. Nakahiga pala ako at hindi nakaupo. Akala ko’y umaga na, alas-siyete lang pala ng gabi. Binangungot pala ako.
Hindi kaya may historical revisionism formula sa iniinom kong antihistamin?
#
Dyord
Oktubre 05, 2017
White House
No comments:
Post a Comment