Mabuti
may journal ako. Nata-track ko kung nasan na ako sa iba’t ibang aspeto ng life.
At parang wala akong narating. Joke lang, meron naman. May ilan akong stickers
sa journal e; 15 stickers of various sizes. Naglalagay nga kasi ako ng sticker
sa araw na: (1) I felt so productive at may check lahat ng to-do-list, (2)
naka-achieve ako ng something na magma-matter pa sa future (i.e. passport,
diploma), at (3) I just felt happy in general today.
So
kalahati ng Enero ang mukhang may napangyari. Pinipilit ko namang ‘wag dayain
ang pagkakapit ng sticker, ang strict ko pa nga. Hindi ko lang alam hanggang
kailan ako mamo-motivate ng stickers. Medyo mahal ang bili ko sa dalawang
maliit na banig na glossy stickers, para di ko sayangin.
Sabi
ng action plan ko sa mental health: DO LESS. Pero ang dami ko pa ring ginagawa.
Okay naman siguro, kaya lang sinusubukan kong ibalik sa sistema ko ang isang
gawain sa isang araw. Mas maging single-minded focus. Tapusin nang paisa-isa at
nang hindi nagmamadali. Minsan kasi, napapatigil pa ako para isipin kung anong
dapat unahin.
Sa
pananalapi, ang laki ng gastos ko pa rin sa lifestyle. Limang beses ako
nagsine, libre naman ‘yung isa. Ilang beses pang nagkape. Nakailang kain pa rin
kami. Na-enjoy ko naman ‘yung mga labas namin pero dapat ko ring tandaan na
wala akong ganung kalaking inflow pa. Kung maka-lifestyle pa ‘ko kala mo
sponsored vlogger.
Marami
pang aspetong pinapa-review ng journal. Sana lang mapangat’wanan ko ‘tong
journaling kahit may trabaho na ako ulit.
Kanina
pagdating ko sa bahay, ginising ko si Rr. Nagpasama ako sa may tubigan. Nagdala
kami ng linte at lente at binaybay ang riles dahil sa kakaibang buwan; super
blue bloody moon. Matatapos ang buwan nang tahimik at hindi karaniwan.
Sa
mas matahimik at di pangkaraniwan pang susunod na mga buwan:
Klik!
Klik! Klik!
#
Dyord
Brgy. Lalig, Tiaong,
Quezon
No comments:
Post a Comment