Sunday, January 28, 2018

Day 04 - Buhay Bakwit

Day 04 - Buhay Bakwit

Ngiting Albayon kuha ni: Kuya Ivan

Naglagalag kami sa iba-ibang evacuation center. Ang daming bata, at ang dami nilang laro. May sipaang-bora, chinese garter, paltikan ng bato, habulan, tumbang-preso, at good afternoon mickey mouse. Nag-uumpisa sila ng mga alas otso at natatapos ng mag-aalas-singko, parang opisina lang. Ang dami nilang ginugugol na enerhiya. Si Ella Mae at ilang kalaro nagwawalis naman ng kalat kung hapon. Sa umaga, nag-iigib naman sila ng tubig, panghugas ng pinggan at pangligo siguro.

Marami sa mga bata ay mag sipon. Nakakairita rin kasi sa ilong ang alpog (ashfall) tapos ang dami pa nila sa isang klasrum. May bumibilang pa ng 139 individuals, may 18-25 families sa isang klasrum. Kaya ang dali lang magpasa ng sakit. Nagkaroon nga raw ng isang pagkakataon sa pagkakaalala ni lolo ay daang bata ang namatay dahil nagka-outbreak ng tigdas sa evacuation center. Kaya mahalaga na ma-isolate agad kapag may sintomas ng nakakahawang sakit. May designated room na si Mam Principal Alicia para sa may nakakahawang sakit, gaya ng bulutong na napansin agad nila.


Huntahan with the Lolashies kuha ni: Kuya Ivan

Bandang tanghali, nagpunta pala kami sa Brgy. Anoling, sa may danger zone. Pinayagan kami ni Mayora Baldo. May escort kaming pulis. Gusto ko pa sanang maa malapit pa kaya lang maaabot na raw sakaling magkaroon ng violent eruption. May marka doon ng krus sa may daanan ng lahar, sabi palatandaan daw yun ng mga natabunan ng lahar sa lugar na yon dati. Sabi-sabi rin na paniniwala iyon para umiwas ang ragasa ng lahar sa mga bahayan at umagos lang sa labak at di makapaminsala. Pero danger zone talaga yung lugar at di dapat bahayan. Kaya lang mga manang lupa na 'yon ng mga tao kaya kahit irelocate mo pa sila, babalik at babalik yang mga yan dahil sa kanilang bukid.

Maraming kuwento ang nasa loob ng evacuation centers. Ishe-share ko yung iba sa isa ko pang blog. Natatambakan na naman ako ng isusulat. Kanya-lanyang banggit ng history ng mga pagsabog ng bulkan, lalo na yung matatanda. 'yung mga bata nakapagkulay at drawing naman sa isang stress debriefing na ginawa ni Kuya Bryan, isang nurse from DOH.

Sa gabi, sama-sama nilang pinapanood yung namumulang bunganga ng Mayon.


No comments: