Day 03 - Meds at Rice-on-Pails
Hayun, nagbukas na kami ng botika sa Bariw National High School to augment DOH there. Simpleng paracetamol, vit. C at gamot sa ubo't sipon; wala sila. Perp in fairness, may doktor at nurses around the clock. Nakapagsugod pa ng ilang nanganak sa evacuation center.
Si Desirei hawak ang kanyang kinulayan sa psycho-social activity ng DOH
So anong rants ko today?
Wala naman masyado sa gobyerno. Pagpahingahin natin sila. Pero may rant pa rin ako sa nakita kong media men. Sana hindi lahat ganito mag-cover.
May inabangan kami ni Kuya Ivan na magulang, may sipo't lagnat ang dalawang anak nya. Shot-shot habang nasa help desk/botika tapos nagkuwentuhan kami kubo. Shot-shot ulit si Kuya Ivan, siguro mga dalawang pose lang.
Tapos, eto na nga. Sina media men gagawan din siya ng storya. Dugay ang ininterview. Nakailang balik-balik na ko sa evacuation center, nag-iinterviewhan pa rin sila.
Tapos, nag-reenactment silang buong pamilya sa botika. Tapos, may shoot din sa loob ng evacuation center. Tapos, may shoot din sa kubo. Pinatakbo pa ang bata sa field papunta sa nanay. Mga magdadalawang oras yung shoot nila. May lagnat yung mga bata.
Naghahanap talaga sila ng nakakaawa. Kahit na ang general conditon naman ng mga tao ay hindi nakakaawa. Mahirap, nag-aalala sa kabuhayang naiwan, pero kapag tinutukan mo ng camera, naka ngiti. Kapag kinausap mo, magbibiro pa. Tsaka hindi sila umaasa sa darating na relief goods, marami sa kanila ay nanay o matatanda ang naiiwan. Sila ang pumipila sa relief distributions. Yung karamihan sa mga tatay kung di tuloy ang trabaho ay bumabalik sa bukid kapag araw, naghahanap ng maluluto o magugulay. Kahit sikip, mahirap, ay dignified pa rin naman yung mga Albayon.
Hindi mo nga lang din masisi yung media men kasi baka ganung anggulo ang assignment nila. Tsaka ganung mga istorya raw ang kailangan para magbigay sa foundation ang mga donors. May mga vulnerable naman talaga at nakakaawa, pero balansehin natin. May mga nagme-make up pa rin kahit nasa evacuation center. May nag-aalaga sa anak ng iba kahit di nya kadugo. May nag-iisip na kung paano magsisimula muli kapag huminto na muli ang Mayon.
Paano kung napanood ni nanay yung istorya nya? Lalakas ba loob n'ya o mahihiya s'ya sa kalagayan n'ya? Matutuwa ba si nanay kyng kakaawaan siya ng mga tao? Anong epekto nung istorya sa kanya? 'yun ang unang tanong na sinasagot.
Sabi ko rin pala sa staff ko pakitingnan ang kalagayan ng mga Albayon sa evacuation centers. I need a feedback at full status report before 5pm today (Charat!):
Binisita ni #SimpLeni ang mga evacuees sa Bariw National High School
Nakasulat na rin ako ng ilang istorya nang maghapon na yun. Unang beses ko palang magsulat sa evacuation center. Naalala ko rin dati na sa selpon lang ako nagsusulat ng istorya, ngayon may nabili na akong laptop.
Dios Mabalos!
#
Dyord
Enero 24, 2018
Bariw National High School
No comments:
Post a Comment