Wala pang dalawang segundong nasa likuran ko sila narinig ko silang nag-usap.
"Ano ba kasing nangyari" sabi nung lalaki.
"Hindi ko kasi siya maintindihan, kinausap ko siya..." humahagulgol na sabi nung babae.
Mahirap talaga ang trigo lalong hindi mo maiintindihan kung cantonese ang titser mo at wala itong subtitle, pero hindi ito ang problema niya. Isa na naman itong #alamnathis.
Halos dalawang Linggo rin namin tinugaygay ang usapin ng Infatuation at Dating na yan. Hanggang umabot na nga kami sa puso ng usaping "what is love". Natsi-cheesihan pa rin ako kapag sinusulat yung nasa quotation marks. Ewan.
Bukod sa LCM (Love.Courtship.Marriage) ay marami pang seminar/modules ng pananaw ukol sa pag-ibig na pawang bible-based and practically fit para sa'ting mga kabataan. Ito ang ilan pa:
GSY (God, sex, and you) - na ang pag-ibig at sensualidad ay may tamang lugar, panahon, at pamantayang itinakda, hindi ng kasalukuyang lipunan, kundi ng Diyos. Oki?
Love MYX (Media.You.Xtra-ordinaire Book) - na ang pananaw natin sa pag-ibig ay nagkahalo-halo na, napapagitnaan tayo ng isinusupla ng media at kung anong sinasabi ng Salita ng Diyos. At ang Xtra-ordinary Book parati ang may final say.
TLW (True Love Waits) - na ang tunay na pag-ibig ay nakapag-aantay. Nakapagpapanatiling dalisay hanggang sa tamang panahon.
Yung pa-tatsulok sa tabi ay nagpapakita ng mga antas-uri-mukha ng pag-ibig. Umpisahan natin sa pinakamalawak:
AGAPE - yan yung unconditional, yung Amazing Love, It must be Love, At the Cross, The Love of God, My Savior's Love at napakarami pang awit at tula na naisulat ukol dito. Sabi nga sa isang kanta: "...Dagat ma'y maging tinta at ang langit maging papel, bawat damo ay gawing pluma, sumulat man bawat isa. Pag-ibig Niya kung isulat, matutuyo ang dagat..." Isa ito sa pinakamalupit at paborito kong metapora. Sabi pa ng isang awit: "...Kulang ang lahat ng tula, maging mga salita..." at kung patuloy pa akong magsusulat para ilarawan ito ay baka bolpen ko naman ang matuyo.
For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life. -John 3:16
Hindi dahil nasa ilalim ang AGAPE ay ito ang pinakamababang antas, bagkos ito pa nga ang pinakamataas, pinakamalawak, at ang Pinaka! Ito ang angular base, pundasyon ng iba pang pag-ibig.
PHILEO - yan yung brotherly-friendly. Mas kumipot ng kauntian ito. Medyo naging mas personal kasi ang uganayan ang pagkakaibigan. May mga parehong interes, ugali, karanasan, at paniniwala na nag-uugnay sa kabila ng marami pa ring pinagkaiba-iba.
A friend loveth at all times,... -Proverbs 17:17
EROS - Yan na yung erotic-sensual. Mas lalong makipot ito. Sarado para sa mag-asawa - sagrado rin. Dapat AGAPE pa rin ang nagbubunsod sa pag-ibig na'to. Bed is undefiled sa loob ng kasal. Hindi ito pang-18 and above kundi para sa itinali ng kasal.
Marriage is honourable in all, and the bed undefiled: but whoremongers and adulterers God will judge. -Heb. 13:4
Alam ko hindi ko naipaliwanag ng malinaw at buong detalye, maganda maghanap kayo ng malapit na seminars na nabanggit.
Mahirap kasi talagang magsulat ukol sa usapin ng pag-ibig. Mas mahirap namang sumablay ka rito.
No comments:
Post a Comment