Friday, January 26, 2018

Day 02 - Chikahan lang


Day 02 - Chikahan lang

Ang sarap matulog sa Tagaytay. May malamig pala na part ang Bicol. Inalmusal namin yung mga nabasag na itlog sa biyahe. 

Ito yung mga nakachikahan namin:

Chika #1 Kay Mayora Ding Talbo: Nag-courtesy call kami kay Mayora. Ipinatawag din ang Social Welfare. Inalam namin ang population ng evacuees per school at saka kami pumili ng iaadopt na center: Bariw National High School kung saan naghayskul si Kuya Edgar. 

Chika #2 Kay Madam Principal: Dumating kami sa Bariw bandang tanghali at naghintay pa kami kay Madam. Nagpaligo kasi siya ng aso. Na hindi raw sa kanya "but keep on coming on my office, e ako ang nagsa-suffer". Mas malaki ang ibinigay na stats ni Madam kaysa kay Mayora, mas updated ang school siyempre. Agad naman n'yang ichinika ang kalagayan ng school n'ya/evacuation center n'ya. Ito ang status report at best practices nya:

a. Overcrowded. Sila ang may pinaka mataas na population ng evacuees.

b. Sanitation. Namigay siya ng garbage bags at nag-set ng officers of the day. Nagpakontes siya ng palinisan ng room. Siyempre, may premyong goods. Kaya lang, magastos masyado. Baka maapektuhan ang title nila sa pinaka malinis na paaralan sa buong rehiyon.

c. Special Waste. Hindi raw mag-separate ang mga tao ng special waste. Pagdating naman sa palikuran, dahil halos 20-25 families sa isang klasrum, barado agad ang mga inidoro. Ihiniwalay na nya ang palikuran ng elderly. Sa buong paaralan, na may 634 families ay may dalawang kubeta na lang ang gumagana (as of Jan. 24). 

Nag-request na s'ya sa probinsyal ng portalets, hinulaan ko ang status, sabay kami;
"for procurement". 

d. Nutrition. Hindi puwedeng mag-de lata ang mga tao mula sa bukidng matagal na panahon, sanay sa gulay yang mga yan e.  Magluluto at magluluto yan. Nakapag-fundraise si Madam ng lutuan per room. 

e. Utility. Magsa-suffer daw ang expenses ng school kapag hindi nya ipinagbawal ang rice cookers. Sa ilaw at tubig pa lang, e hindi nila alam kung kailan titigil ang aktibidad ng Mayon. 

Chika #3 Sa mga Albayon: Nangamusta ako ng mga evacuees mula sa Brgy. Quirangay, Camalig, Albay; pasensya na kailangan nilang magFilipino. Bumabato-bato pa rin sila ng ilang bikol na salita, tinatanong ko naman ang aking interpreter. 

Isa si Ate Merly Mujar sa mga nakahuntahan ko. Iniwan daw n'ya yung farm nila. May ilan rin silang baka at kalabaw. Dalawang araw na raw na di nakain kaya bumbalik-balik daw talaga sila. Napapakiusapan naman daw ang army basta may sasakyan at mabilis ka lang. Umuuwi pa rin naman sila sa evacuation center.

Hindi mo rin naman sila masisi na magpabalik-balik kasi mayron talagang mga oportunista na nagnanakaw ng mga hayop, tsaka pag-uwi nila magbebenta sila ng hayop para mapag-umpisahan ulit ng puhunan sa pagsasaka. E kung ilang linggo pa bago sila makauwi? Mamatay mga hayop nila sa gutom. E hindi naman kakain ng damo na may abo yun. Ipagtitiba pa nila yun ng ubod ng saging.

Si Lolo nga, hindi pinayagan ng army. Gumapang pa sa gubatan, kaya lang nahuli rin. Lalong di siya nakapasok, nag-aalala siya sa kalabaw nyang 2 days nang walang kain. E marami sa kanila nakikiiwihan lang. 


May dala pang inumin 'yung mga Albayon sa panonood ng Mayon

Governance Realizations/Rants:
*Dapat i-strengthen pa ang DepEd at NDRRMC relationship kasi ang laki ng roles ng school teachers at principals kapag may kalamidad. Mas marami pang capacity building for school stakeholders including PTAs para mas malakas support group sa'ting mga mag-aaral. Sana lahat ay kasing powerful at may initiative gaya ni Madam Principal Alice.

*Dapat may calamity funds na naka-transfer sa school tas i-require sila ng liquidation. Kasi madalas bamang may pondo para sa kalamidad, wala lang pera o magagamit na cash. Para hindi na laging takbo kung kangi-kangino at kunghaan-haan ang mga school principals. Kung meron mang maliit na calamity fund, dapat magdownload ang NDRRMC ng additional funds sa kanila. Nakakaasar yung kailangang-kailangang nyo tapos sasagutin ka lagi ng "for procurement". Baka kapag dumating yan, hindi na kailangan.

*Mas maging child-friendly at magkaroon facilities for differently-abled persons sa bawat evacuation centers. Sa mga kaso na matagal talagang lalagi ang mga bata sa evacuation centers, mas magiging madali yung buhay nila kung may maayos na pasilidad.

*Magkaroon ng centralized at organized na database ng evacuees mula sa brgy, schools, at social welfare office. Para iisang lengguwahe tayong lahat. 

*Ako lang yata ang nakaisip nito; magpa-pageant sa evacuation center. Mr. and Ms. Disaster 2018, ang susuotin sapat gawa sa recycled materials sa loob ng vicinity. Naaliw na sila, napulot pa nila ang basura. 

Natapos ang araw na inabangan naming pumutok ang bulkan mula sa burol ng Quituinan. 








#
Dyord
Enero 23, 2018
Brgy. Tagaytay, Camalig, Albay


No comments: