Friday, February 14, 2014

7 Senyales na Wala kang Katipan

     Katipan ang kasingkahulugan ng jowa kung babalik tayo higit isang siglo mula ngayon. O dapat "7 Senyales na Single Ka" na lang ang itinaytel ko. Eniweys, andyan na yan e. Ito na ang mga palatandaan: 


7. Palagi kang OL. Marami kang oras sa social networking sites. 

6. Higit sa isa ang social site account mo at namamanage mo ito efficiently. 

5. *HOHOL with barkada. 

4. Lumalaki (kahit papano) ang savings mo (kung meron). 

3. Marami kang kaibigan sa opposite sex. 

2. Oks lang na maded-bat ang phone. Oks lang din maiwan sa bahay maghapon. 

1. Wala kang load buong taon. At nakikipag-communicate lang gamit ang smartalert. 



*HOHOL (Hang-Out Hangout Lagi)


Wala naman palang disadvantage ang pagiging single. Lalo na't hindi pa kailangan. 

No comments: