Ito ‘yung TODO List ko for 2017:
1. Makapag-implement ng livelihood projects na minungkahi ko ngayong taon.
Sa kasawiang palad ngayong Enero 2018 pa lang ma-iimplement ang 2017 projects ko.
2. Makapag-enroll sa Open University ng Master Program sa Environmental Science.
Nakapag-aral naman ako sa Open U, kaya lang Social Entrep na month-long course at hindi pa Masteral program. Nag-iba na rin ang gusto kong pag-aralan ngayong 2018.
3. Makakuha na ng akmang life insurance.
Isa sa mga major adulting goals na nagawa ko nung nakaraang taon. Sobrang maasikaso at responsive din ni JM, ang aming financial adviser ni Uloy.
4. Makapagbayad ng maraming utang ni Inay (at least 40%)
Sa sukat ko hindi kami nakaabot ng 40%, medyo marami pa ring bubunuin ngayong taon.
5. Makapagsalin ng isang research thesis tungkol sa Kapihan sa Quezon.
Hindi pa rin natuloy dahil medyo na-busy ‘yung researcher.
6. Makapagpasa na ng totoong book proposal sa isang publisher.
Nagtangka akong mag-NaNoWriMo pero non-fic at nakatatlong gabi lang akong sunod-sunod na nakapagsulat. Hindi ko pa rin sure ngayong taon dahil ang tamad ko pa ring magsulat.
7. Makapag-serve ng 99 kids sa Project PAGbASA.
Hindi ko na-keep in mind yung physical targets ko sa Project dahil inabot talaga kami ng adulting magkakaibigan. Parang nasa 20+ lang yung nabigyan ko ng aklat ngayong taon.
8. Makapag-volunteer pa rin.
Nope.
9. Makakuha na License for Agriculturist.
Bakit ko ba sinulat ito?
10. Makapag-build pa rin ng stocks sa mutual funds.
Wiiiiiiii. Hihihi.
11. Magtagal sa trabaho.
Yes! Matagal na ‘yung 1.5 years sa gobyerno ha.
Parang ang konti ng nagawa ko ngayong 2017. At may mga sinulat akong goals na parang gusto ko lang at hindi ko na gusto ngayong 2018. May mga notable achievements ako na hindi ko naman isinama sa planong gagawin: crowdfunding, travels, youth empowerment events, camera, at ang bagong silang kong blog tungkol sa community development. Mga basta na lang nangyari.
Bago magtapos ang taon ay ginawa ko ang pinaka matapang na desisyon ng 2017; iniwan ko ang pinakamahal (in terms of suweldo and invested emotions) kong trabaho. Halos lahat ng kaibigan ko matapos magtanong ng “bakit” ay nagtatanong ng “Anong plano mo?”, “What’s next?” o kaya “So, paano na?”. Mga pag-uusisang nanakot at nag-aalala.
Sinasabi ko lang ‘yung mga posible kong kahahantungan. Pero hindi pa desidido. Tapos, sinasabi ko na “I have nothing major-major, I mean plan in my life”, o kaya “may planner naman ako, pero wala pang plano”. Ayaw ko rin namang gumawa ng kung ano para lang masabing may gagawin pa rin naman ako. Itinatanggi ko pa na pinahalagahan ko ‘yung sarili ko sa mga bagay-bagay na pinaggagagawa ko. Mas gusto ko ngang untian ang gagawin ngayong bagong taon. Wala pang sigurado.
Hindi ko alam kung nasa buntot pa ako ng denial stage pero natatanaw ko na ang pagtanggap sa katotohanan. Bagong pahina na lahat, at hindi ko pa alam kung anong maisusulat. Makinis ang bawat pahina at sana bihira lang magtae ang tinta.
No comments:
Post a Comment