Nabawi ko na ‘yung maayos na tulog nung
last month. Hinahabol ko na naman yung antok ngayong huling tatlong araw.
Siguro dahil nafu-frustrate lang ako sa tinatakbo ng kalendaryo at monthly
goals ko. Pakonti nang pakonti yung mga araw pero hindi dumadami yung
natse-tsekan sa to-do-list ko. Last month naman halos na-tsekan ko lahat. Ngayon,
ang dami lang talagang hindi inaasahang kumain ng mga araw ko.
Self-forgiving naman na ako. Ganun naman
talaga hindi ko matatapusan lahat ng gusto kong matapusan. O e di sa susunod na
buwan. O di kaya sa susunod pa. Lalo lang akong papagurin ng pagpupumilit
maghabol. Lalo lang mahahapo nang walang nararating. Mahirap lang talaga
sigurong matutunang gawin ang mga bagay-bagay nang paisa-isa lang.
Kanina, bigla ko na lang inayang
magkape si Uloy. Hindi lang kami magkaintindihan sa pagsasangat ng kalendaryo n’ya
sa kalendaryo ko. Akala mo mga artista. Tapos, nagpaalalang konting minuto na
lang bertdey na raw n’ya. Kaya pala.
Sana kaya rin naman.
No comments:
Post a Comment