Day 01 - Travel to
Camalig
Hindi ako nakapag-volunteer
nitong 2017 kasi nag-secure talaga muna ako ng life insurance. Idinahilan
sa'kin ni Cervin noon na wala raw akong insurance (dahil longweekend ang Super
Typhoon Lawin) kaya hindi ako puwedeng mag-hike. Sa mababang area lang daw ako,
mapapagalitan daw sila ni Doc. Kim.
T'saka, may mga goals akong
tinakda bago mag-volunteer ulit. Mga nasa 85% sa mga sinulat ko'y napangyari
naman kaya puwede na 'let. Isa pa, wala pa rin naman akong trabaho kaya sabi ko
kay Fem, puwede ako ng 5 days. "Anong pinaka malapit na date?"
Hindi pa nagkakaroon ng
pagputok ang bulkang Mayon nag-usap na kami ni Fem. Puwede ka just in case na
mag-DR (disaster response) sa Bicol? Kasi raw, kahit maliit na nasunugan,
nagpapadala ng DR team, sa bulkan pa ba? Inantabayanan ko na ang #PrayforAlbay
hanggang sa nagkaron na nga ng mga pagputok.
So ito ang cast ngayon:
Kuya Gino (coordinator) -
nakasama ko na siya sa free wheelchair mission sa Masbate kung saan na-inspire
ang Project Pagbasa
Kuya Edgar (driver) -never
ko pang nakatrabaho
Kuya Ivan (photog) -isa sa
mga beteranong photog at ngayon ko lang din makakatrabaho
Past. Dudz (pastor) -isa sa
mga nakasama ko rin sa Masbate at mahilig mag-crack ng jokes (at pili nuts) at
mag-magic show ng piso
Nagtanghalian kami sa
Calauag, Quezon. Tinext lang ang isang beteranong volunteer dentist na kumain
kami sa lugar nila,. Nagpahintay si dra at may biyabit na ice cream!
Tamang-tama sa maalinsangang hangin doon. Sobrang na-busy na raw si dra kaya
hindi na nakakapag-volunteer kaya nagdo-donor na lang.
Naipit kami sa may bandang
Cam.Nor. Stranded. Quarantined. Detained. Sumakit ang ulo ko dahil sa malabo
nilang business process.
Governance Realization:
Dapat sa mga Animal
Industry checkpoints ay naglalagay sila ng power to decide kung may naipit na
itlog/agri-commodities dahil walang permit to travel. Hindi rin dapat nagbabago
basta-basta ng protocols na hindi fully aware ang suppliers.
Gets naming may proseso.
Gets namin na pananagutan nila kapag may pinalampas silang mga itlog at kapag
may naging kaso sa mga kumain, ay sila ang mananagot.
Kaya lang, pano nga kung
perishable yung relief goods? Hindi fully aware sa permits yung mga donors.
Emergency. Disaster Response. Kung nabulok 'yun lalo? Kung may magiging kaso
man ng sakit, mate-trace ba nila kung kaninong itlog yun? Di ba hindi naman.
So, decide agad!
Na-delay kami ng mahigit
limang oras.Nadetina kami sa checkpoint. Wala man lang pakape. Wala ring maayos
na palikuran ang checkpoint. Pinagmamasdan ko yung marami sa mga tao, nakaupo
lang buong duty. Hindi ba nakakabugok ang ganung trabaho? Ang dami nila sa
station para lang tumingin ng dokumento?
Sana lang hindi lang yun
nakita ko nang hapon na 'yun ang scope ng trabaho nila.
Alas-dos na ng madaling
araw nang makarating kami ng Sitio Tundo, Brgy. Tagaytay, Camalig, Albay. Nagkape muna kami bago matulog.
Dyord
Enero 22-23, 2018
Brgy. Tagaytay, Camalig, Albay
No comments:
Post a Comment