Saturday, January 20, 2018

Trip to Tiaong: Tumaas ang Kilay


Hinihingi sa’kin ang isang concept paper ng isang livelihood project namin sa Padre Garcia. Una, hindi ko naman naramdaman ang tulong ng programang iyon sa trabaho ko. Pangalawa, isasama raw nila ito sa accomplishments nilang ipapasa sa Central Office. Tapos, urgent pa. As in kaya-ba-today-level. Pasalamat s’ya pabalik ako ng opisina.

Kumbakit ayokong ipasa ang concept paper, kilala ko galawan d’yan. Magdadagdag yan ng column kung saan iimbentuhin lang nila kung anong naitulong nila sa komunidad kahit sa totoong buhay ay wala naman. Masabi lang na gumagana kung anong nasusulat sa field operations manual ng programa nila. Hindi nila alam ‘yung salitang credit grabbing. There was an instance pa nga, crinedit grab ako habang ako ang taga-pindot ang powerpoint presentation n’ya.

“I’ll send it before 2pm.”

At ito pa ang behind the scenes, tinext ang immediate supervisor ko. Siyempre, hindi na ako gagambalain nu’n kaya ang tinext n’ya ay si Tita Mildred. Si Tita Mildred naman ang nagtext sa’kin. Sinabi ko nang ise-send ko before 2pm. Ginagamit pa nila ‘yung friendship. Bastos sila, pero sinend ko pa rin.

“Bes, may template daw ang Central Office.”

Hindi pa aware si Tita Mildred masyado sa mga galawan. ‘yung sinend ko na concept paper ay gustong ipalapat sa template nila, para ifo-forward na nga lang nila. Ililipat-lipat na lang nila ‘yung mga texts sa tamang sections ng technical report, tayo pa rin? At si Tita Mildred pa ang mag-e-edit, sila pag-editin mo kako. Ang lalaki ng suweldo ang liliit ng… Trigger talaga sila e.

May mga tanong pa rin sila sa’kin tungkol sa project na andun naman lahat sa ipinasa kong project documentation. Babasahin na lang. Tinawagan ko, pero mabuti hindi sinagot kasi aawayin ko na talaga. Isinupak ko pa rin ‘yung mga info.

Opisina-opisinahan pa rin ako sa Garcia until 5pm tapos sakay ulit ako pauwi ng Tiaong. Nakapagbilin ako kay Tita Nel na keep on updating me dahil nasa #AlbayDR ako next week. Nagsalpak ako ng earphones at minax ang volume. Tinext ako ni Tita Mildred, “… Ang Kaharian pala ang service provider sa 3 projects mo na for implementation”. Kundi naman tumaas ang makapal kong kilay n’yan.

Hindi totoong pangalan Ang Kaharian, pero may negative experiences na kami d’yan. Anyare?! Halos, nagpakaiwas-iwas nga ako d’yan. Underspent na kung underperform, pero hindi kami gagawa ng projects na alam naming sole bidder Ang Kaharian. Ayokong tanggapin na “sila ang nanalo e” na dahilan. Wala kong pakialam sa bulag na procurement process.

Ganid ‘yan e. Ipinakain na d’yan ang malaking portion ng pondo natin, para kaming nagpapalaki ng halimaw. T’saka ‘yung projects ko wala ‘yun sa ino-offer nilang services e. Wala silang reputasyon sa pagtuturo ng skills set na dinemand ko sa project. I deserve an acceptable reason. Pero hindi pa rin namin sila matatanggap. Hindi kami nagpaka-delay-delay para bumagsak lang din sa low quality outputs. Pareho pa ring paso mula sa apoy ng gobyerno ang naramdaman ko kahit ilang linggo pa lang akong wala sa pamahalaan.

Bumaba ako sa Puregold. Nagpalamig ng kaunti at bumili ng full cream milk at iced gem biscuits. Kailangan ko ng matamis.

#

Dyord
Enero 17, 2018
Lalig, Tiaong, Quezon

No comments: