sining ni: Margee
Misteryo ng tuwa ay misteryo ng hapis.
Nagbibigay buhay, pahiram na saglit.
Masyadong mataas, nakakalulang tayog,
Bulwak ay pait
sa sugat sa dibdib.
Hinila pababa.
Kay bilis ng pagbulusok.
Pagsisisi at panghihinayang, dumulas sa pagkakapit.
Mga kukong maiksi,
Walang dikit, dumulas sa damdaming umigkas.
Walang tugon, kahit kaunti.
Nakasisilaw na puti. Blanko at patlang.
Gitla ay di umubra.
Sa pagtanggi, dusa ang ani.
Hindi paro-paro, pumailanlang sa limot.
Langitngit ng pinto, banggan ng bintana,
musika sa hantungan.
Dahan-dahang tila dahon.
Nalagas sa walong talampakang panganib.
Ang noo'y sa tugatog, walang makaabot.
Naligo sa sariling kabiguan. Pumlakda.
Pusong bato ang nagpalaglag sa pinagkakapitan.
Tsk.Tsk.Tsk...
Naputol na buntot, matatagalan ulit umusbong.
Nagbibigay buhay, pahiram na saglit.
Masyadong mataas, nakakalulang tayog,
Bulwak ay pait
sa sugat sa dibdib.
Hinila pababa.
Kay bilis ng pagbulusok.
Pagsisisi at panghihinayang, dumulas sa pagkakapit.
Mga kukong maiksi,
Walang dikit, dumulas sa damdaming umigkas.
Walang tugon, kahit kaunti.
Nakasisilaw na puti. Blanko at patlang.
Gitla ay di umubra.
Sa pagtanggi, dusa ang ani.
Hindi paro-paro, pumailanlang sa limot.
Langitngit ng pinto, banggan ng bintana,
musika sa hantungan.
Dahan-dahang tila dahon.
Nalagas sa walong talampakang panganib.
Ang noo'y sa tugatog, walang makaabot.
Naligo sa sariling kabiguan. Pumlakda.
Pusong bato ang nagpalaglag sa pinagkakapitan.
Tsk.Tsk.Tsk...
Naputol na buntot, matatagalan ulit umusbong.
Oo, alam ko na dapat walang paliwanag ang tula. Pero gagawin ko ulit ang ipinagbabawal na gawain. Hango ang tulang ito sa isa pang tula. Nasulat ko ang pinaghanguang tula (kasama ang patnubay ni Ate Tin,) nang mainip ako sa kakahintay ng meeting namin noon sa campus pub. 'Love is Fatal' ang pamagat, tapos rhyming; at higit sa lahat may pagkabaduy. Tungkol siya sa isang butiki na nahulog sa isang puting pader na ikinahulog niya rin afterwards. Isang taon ang nakalipas at napasama siya sa unang limbag ng Lagalag (Litfolio ng SLSU-Tiaong). Halos isang taon ulit ang nakalipas, ay nabilang ito sa poetry reading night sa UPLB, napasubo ako dahil gabi ng walang tanggihan. Sa ikatlong taon, nalimbag naman ang 'Love Leaves Lives(Love is Vital)', ang prequel ng Love is Fatal sa ikalawang isyu ng Lagalag na ilan lang ang may kopya.
At ngayon nasa blog ko na siya sa wikang Filipino. At ang Filipino adaptation ng tula ay hindi na rhyming at may pagka-speculative na ang drama.
Aba! Entry din yan.
No comments:
Post a Comment